Prologue

92 3 0
                                    

Azreene's POV

Takbo lang ako ng takbo ngayon dahil andaming humahabol sakin. Hindi ko na nga alam kung hanggang saan na nararating ang pagtakbo ko, hindi ko kasi nagamit ang motor ko dahil ayun nawalan ng gasolina iniwan ko nalang kung saan-saan, dahil lintik ang kaba ko eh napagdesisyunan ko nalang na iwan yun, masyadong madaming tao ang humahabol sakin. Ng makarating ako sa isang madilim na eskinita ay huminto ako ngunit ganun nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung hindi ako nag-iisa dun.

"S-sino ka?" tanong ko sa taong nandito sa harap ko habang naghahabol ng hininga, madilim kasi sa parte niya kaya hindi ko siya masyadong makita, nakita ko siyang naglalakad papalapit sakin kaya naman atras ako ng atras, nakarinig ako ng yabag sa likuran ko kaya naman lintik sa kaba ang naramdaman ko.

"Dito ako maghahanap, maghiwa-hiwalay tayo para madali nating makita si Celestine" nako patay na! Dali dali kong hinawakan sa braso tong lalaking nasa harap ko at itinulak sa pader lumapit ako sakanya at astang hahalikan siya ang pwesto ko ay nakatalikod sa mga taong may hinahanap, hindi ko na inisip pa kung anong iniisip ng lalaking to basta ko nalang siya hinila, ng marinig ko ang yabag ng mga naghahanap papalayo ay saka ko binitawan sa braso tong lalaking hawak ko, ng lingunin ko siya ay sobrang sama na ng tingin niya pero dinedma ko nalang yun ang mahalaga ngayon ay safe na ako.

"What the hell was that?" inis na tanong niya, tinignan ko nalang siya at akmang tatalikuran siya ngunit ganun nalang ang bilis niya dahil bago pa ko makatalikod ay hinila niya na ako sa braso.

"A-aray!" singhal ko, tinignan ko siya ng masama, "Let me go!" singhal ko uli habang pinipilit tanggalin yung pagkakahawak niya sakin, sa sobrang diin eh kayang kaya ng bumaon ng kuko niya pero dahil hindi naman mahaba ang kuko niya eh hindi yun nangyare.

"Don't you ever do that again" inis na sabi niya habang pabatong binitawan ang braso ko, tinalikuran niya ako at tinanaw ko pa siyang makalayo habang hawak hawak ko ang brasong hinawakan niya.

Masakit ah!

d>_<b

Dahan dahan akong naglalakad nagiingat sa bawat madadaanan ko, gabi na kaya kakaunting tao nalang ang nakikita ko.

Sino nalang ang mapupuntahan ko?

~KRIIIIING~ ~KRIIIIING~

Gulat na gulat akong napatingin sa bulsa ko ng may maramdaman akong nagvivibrate at nagri-ring, sino naman ang tatawag sakin ng ganitong kagabi? Hinugot ko ang cellphone ko na nasa bulsa gulat akong napatingin sa screen.

Zaneya is calling

Nanginginig ang kamay ko ng sagutin ko iyon, kinabahan ako bigla.

"Hello?" kabadong sagot ko.

"Hey! Nasaan ka? Ang sabi mo ay pupunta ka dito sa bahay ngayon?"

"Hindi ko kasi alam kung nasan ako eh, p-pwede mo ba kong patuluyin muna sa bahay niyo?"

"Ano?! Hindi mo alam kung nasaan ka? Jusko naman Azreene! Basta basta ka kasing umaalis hindi mo naman alam kung saan pupunta? Eh paano ka niyan ngayon? Paano kung may mangyare sayo? Wala kami dyan para tulungan ka kasi hindi namin alam kung nasaan ka? Nag-iisip ka pa ba ha? Azreene?" galit na galit na ani ni Zaneya, bumuntong hininga ako at kinagat ang ibabang labi ko.

"Please Zaneya wag ngayon, tulungan mo muna ako, magtatanong tanong ako kung nasaan ako" nagmamakaawa kong saad.

"Oo magtatanong tanong ka! Eh paano nga kung yung matanungan mo eh masamang tao pala? Oh eh ano ng mangyayari sayo? Edi na tegi ka na bago pa kita mahanap, jusko naman Azreene!"

His Queen (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon