Chapter 2

68 3 1
                                    

Azrein's POV


"Gising na, Azreene! Nakahanda na ang breakfast, kumilos ka na agad at pupunta pa tayong MIS para mag-enroll!" sigaw ni Zan sa labas ng kwarto ko, sa totoo lang ay bago pa siya manggising ay gising na ako, hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero kahit gising ako ay parang natutulog pa ang katawan ko dahil ayaw manlang nito kumilos "Hoy! Gumising ka na mahal na prinsesa! Nagluto na ako ng breakfast, mas masarap to kapag mainit kaya gumising ka na dyan! Wag mong paghintayin ang pagkain sa baba! In short wag kang pa-VIP!"

"Tss! Tama na pagbubunganga, Zan! Kanina pa ko gising kaya manahimik ka na" pasigaw na sagot ko din sakanya.

"Gising ka na pala di ka manlang nagsasabi! Sayang effort ko dito sa kakasigaw kaloka ka! Argh! My beautiful voice!" inis na inis na siya base sa tono ng pananalita niya, sinasabi niya yun habang pababa ng hagdan, dahil rinig na rinig ko ang yabag niya at ang tunog ng kahoy na hagdan.

d-.-b

Parang ewan talaga



NANG matapos ako maligo ay tumingin ako sa salamin upang tignan ang itsura ko, naghanap ako ng gunting at ng may makita ako ay naglagay ako ng kaunting buhok sa harapan ko at walang alinlangang ginupit iyon para magkaroon ako ng bangs, pagkatapos kong gawin yun ay dumiretso ako sa side table ng kama ko may drawer ito at dun ko inilagay ang eyeglass na ginagamit ko, wala naman iyong grado kaya ayos lang na gamitin ko.

Pagbaba ko ay ayun na naman ang magkapatid, nagbabangayan na naman hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako, nagsandok ng kanin at

dO_Ob

"A-ano to?!" sigaw ko habang nakaturo sa isdang maliit na parang hintuturo ko lang ang laki, tuyong-tuyo yung isda at tsaka parang hindi pa masyadong luto, natigil silang dalawang magkapatid sa pagsisigawan dahil sa tanong ko, yung mata ko ay nakatuon lang sa isdang yun habang nanlalaki ang mata ko.

"H-ha? Tuyo yan masarap yan promise! Makakalimutan mo pangalan mo pagtinikman mo" sabi ni Zan habang kinukuhanan ako ng dalawang isda na tinawag niyang tuyo "Eto kamatis masarap yan ipagsama hehehe" inabot niya naman sakin ang kamatis, tinikman ko naman yun kasama ang kanin at kamatis.

"Ang alat!" bulalas ko ng matikman ko ito, totoo namang maalat siya pero masarap naman kaya ok lang, masarap nga siyang sabayan ng kamatis at kanin kasi kinokontra nila yung alat ng tuyo.

"Ang arte mo naman!" nakangusong sabi ni Zan.

"Maalat pero masarap" pagbabawi ko sa sinabi ko.

"Azreene, nagpabangs ka pala? Hindi ko napansin kahapon" ani Zyrelle, nilingon ko naman siya.

"Ako nagbangs sa sarili ko kanina lang"

"Ah kaya pala hindi pantay hehe, napapansin ko lang kahapon pa, bakit nakasalamin ka, Rein? Hindi ba't ayaw mong nagsasalamin? Kasi magmumukha kang nerd sabi mo? Eh bakit nakasalamin ka na ngayon? Bagong taste te?" singit na tanong ni Zan.

Disguise ko, Zan para hindi ako makilala ng mga taong naghahanap sakin.

"Trip ko lang" Pagsisinungaling ko, ayokong malaman nila kung bakit ako nakikitira sakanila ngayon, for sure madaming tanong na naman ang ibabato nila sakin at ayoko nun.

His Queen (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon