Dahan dahan kong tinahak ang pasilyo patungo sa kusina. Dumadalas na ang gawain kong ganito. Kumuha lamang ako ng isang basong gatas at isang slice ng black forest cake pagkatapos ay pumanhik na rin ako pabalik sa aking kwarto. Isang linggo ng nangyayari ang ganitong senaryo sa buhay ko. Alas dos na ng madaling araw pero gising na gising parin ako. Hindi ko ganun ka vibes ang mga kwentong may kinalaman sa bampira pero pakiramdam ako si Marceline sa Adventure Time. Minsan nga rin e pakiramdam ko'y ako si Magdalena ni Gloc 9, "tulog sa umaga, gising sa gabi." Yun nga lang, sariling kwarto ko ang "silid aliwan."
Tinignan ko ulit yung cellphone ko kung may text na ba galing sa kanya kaso wala pa rin. Tatlong oras na ang nakalipas at wala parin. Diabetes lang pala makukuha ko sa sobrang pag mamahal sa isang lalaki. At malamang sa malamang, ako nanaman ang mag pifirst move neto. Hay.
"Matutulog na ko ha. Mag pahinga ka na rin maya maya. Text mo ko pag may bakante lang oras. I love you :) "
At muli, sa pang- hindi ko na mabilang kung pang ilan, sumabay sa pag pikit ng mata ko ang mga luhang kanina ko pa tinatago.
Kinabukasan...
Pagkababa ko ng hagdan ay fresh na fresh akong sinalubong ni mama. May pakilay si mudra oh. Hihi.
"Nandyan si Ellice, bruha. Sasabay daw sya sayo sa pag pasok." Ani nito habang sinusuklay ang bagong rebond nyang buhok. Pamillenial masyado e. Hahaha.
At eto namang babaeng to, ano kayang nya at pumunta pa talaga dito samantalang katapat lang naman ng bahay nila yung school na pinapasukan namin.
"Ellice."
"Uy Ellice."
"Huuuuy!"
"Oh andyan ka na pala. Antagal mo talaga kahit kailan." Tss. Kanina pa kaya ko nandito. Naka ilang budots na nga ko dito sa tabi nya no response lang e. -_-
"Uhm friend, may, you know, kailangan kang malaman. Ano kasi, tungkol kay Mark."
Doon ako naniwala na ang mga kwago ay may tsansang maging chinita.
Ako si Araceli Laszlo, 16 years old, naniniwala sa kasahihang...
Time is gold.