Mr. Garcia

21 3 0
                                    

Kumatok ako sa office nya. Di ko maitatangging malaki talaga

"Come in" Saad nya kaya minabuti ko na ring pumasok

"Your Late. Your 50 minutes late" bungad nya agad sakin.

"I'm sorry da----" hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang sya sumingit.

"Never call me like that inside of my Campus. Call me Mr. Garcia instead. Am I clear?" Hindi ko inaasahan ang sagot nya. Why? Kinakahiya nya ba ako? Wala akong maintindihan. Bakit kailangan pang itago?

"But da----" maluha luhang sabi ko pero pinutol nya

"Ms. Correa! Am I clear?!" Sumigaw na sya so di na ako nag atubiling sagutin sya

"If this is what you want,then fine. MR. GARCIA. So ano? Pinapunta mo ako dito para lang sigaw sigawan mo?! Oh comm'n don't be selfish MR. GARCIA. Di mo pag ma-may ari ang oras ko."
Tinignan ko ang relo ko na kunwaring may hinahabol na oras.
Diniinan ko pa yung "Mr. Garcia" para damang dama. Tch

Gusto ko na umiyak pero No. Kelangan ko maging matapang lalo na sa mga oras na to.

Di sya nakasagot sa mga sinabi ko. Siguro di sya makapaniwala na nasabi ko yung mga bagay na yun.

Wala ehe. Pinapagalit nya ako. Sumabog na ako. Hindi na ako nakapagtimpi
Hindi tamang ikahiya nya ako.

"Ano? Sasagot ka ba o ako mismo magpapabuka ng bibig mo Mr. Gracia?"
Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko kaya nasampal nya ako ng pagkalakas lakas. Hindi ako nakailag o ano pa man. Hindi ko inaasahang magagawa nya ang bagay na yun.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang hapdi pero mas mahapdi ang puso ko ngayon. Kahit anong oras,babagsak na ang mga luha ko.

Hindi ko na naiwasan ang mga luha ko. Bumagsak na sila. Kasabay rin nun ang pagtalikod ko kay Dad. Ayokong makita nya akong umiiyak. Ever since, matapang na ako sa paningin ni Dad. Masakit
Sobrang sakit. Takbo lang ako ng takbo
Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala na akong pakealam. Hindi ko na din makita ang dinaraanan ko dahil sa mga luhang nakatakip sa mata ko.

Nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo patungong Field.
Hindi pa man ako nakakapunta,

"MISS ILAG!!!!"

Napaluhod nalang ako sa sobrang sakit ng ulo kong natamaan ng Bola.
Shit naman. Ngayon pa talaga?!
Napayuko nalang ako sa sobrang sakit. Hindi ko alam pero mas bumagsak ang balde baldeng luha galing sa mata ko

"Miss okey ka lang?"
"Miss masakit ba?"
"Lagot ka Gab!"
"Sorry miss. Di ko sinasadya"

Ramdam ko ang pagod ng katawan ko. Parang di ko kakayanin kung tumayo pa.
Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko,

"SHIT ANONG GINAWA NYO?! FUCK! TABI!"

The next thing I knew... buhat nya na ako

*BLACK OUT*

My Messy life (Old Habits Die Hard)Where stories live. Discover now