OHDH-Vialona

25 3 0
                                    

Zeke POV

Bago pa sya makasagot ay hinila ko na sya sa kotse ko. Actually wala naman talaga akong balak gawin syang slave. Wala na kasi talaga akong ibang maisip na kapalit since nabibili ko naman lahat ng gusto ko. Haha

"Anong gagawin natin sa Condo mo? Tae! Wag ako Zeke! Madami akong pangarap sa buhay. Hindi porke um-oo akong maging slave mo eh,gagantohin mo na ako. Slave kelangan mo diba? SLAVE Hindi bayarang Babae. Parang awa mo na naman Zeke. Mahal na mahal ko ang pamilya ko Wag kang ganto. Ano bang gusto mo? Gagawin ko wag lang yun. Nagmamakaawa ako Zek----"

"Can you please shut up your fucking mouth?! Wala akong gagawin sayo okey? Don't be so mean. Di ko papatulan ang kagaya mo" Saad ko habang nagd-drive.

Daldal eh. Kala mo naman may gagawin ako sakanya eh ang panget panget nya nga. Psh

Kung nagtataka kayo kung bakit ko sya niligtas nuon,ay dahil inutusan ako ng magaling kong kapatid. Ewan ko ba Sa babaeng yan kung anong pinainom sa kapatid ko. Di pa naman sila magkakilala pero maganda na yung pakikitungo sakanya ng kapatid ko. What's with you Nerd?

Drive lang ako ng drive hanggang sa makarating kami sa building na kung saan naroon ang Condo ko.

Hinila ko na kaagad ang babaeng to papunta sa Condo ko. Wala naman talaga akong balak sakanya eh hahaha
Papalinisin ko lang sya. Psh

Antahimik nya. Hahahaha anong meron? Bat parang biglang nagkaroon ng misa sa paligid nya? Haha
Hinila ko sya papasok sa condo ko.

"Eto ang condo mo?" Agad na bungad nya pagkapasok sa condo ko. Well di ko sya masisisi
Masyadong magulo ang Condo ko haha. I don't even take a snap to clean this messy room. No, NEVER

"Mga hayop ba ang nakatira dito?" sarcastic nyang sabi.

"CLEAN" cold Kong sabi nang Hindi sya nililingon. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Bahala na sya linisin yung magulong salas na yun. Sinalpak ko ang earphone sa dalawang tainga ko at nahiga na.
---
Iona POV

Hii There! Vialona Garcia is the name:)
My friends--- ops i mean Eya and my family call me "IONA"

Well actually si Eya lang ang kaibigan ko. You know why? Kasi una ko palang syang nakita ang cool nya na. Magaan na ang loob ko sakanya so naglakas loob na akong tulungan sya sa tuwing sya ay nalalagay sa alanganin. Including yung pag utos ko kay Kuya bwahahaha

Super duper close kami ni Kuya. To think na iniispoil nya ako lagi haha. Sino pa naman ba kasi ang magtutulungan diba? Eh kami lang naman na dalawa ang magkapatid haha.

Nakatira ako sa bahay namin. Kasama ko si Dad tsaka Mom. Si Kuya kasi may condo na eh so ayun. Nahiwalay sya
Bumibisita sya dito minsan kapag wala syang ginagawa

"Princess!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ang batang nasa first year palang ata. Nagbow sya at may binigay saking mga papel

"Princess may nagpapabigay po" nagbow sya ulit at tsaka tumakbo na.
Siguro curious na kayo kung bakit PRINCESS tawag nila sakin?
Yung crush kasi nila,si Zeke. Heartthrob kuno sa Campus ang kupal na yun haha
Gwapo naman kasi talaga si Kuya. Masungit nga lang minsan na kala mo'y dinaig pa ang babaeng merong PMS haha

So tulad nga ng sinabi ko,heartthrob sya. HEARTTHROB kaya ang tawag nila sakanya specially yung mga babae ay "PRINCE"

Flashback/

First year highschool palang ako at bago palang ako dito sa skwelahang pinapasukan ko kaya Hindi pa nila ako ganun kakilala. Wala pa akong kaibigan sa mga oras na ito.

Pumunta ako sa Canteen at bumili ng fries at tubig. Kain lang ako ng kain nang biglang may unti unting pumatak na basa sa ulo ko. Nilingon ko ito at napagtantong binubuhasan nya na pala ako ng juice nya.

Masyado pa akong iyakin at mahina para labanan sila kaya't wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak

Hindi ko alam kung bakit ba nila ginagawa bagay na ito. Nilibot ko ang paningin ko at isa lang ang nakita't narinig ko. PINAGTATAWANAN AKO

Ngunit isang tao lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Sa kabila ng kahihiyan ko sa loob ng kantinang ito,may isang babaeng pinatayo ako sa pagkakaupo at inabutan ng panyo. Hihilahin na sana nya ako sa kung saan ngunit...

"What's going on Here?!" Napatahimik ang lahat dahil sa kanyang sinabi. Inilibot nya ang kanyang paningin hanggang sa makita nya ako

"What the fuck?!" Nakita ko ang galit sa mukha ng kapatid ko nang makita nya ako.

"Sinong may pakana neto?!" Walang ni anong boses ang naririnig ko unlike kanina na sobrang ingay.

"Kung walang magsasalita sainyo,kayong lahat ang idadala ko sa PO. Now. Tell me SINONG MAY PAKANA NETO?!" unti unting tumutok yung mga daliri ng mga tao sa babaeng tumapon sakin ng juice kanina. Galit na galit si kuya. I can see it in his eyes

Tinignan nya yung babae at hinawakan ang braso nito. "Sa susunod na gagawin mo pa ulit to,di na kita sasantuhin. Damn you!" Kita ko sa mukha ng babae ang takot.

"Listen everyone! This girl. *tinuro nya ako* is my sister. If you're calling me PRINCE,then you must call her PRINCESS. Touch her,i'll kick your ass right after." Nabulong bulungan sila dahil siguro sa nagulat sila na may kapatid ang Prince nila. IDC anyway

Walang ano ano'y hinila na ako ng kapatid ko palabas ng Canteen. Nilingon ko yung pwesto ng babaeng tumulong sakin kanina ngunit wala na sya. Saan sya napunta? Habang hila hila ako ni Kuya ay tinignan ko ang panyong binigay sakin nung mabait na babae kanina.
"LC"

Flashback Ends//

Pinagmasdan ko ang papel na hawak ko ngayon
Binuklat ko ito at binasa ang bawat salita duon.

"Old habits Die Hard"

What does it mean? At ang malupit na tanong ay,kanino galing to?

Psh. Kashungahan to

My Messy life (Old Habits Die Hard)Where stories live. Discover now