1.

8 0 0
                                    

Minsan habang nagtu-twitter ako, may nakita akong picture na tinamaan, guilt and at the same time nakaramdam ako ng awa. Alam niyo ba kung tungkol saan yon?

TANTANANAN. Para sa mga CHICSER

 

Yes, Chicser. Sila ang sikat na sikat na grupo dahil sa araw-araw na nangyayari sa buhay nila e puro paninira, hate, bash ang nangyayari sa kanila.v

 

Chicser ay isa sa mga grupo dito sa Pilipinas na laging hinusgahan. May mang-yari lang na gulo, sila agad sisisihin. Come to think of it, hindi natin sila kilalang lubusan. We only know their names but we dont know their stories. Malay niyo sa harap ng mga mukhang nakabalandra na lagi niyong nilalait at sinusumpa, may mga problemang pinagdaraanan.

 

Hindi ako magpapa-santo or what, aaminin ko, binash ko din sila, pinagtawanan, hinusgahan. Pero nang mabasa ko yung picture na yon, nasabi ko sa sarili ko, ANG SAMA KONG TAO.

 

 

Kayo kaya i-bash, husgahan ng mga taong di niyo kilala.

 

 

Sabihan palang kayo ng "PLASTIC", "MALANDI", "LAITERA", "PANGET", at kung ano-ano pa, umuusok na ilong niyo. Sila pa kaya na sa lahat ng nangyayaring mali e sa kanila sinisisi?

 

May gyera lang na mangyayari, sabihin niyo, ipadala na sila para mawala na. Ang rude na pakinggan. (Hindi ako dumating sa point na yan.) Masakit para sa kanila, lalo naman sa mga magulang nila. At kahit na gaano pa kasakit mga sinasabi tungkol sa kanila, hindi naman sila nakikipag-away pa diba? Hindi naman sila nagsusumbat.

 

 

Aminin niyo, gwapo sila. Oo, trying hard sila na kumanta, pero may talent sila sa pagsayaw. Pero yung mga makikitid na utak na mga tao (SORYY NOT SORRY FOR BEING RUDE) hindi parin papatigil. Ayaw na nga sa Chicser, manunuod pa ng mga videos nila saka lalaitin.

 

 

Ikaw na may problema doon, ayaw mo na nga sa Chicser, papanuorin mo pa mga videos nila, tas sasabihin mo, "MGA BAKLA!", aba matindi. Ikaw na nangi-stress sa sarili mo 'te.

 

Aminin niyo rin, natatawa kayo kapag may nakikipag-away na mga Chicser fans tas baluktot English. You is no pakielam. Chicser are handsomes and hot. You shut hell up, I will puch u. (Gosh, infairness mahirap pala mag-construct ng sentence na mali dapat ang grammar) HAHAHA. O di kaya, ...... hAiXxxT ,, vKeT niO VhA kXe iNaAwy ChICSer !  dHi nHmn KyO inAaNo eH !! ....

Nakakabilib mga fans na sa kabila ng kapansanan (talagang kapansanan e) nila sa pagta-type, nagawa pa nilang maipag-tanggol yung idols nila.

 

Wait lang... NAIINTINDIHAN NIYO BA GUSTO KONG IPARATING?

 

Uulitin ko, MAAWA NA KAYO SA CHICSER. Pagtuunan niyo muna pag-aaral niyo. Wag niyo nalang silang pansinin. Problemahin niyo mga buhay niyo, wag buhay nila.

 

Uulitin ko ulit, HINDI AKO FAN OR HATER.

Observations, Opinions, Rants etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon