WATTPAD
Aaminin ko, naiinis ako sa ibang stories dito sa wattpad. Bakit?
1. Paulit-ulit ang plot.
- Puro Nerd na naging maganda/gwapo.
- Pinaglaruan.
- Dare or bet.
- Gangster. (Na sa totoong buhay ay TAMBAY lang talaga)
- At madami pang iba.
* Nakakainis kasi yung isa ganito na nga plot, pati ba naman ito! Isa sa gusto kong story e, Hundred Days With You, KathNiel fanfic siya. Basta maganda. Maganda talaga yung story. Pero feeling KO ( FEELING KO HA) simula nung pumatok yung plot niya. Madaming nanggaya.
Basta madaming nang-gagaya ng plot. Di ko naman sinabi na yung plot ng HDWY ang ginaya. Pero yung ibang plot nga. Kulit! Haha.
2. Masyadong TANGANG babaeNaiinis ako sa ganoon. Masyado ng tanga yung babae. Yung ang OA ng pagiging tanga niya! Alam niyo yun? Masyado na ngang OA, tanga, wala pang alam sa gawaing bahay. NABUHAY KA PA!Tanga na nga sa academics, tanga ka pa sa buhay mo, pati ba naman sa gawaing-bahay. MALAS NG BUHAY NA 'TO OO!
3. Spaces
Ang daming spaces ng stories. Para saan ang maraming spaces? Pandagdag ng pages kasi wala ng ma-imagine tungkol sa story mo? Nakakainis kaya ng madaming spaces, lalo na pag mobile ang gamit. Hindi mo alam kung nagloloko yung wattpad o wala na talaga. Kapag PC naman ang gamit, nakakapagod kaya ng scroll down ka ng scroll down tapos next page na?! Niloloko mo ba ako?! Isang sentence per page. Leche.
4. OA. -_________-
Naiirita ako sa isang storya, paano napaka-OA! Alam niyo yung pagkabukas lang ng pinto kasi papasok siya ng kwarto niya tas ide-describe na lahat. Oo kelangan ng wide imagination, pero ang OA ata?
Ex.
Hayyy, Nakakapagod. Pagkarating ko ng bahay namin, umakyat na ako sa hagdanan namin. Pagkabukas ko sa kwarto ko, makikita mo ang malaking salamin, then sa tabi noon may mga cabinets ako, then sofa, tapos next naman yung study table ko. sa likod ng room ko, makikita mo yung isang malaking picture frame ko. Then yung bed ko. Pure pink ang kwarto ko then yung wall ko, may flowers flowers pa. ASDFGHJKL. Tas natulog na ako.
Bakit hindi ka nalang gumawa ng room tour kagaya ng mga youtubers?! Yung sinasabi pa kung saan binili mga gamit nila! Naiirita ako sa ganoon. Ewan ko lang sa inyo.
Matutulog lang pala, dinescribe pa buong kwarto, bakit di nalang: "Pumasok ako ng kwarto ko at natulog na ako."
Yung iba ganito pa ka-wide ang imaginations. Im wearing fluffy dress form Forever 21, then yung shorts ko, galing sa Brandy Melville, and my flipflops ko na color pink ay galing sa Target. Eto namang bag ko, sa Forever 21. And all my accessories are from Forever 21.
OOTD lang diba?! Kasi ganoon pa ang hina-highlight. Dapat yung mahahalagang point ng storya niyo ang pinagtutuunan niyo.
OA kasi para sa akin. Bakit ba?! Hahaha.
5. Away bati. (BWISET!)
Nakabasa na ba kayo ng isang story dito sa wattpad na away-bati nalang nangyari sa characters. Kakabati lang tas mag-aaway na naman! Yung totoo, yun na ba ang pinaka-plot. Away bati sila hanggang sa nagbreak na sila?! Tss.
6. Gay POVs
Ang manly ng dating ng pagkaka-describe ng babaeng bida tas biglang nag-POV yung lalake, parang pangbabae ang POV. Nage-gets niyo?!
Kunwari, Kinikilig ako, si Panget kasi e. Hihihi. :"""""""')
Lintek, sana hindi nalang nag-POV ang lalaki kung parang ganoon lang ang format sa babae. Pangalan lang binago.
BINABASA MO ANG
Observations, Opinions, Rants etc.
Narrativa generaleEto ang mga bagay na napapansin ko sa araw-araw na paghinga ko sa mundo na 'to. Magalit kayo kung gusto niyo magalit. Pero lahat ng ito ay tungkol sa sarili kong opinion. Hindi tayo parehas ng pagtingin sa buhay, kaya kung sasabihin mong hindi totoo...