2.

7 0 0
                                    

OA FANS.

 

Sa totoo lang, ang o-OA ng fans ngayon. Jusko, sarap sampalin para magising sa katotohanan.

 

Example:

#1. Directioners

WAG NIYO AKO I-BASH! GAYA NG SABI KO, ETO YUNG MGA NAKIKITA KO SA ARAW-ARAW KONG PAMUMUHAY SA MUNDO NA 'TO. AT AYON NGA SA TITLE, OBSERVATIONS, OPINIONS, RANTS ETC. Ibukas niyo isip niyo please!

 

Eto na nga. Diba nai-balita yung tungkol sa upcoming concert ng One Direction.

Eto reaction ko jan, "Omygosh! Harry and Zayn! Omyyy! 1 D!" sumisigaw ako nung nalaman ko yon. May pagaka-Directioner ako. At wag niyong sabihin na lihis akong Directioner or fake, kasi simula palang sinuportahan ko na sila. X Factor palang.

 

Pero yung nabalita nga yung sa VIP tickets na ubod ng mahal, AT WALANG BACKSTAGE PASS! Sa harapan ka lang naman mapupunta. Pero okay na rin yon. Malapitan mo silang makikita, eto na nga yung mga OA na fans.

 

Di ko lang maintindihan, kapag ba sa unang araw ng labas ng VIP tickets, wala ng kasunod? Please! Paki-intindi sa akin. Kasi hindi ko maintindihan. Eka, FIRST DAY ng release ng tickets, edi may second, third, fourth, fifth, and so on day?! Ano meron kapag first day na ni-release!

Sabi ko nalang sa sarili ko, "Wala na bang susunod na araw na magbebenta sila ng tickets?" kasi umiiyak talaga sila. Grabe diba. Paki-intindi sa akin please.

 

#2. Belieber

ALAM NIYO KASI, ASAWA KO SI JUSTIN BIEBER, KUMAKANTA PALANG SIYA SA YOUTUBE, NASUBAYBAYAN KO SIYA. KUNG DI NIYO NATATANONG, ADIK AKO SA YOUTUBE. OO KASE! INLOVE NA INLOVE AKO KAY JUSTIN BIEBER!

Pero etong mga OA na fans niya. Jusmiyo!

Kahit ata pumatay si Justin Bieber, sasabihin nilana mabait ito. MADAMING NABUBULAG DAHIL SA IDOLISM NA YAN! Ang o-OA niyo. Promise. Nakapatay na mabait pa rin?!

Alam niyo ba yung nabalitang nakulong siya sa Miami? May pagkakamali talaga yung mga pulis na umaresto sa kanya, pero may MALI din si Justin!

Ang OA kasi nung mga Beliebers na eka walang kasalanan si Justin, ano yun nagda-drive lang siya tas hinuli agad siya. SIRAULO BA MGA PULIS PARA GAWIN YON?! Ang kikitid ng brain, benta niyo na!

 

Kung may OA na fans, may OA na haters.

Sinasabihan niyo siya ng BAKLA, e kayo nga, LALAKI NGA KAYO, MANLOLOKO NAMAN. Yung baklang sinasabi niyo, ayon oh, sikat na sikat ngayon! Sabi nga ni Taylor, "Justin's haters are those who cant do his famous hairflip." Kaya niyo ba yung hairflip na ginagawa niya? Kaya niyo ba magpa-uso ng bagong hairstyle?!

 

Oo nga pala, isa ako sa mga OA fans. Pero hindi ako magpapakabulag na alam kong mali siya e sasabihin kong mali siya.

 

#3. KathNiel

Napapansin ko lang ha, mejo naging warfreak kayo. Pero okay lang naman, kasi pinagtatanggol niyo ang KathNiel, pero hindi  naiilugar e.

 

May magsabi lang na, "Hindi ko feel ang KathNiel ngayon." aawayin niyo na! Jusko sana kung sinabi niya, "WALA NAMAN YANG KATHNIEL, PURO LANDIAN LANG. MAS MAGALING BA JHABEA JAN!" kung ganoon sana  sinabi, kaso hindi e. ILUGAR NIYO PLEASE.

 

May magkumpara lang kay Julia B. at Kath, nanggagalaiti na kayo. Guys, hindi nawawala sa showbiz ang kumparahan. Aawayin niyo na agad si Julia B. or yung fans niya. grabe guys, hindi ba kayo nagasasawa, puro bash-ans nalang ginagawa.

E kung sila nagsimula, aba SUGURIN NGA NATIN! HAHAHA. Kidding. XD Pero guys, napapansin niyo ba? Kaunting kislot lang ng hindi fans ng KN, aawayin niyo na! Hindi naman kayo ganyan dati ah? Hindi ba pwedeng wag nalang silang pansinin.

Ay eto pa pala, natatandaan niyo pa si Ella Montano? Yung girlfriend DAW ni Dj. Guys naman, sa tingin niyo papatulan yun ni DJ? WAHAHAHAHAHA. Tinatawanan ko nalang kayo noon, seryoso.

Kasi naman, di niyo tinitigilan. Kung di niyo pinansin yon, e di nanahimik nalang siya at naging EPIC FAIL pa pagpapapansin niya. E kaso pinansin niyo nga, ayon tuwang-tuwa at sumikat sa twitter at lagi siya usapan.

Nakuha niyo ba point ko? Kung di niyo nalang kasi pinapansin, TAPOS ANG USAPAN.

Atsaka anjan kayo para SUPORTAHAN ang KathNiel. Kung ano ang dahilan niyo kaya naging KathNiel kayo, yun lagi panhawakan niyo, hindi yung mang-aaway kayo sa kaunting kislot chuchu.

 

E kung yung mga EPAL na HATERS na eka e malandi daw si Kathryn. Magsasawa din yang mga yan, sus. Mga dating fan sila na hindi faithful. Ako kasi KathNiel fan. May picture pa nga kami ni Kathryn e! Yieee! Proud pa ako pag pinapakita ko yon. Hahahaha.

Pero yun nga, yung mga haters, SIYEMPRE, ipagtatanggol nga natin yung idols natin. Pero alamin naman natin yung limits natin. Hano?

Nakipag-away na rin kasi ako dati nung may nagsabing malandi daw si Kath, dinamay pa si Tita Min! Kaya nakipag-away ako. Masakit para sa isang ina na siraan ang anak mo, at masakit para sa isang anak na siraan ang ina mo.

 

 

 

***

 

Hindi ko mailabas sa twitter e. Kulang yung characters! Hahaha

Observations, Opinions, Rants etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon