A Song For my BestFriend~
written by: SweetSmillee
~
Isang araw gumising ako ng masayang masaya, hindi ko alam kung bakit? pakiramdam ko may magandang mangyayari para sa araw na ito? Sana nga talaga meron.
Ako nga pala si Allen Santos, 18 years old. Mahilig ako mag guitara, kumanta? ( sakto lang naman hindi naman maganda ang boses ko para dun ) Mahilig kasi ako magbanda kaya marunong ako mag guitara. Masayahin akong tao, mas nagiging masaya pa ako sa tuwing nakikita kong ngumingti ang BESTFRIEND ko.
~
Isang umaga chineck ko ang facebook ko, kung may mga bago ba akong notifications, syempre kasama na ang pag check ko dun kung open ba siya, kasi matagal ko kasi syang hindi nakakachat eh, kaya laking tuwa ko sa tuwing makikita kong ONLINE siya, lalo na kung maabutan ko siyang online madalas or malimit ata kasi siyang OFFLINE, hindi ko alam kung bakit, ayaw siguro magpachat.
Kaya ang ginagawa ko nalang sa tuwing offline siya binibisita ko yung profile niya, ayun okay na sa akin kahit hindi ko man lang siya makachat makita ko lang profile niya or picture niya okay na ako doon.
FLASHBACK//
Hindi nanaman online si best, bakit kaya? Hindi rin naman siya nagtetext, matingnan na lang nga ang profile niya ( Sabay type ng name sa keyboard )
Ayan nagpalit pala siya ng profile picture niya. Every other day nalang ata siya nagpopost at hindi ko yata siya nakikita na online, tingin ko, may problema nanaman ito, pero kahit naman tanungin ko siya hindi naman siya agad agad na magsasabi eh parang nung una lang din namin maging magkakakilala, sinasabi niya okay lang siya pero hindi nman pala talaga.
END OF FLASHBACK//
Pagkatapos ko magcheck ng profile niya, nag logout na ako sa facebook, yung Skype ko naman ang tiningnan or chineck ko, kung may mga message ba na galing sa mga kaibigan ko pero nung pagcheck ko wala namang message or wala din namang tawag na galing sa mga contacts ko, kaya napaisip tuloy ako, kung may skype kaya siya?
Sana naman meron para kahit sa skype man lang makita ko siya. Pero nung patulog na ako biglang tumunog yung cellphone ko...
it's her hair and her eyes today..
that just simply take me away..
and the feeling that i'm falling further in love
makes me shiver but in a good way...
at tiningnan ko kung kanino galing kay best pala.
~Message Received~
~Bestfriend:
"Hello best, gising kapa?"
BINABASA MO ANG
A Song For my BestFriend~*One Shot*
Fiksi Remaja'A friend is one of the nicest things you can have, and one of the best things you can be." ~Douglas Pagels A Song For my BestFriend © 2014 by SweetSmillee | Ate Smillee All Rights Reserved. © 2014