Cliche

14 3 3
                                    






Wala na akong pake kung may tumitingin sakin.

Iba vine-video ako habang tumatawa.

Yung iba naman titigil muna saglit para titigan ako.

But I don't care gustong kong  ilabas lahat ng nasa damdamin ko.

Umiiyak ako ng malakas to let the world know that I'm heart broken.

'Siguro na Rape yang girl kawawa'

Di ko sila pinapansi- -   Teka wait! Hindi ako hinalay. Tumigil ako saglit sa paglalakad.

"Broken hearted po ako!" Sigaw ko sa kanila.

"Weh di nga pano ka naging broken hearted eh PANGET ka!" Aba grabe namaaann

Lumapit ako sa kanila ng dahan-dahan, slow-clapping.
"Grabeeee" sinabi ko habang pumapalakpak ng dahan-dahan.

Bago pa ako makalapit sa kanila ay biglang tumakbo ang mga ito. "Baliiiiwww!" Grabe na sila ha sabi ngang... "broken hearted nga ako!" Pahabol ko pa.

Bat' ayaw nilang maniwala di naman ako baliw eh.

Well sa suot kong to' doon ata nila ako jinudge. Bwisit kasi na mantsa kasi tong favorite dress ko loose siya ng konti sa bewang. Dirty-white yung color pero nahalo ko kasi yung red polo shirt ni Marco habang naglau-laundry kaya na mantsahan ng pula.

Sinuot ko pa kasi to. Nawala din yung tsinelas ko kanina sa kakalakad, na putol,bumigay. Pati ba naman tsinelas sinukuan ako.

So literal naka-paa ako ngayon. Ang epic noh? Ang plano ko lang naman ay maglakad-lakad para mawala yung sama ng loob ko sa Ex ko.

Speaking of Ex... ayan na naman tutulo na naman yung luha ko. Aaahhhh! Yoko na Lord!

Nagsisimula na namang sumisikip dibdib ko. Ang shaket kasi eh. Patuloy pa din paglalakad ko, medyo masakit na yung paa ko ilang beses na kong nakatapak ng bato.

Kalyo na this abot ko sa bahay. Nag-decide na kong umuwi dahil wala naman akong mapapala sa kamang-mangan ko.

"Bullshit!" Nakalimutan ko yung barya sa bahay peste naman oh!

Pabalik na sana ako kung saan ako dumaan nang may biglang humila sa braso ko "Ara-" di pa ako tapos mag-reklamo nang tinakloban niya ang bibig ko gamit ng kanyang palad.

Hinila niya ako sa parking lot. Gasgas na gasgas na yung paa ko sa kakahila niya sa kin.

Ipinasok niya ako sa isang cubicle ng CR.

Hindi ako naka-sigaw kaagad kasi natunaw na ako sa kagwapuhan ng lalaking humila sa kin.

Wow shining shimmering splendid lumapit ako sa mukha niya wah! grabe walang butas na pores kahit isa.

"May problema ba?" Tinanong niya sa akin. Wala ang kinis kasi ng mukha mo nakakainggit.

Umiling ako I wish I had that kinis face kasi sakin puro butas lumayo ako kaagad sa kanya baka kasi nakita niya pa yung pores ko.

May mga yabag akong narinig sa labas ng pintuan. Pinagbubuksan nila yung mga pintuan ng mga cubicle. Bigla silang huminto sa kung saan kami naroroon.

Kinabog-kabog nila yung pintuan "Yaweh lumabas ka jan!" Sabi ng babae sa labas. Malakas ang kanyang boses na kahit ako ay natakot.

Sinenyasan ako ni kuya na umupo sa toilet at ginawa ko din ang sinabi niya.

Perfect Strangers Where stories live. Discover now