Paul's POV
"Ganda niya talaga." yan na lang ang nasabi ko habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.
"Hanggang tingin ka lang ata eh. Tignan mo. Malapit na tayong mag graduate pero hindi ka pa nakakaamin." sabi ng katabi ko which is yung bestfriend kong si Emman.
"Sa graduation nga kasi ako aamin tsaka bakit ka nandito eh kasama mo yung girlfriend mo diba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti na lang siya at tumingin sa kanyang kanan at dahil sa dakila akong uto-uto ay napalingon din ako at nakita ko ang GF niyang si Mei na nakangiti sa akin at kumakaway. Kaya pala. Dinala niya ang GF niya dito sa may garden ng school na kinauupuan namin. Edi OP na naman ang ending ko dito. Hay. Palagi naman.
"Sige Paul, una na kami, gutom na si Mei eh. Bye." sabi ni Emman sabay hawak sa kamay ni Mei paalis sa kinalalagyan ko. Magaling! Magaling! If I know they want quality time pero ako na rin ang umiintindi dahil bestfriend nga diba? Hirap magkaroon ng bestfriend na may GF. Nakakainggit. Haizt. Sa sobrang kakaisip ko ay nakatulog ako.
ZzzzzzZzzzzZzzz...
*POKE*
"Hmmm.."
"Gising na." nagising ang katawang lupa ko sa nagsalitang yon. Siya ba talaga yan o nananaginip lang ako? Bumangon na ako at nagkuskos ng mata at pagkadilat ko ay isang mala anghel na mukha ang tumambad sa akin. Si Jess. Ang sumira sa pangako ko sa sarili ko na hindi na ako magkakagusto ulit dahil nga ay malapit na ang graduation na tatlong araw na lang ang layo sa kasalukuyan. Pero mukhang pinaglaruan ako ng tadhana, naisip ko lang siya ng saglit pagkatapos ay hindi na siya natanggal sa isipan ko and BOOM! Nagkagusto na ako sa kanya. Punyemas lang talaga diba?
"Tulo laway mo Paul." nabalik ako sa katinuan ko nung sinabi niya yon at dali-daling pinunasan ang laway kong tumutulo ika nga niya. Nakakahiya naman to. Baka maturn off siya sa akin. Pagkatapos kong punasan ang laway ko ay umupo siya sa tabi ko. Ako naman ay hindi mapakali at pinapawisan na dahil sa presensya niya.
"Paul." pagtawag niya sa akin kaya nilingon ko siya at nakatitig sa kanyang mga mata. Ang ganda niya talaga. Brown na mata, matangos na ilong, nakakamatay na ngiti with matching dimples at kissable lips. Malambot kaya labi niya? Arrrghhh. Ano bang pinagsasabi ko? Erase! Erase!
"Huy Paul." pagtawag niya ulit sa akin kaya natauhan na naman ako. Itigil na nga itong daydream na ito. Nakakasira ng utak. Lumingon ako sa kanya at binigyan ng Yes? look.
