Part 3 (Graduation Day)

131 3 0
                                        

 

 

Paul's POV

 

 

Ito na. Ito na ang last day. The so called Graduation. Ang araw na pinakahihintay ng mga magulang, guro at estudyante. Kung saan pinagdidiriwang ang mga nakamit ng mga magigitng at bukod tanging mag-aaral. Kung saan lahat ng pinaghirapan namin sa loob ng 800 araw ay matatapos na at mabibigyang sukli. Kung saan makakatungtong ka sa entablado at kukuhanin ang iyong diploma at ipagmamalaki mo sa kapwa mag-aaral. Kung saan masasabi mo na "YES! GRADUATE NA AKO!" Kung saan ipagmamalaki ka ng magulang mo sa buong sangkabahay dahil sa iyong nakamit. Kung saan pasasalamatan mo ang iyong guro dahil sa kani-kanilang tinuro sa ating lahat upang mas maging produktibong mamamayan ng bansa. Kung saan susulyapan mo sa huling pagkakataon ang iyong pangalawang tahanan. Kung saan magkakahiwa-hiwalay kayo ng mga kamag-aral dahil kayo na paniguradong magkokolehiyo. Kung saan ang mga nagtitimping emosyon ay lilitaw na lamang na parang kabute. Kung saan kakanta kayo ng Graduation Song ng sabay-sabay. Higit sa lahat, kung saan mo iginugol ang iyong pag-aaral sa loob ng 4 na taon.

 

 

 

Maraming karanasan, maraming nakilala at maraming natutunan. Yan ang highschool. Sabi nila da best ang highschool life. Mukhang tamang-tama nga sila. Dahil para sa akin "HIGHSCHOOL IS SIMPLY THE BEST!" Yung mga kwentuhan, kulitan, tawanan, tampuhan, away, gulo, hindi pagkakaintindihan at siyempre asaran, tuksuhan at ang walang kamatayang KILIGAN. Lahat ng yan ay mamimiss ko. Huhu. Anubayan ang drama ko eh wala pa namang graduation. Naliligo pa lang ako eh.

 

 

 

"Anak. Bilisan mo na 6:15 na!" sigaw ni mama kaya nagmadali na akong maligo. Haha. Napasarap ata yung pagtatampisaw sa tubig. Malamig kasi. -,- 

 

 

 

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Graduation nga diba? Alangan na tuxedo ang isuot ko. Joke! Pagbaba ko ay kumpleto na sila, ako na lang ang kulang. Ang gaganda ng damit nila. Si Papa nakalight blue na longsleeves with slacks. Si mama naman ay nakatangerine na blouse with black skirt. Feeling bata. Haha. Si Kuya Sean ay nakagrey na three fourths at black na jeans. Si Kuya George naman ay nakamaroon na long sleeves with black jeans also. Last but not the least si Ate Tiffany with her pink dress, nakahigheels pa! Gusto ko na maporma damit ko kaso gtaduation kasi. Hay -,- Umupo na lang ako sa upuan at nagsimulang kumain ng marami. Marami kasi bawal kumain dun.

 

 

 

"Uhmmm. Paul?" bungad ni Ate Tiffany.

 

 

 

"Po?" sabi ko. Huwag kayo! Magalang ako. xD

 

 

 

"May gift ako sa iyo." sabay lahad ng medyo malaki na box. "Happy Graduation!" she said with a smile. Kinuha ko naman at binuksan and guess what... Mga KPOP albums *O* 

Who Am I ng B1A4

First Sensibility ng B.A.P.

Play ng AKMU (Akdong Musician)

Crush ng 2NE1

Voodoo ng VIXX

Beep Beep ng BTOB

My Graduation ConfessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon