CHAPTER 1

52 0 0
                                    

Reminiscene

12 years ago...

"Anak! Dahan-dahan lang. Baka madapa ka at mauntog yang ulo mo!" Sigaw ni mama galing sa sala.
Naglalaro ako ng maliit na eroplanong laruan sa sala. Regalo pa saakin yun ng lolo ko nong 6th birthday ko bago siya mamatay 2 years ago. Alam kasi ng lolo ko na gusto kong maging piloto pag laki ko.

Natatakot si mama dahil baka daw madulas ako at mauntog ang ulo ko. Bago palang kasi ang pagkakalagay ng tiles sa bahay namin.
Di naman siguro ako madudulas kasi maingat naman ako sa kada takbo ko.
Kaya lang mali ako. Diko napansin na may isang maliit pa palang laruan ako na nakakalat sa sahig at naapakan ko dahilan ng pagkadulas ko malapit sa may hagdan. Nakatama yung ulo ko sa isang baitang ng hagdan. Sa subrang takot ni mama nagsisisigaw siya at humihingi ng tulong sa mga tao sa bahay.
Bago paman makalapit ang mga tutulong saakin naipikit ko na ng mga mata ko.

Ilang linggo din bago ako nagkamalay.
Una kong namulatan ay ang mukha ng mama ko na nakayuko sa kama'ng hinihigaan ko.

"Ma." Napapaos kong tawag sa mama ko.

Napamulat ng mata si mama at tarantang hinawakan ang kamay ko.

"Anak! Jusko! Salamat at nagising kana. Anak, may masakit ba? Ano? M-may gusto ka bang kainin? Anak. Jusko lord! Salamat!" Nagpapasalamat na sabi ni mama.

"Ok lang po ako ma. Nauuhaw lang po ako" sabi ko.

Dali-dali namang kumuha ng tubig si mama.

Ngayon ko lang napansin na walang ibang tao sa silid kundi kami lang.

Asan sila?

Parang sinagot na din ni mama ang tanong ng isip ko.

"Pinagpahinga ko na si lola ressy. Ilang araw din na siya ang nagbabantay sayo habang tulog ka. Pati din yung mga katulong natin . kasi marami pang gagawin sa bahay. Mamaya babalik sila dala yung paborito mong pagkain." nakangiting sabi ni mama.

Halata kong malungkot si mama dahil sa nangyari.

"Sorry po ma." Naiiyak kong sabi.

"Ok lang anak. Basta wag ng mauulit yun ah. Masasaktan si mama pag nakita ka ulit na nakahiga diyan." Tumango ako bago ko ininom ang inabot na tubig saakin ni mama.

Maya-maya lang ay dumating ang doctor at kinausap si mama.
Diko naman alam kung anong pinag-usapan nila dahil lumabas silang dalawa.

Basta ang alam ko, mukhang kakagaling lang sa pag-iyak si mama dahil sa mga mata niya.

"Ma. Bakit po?"

Present

"Louis!" Sigaw ng kaibigan kong si jolly.

"Makasigaw ka naman diyan joll. Di naman po ako bingi ah!" Singhal ko sakanya.

Kasi kung makasigaw akala mo may sunog eh magkalapit lang naman yung inuupuan namin. Tssk!

"Ay sorry. Hehe. E kasi Louis baka pwedi mo naman akong samahan bukas oh" nakanguso niyang sabi.

"Saan na naman ba yan? pag nagpapasama ka saakin lagi mong sinasabi na may bibilhin ka. Yun pala may ememeet ka lang na lalaki.!" Sabi ko sakanya na medyo may pasigaw.

"Louis! E kasi naman alam mo naman gusto ko ng maraming  makilalang mga magandang nilalang sa mundong ito haha" natatawa niyang sabi.

"Di ka pa kuntento saamin ng kapatid mo? Ng kapatid ko? " natatawa ko ding sabi.

"E alam ko namam na maganda kayong nilalang. Tayo! Pero syempre aside from us, gusto ko pang makakita ng iba. Tulad ni coco martin gusto ko din siya makita person. Ang gwapo niya louis!!!" Parang baliw sa kakasigaw naman 'tong kaibigan ko.

Everything Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon