"Empero!"
Napabaling ako kay Reiane nang istorbohin niya ako sa ginagawa ko.
"Ano?" singhal ko.
"Talbog na yung grupo nila Harman. Kaso si Harman nakatakas. Wala namang na injure sa grupo natin." aniya at hingal na hingal.
"Sige babe, alis ka muna.." sabi ko sa dalagang kandong kandong ko.
"Aww, but I want to be with---"
"I said go."
"Y-yes.." aniya at nagmamadaling lumayas.
Now it's only me and Reiane in the Small black room. One of our hideouts.
Kaming dalawa nalang kaya tinanggal ko na ang itim na maskara na tumatakip sa kalahati ng aking mukha, tanging labi ko ang ipinapakita.
"Alam mo Aviona--" aniya na pinigilan ko.
"Empero." pagtatama ko na ikinaikot ng kanyang mata.
"Alam mo 'Empero', bakit hindi mo itigil ang pambababae? Bukod sa babae ka at ilegal iyon, baka mapabayaan mo ang Reino Mortal ng dahil sa pambababae mo?" aniya.
Ngumisi ako.
"Kilala mo ko Reiane. Kaya kong hatiin ang katawan ko. Kahit pa may babae ako sa aking kandungan eh magagawa kong asintahin ang kalaban." ako.
"Hay nako--" ngunit naputol ang usapan namin nang malakas na kumalabog ang pintuan.
Mabilis pa sa kidlat kong naisuot ang aking maskara buhat ng sampung taon na kasanayan sa mga bagay-bagay.
Isang lalaki ang tumambad sa pintuan, malaki, maskulado, matangkad at...
Pangit.
"Rex...." anito sa akin nang may pinaghalong mangha at poot sa mukha.
"Masyado bang matigas ang mukha mo Harman, at nagpakita ka pa sa'akin?" tanong ko.
"Hayop ka. Binugbog mo ang mga alaga ko." tiim bagang na aniya.
Dahan dahan akong lumapit dahilan ng pag atras niya.
Nang nakalapit ay ginamit ko ang dalawa kong daliri para pindutin ang maliit na bahagi ng kanyang leeg, napuno ang kwarto ng kanyang mga sigaw dulot ng kaunting sakit na binigay ng aking mga daliri.
"Wag ka kasing maglalabas ng mahihina mong tuta. Dahil sigurado ako. Wala pa yan sa pangil ng mga alaga ko." sabi ko at tinanguan si Reiane bago tumalikod.
Rinig ko ang nagmamakaawang mga sigaw ni Harman at ilang tunog ng malalakas na palo bago ako tuluyang nakalabas ng kwarto.
"Empero.." bati sa akin ni Digo.
"Nasa loob si Reiane, inaasikaso si Harman. Uuwi muna ko sa bahay. Siguraduhin niyong walang papasok sa mga teritoryo natin. Salamat.." sabi ko at tinapik siya sa balikat bago sumakay sa aking motor at pinaharurot ito.
'This is me. Even hell isn't enough to make me growl in pain. Even the deadliest monster isn't strong enough to defeat me.'
-WhiteRose212121-
YOU ARE READING
It All Began In A Bottle
Teen FictionAviona Cahira Z. Imperial was never the mightier and the more powerful. Cause she's always the Prime, the most. Leaders of notorious Gangs didn't even had the chance to defeat her, nor know her identity. She ruled Reino Mortal, the deadliest and mo...