Bottle 2: Candy

10 2 1
                                    

"Wooaah Rolling inde deeeeepts, you have my hurt inslide!---" kanta ni Andoy.

"Shut the hell up! Ano ba?!" irap na ani Rhinoa.

"Kaloka masama kumanta?" si Andoy.

"As if naman kasi na tama lyrics mo diba?" nanliliit ang mga matang ani Aleila at nagpatuloy sa pag-reretouch.

Nasa hide out 1 kami ngayon, chilling. We don't sense any fight coming today so we remained casual. As well as our appearances.

"Basketball tayo?" ani Dj habang katabi si Klaur sa sofa na nag-ce-cellphone.

"Ughh! That's just so bawriingg.." inis na ani Andoy at nag-papapadyak.

"Tsh, ang sabihin mo gusto mong mag-chinese garter kasama yung mga batang hamog don." ngising ani Digo habang nakahilata sa couch at nilalaro ang kanyang baraha.

Ngumuso naman si Andoy at lumapit sa akin para kumapit sa aking braso.

"Aviona pwease, mag-foodtrip nalang tayo.." aniya at nag puppy eyes.

Ngumiti naman ako at tumayo habang nagpapa-palakpak si Andoy sa tabi ko.

"Tara..." sabi ko kasabay ng pagbusangot ng mukha nina Mak mak at lahat ng lalaki, liban kay Andoy malamang.

Ngumisi ako at may idinugtong, "basketball tayo sa court.."

Nakangiting nagtayuam ang mga lalaki kasabay ng pagtayo ng mga babae.

"Uh, Aviona, mall muna kami... You know, girl thing.." ani Milan.

"Omg! Sama ako!" ani Andoy at lumapit kina Reiane na nag aayusan na at naglalagay ng kolerete sa mukha nila.

"Geh, ingat." ako.

Tumango na ako at nagsimula na kaming mag-labasan sa hideout para pumunta sa court, mga babae na siguro mag-lolock ng pinto.

Our hideout is not a typical hideout you might be thinking of. Outside, it looks like an abandoned factory with a rusty metal door with a couple chains.

But that single metal door can't be easily opened. It requires one of our fingerprints, and after that you even have to put on the password in order to open the door, in order to enter the new flabbergasting place you'll see.

Behind that rusty old looking door is a modern and technical looking  house with every furniture, rooms, food and other stuff we need everytime the gang wants and needs to stay together.

Napadaan kami sa isang sari sari store at narinig sa isang maliit na telebisyon ang isang balitang nagpalingon sa amin dito.

"Reino Mortal nasugpo ang taksil na senador, kasalukuyang tahimik ang grupo sa kadahilanang wala masyadong krimen ang nagaganap. Nagpapasalamat naman ang gobyerno kay Rex at sa kanyang mga kasama sa ginhawang dulot ng kanilang kabayanihan. Yan lang, balik sayo Mark." anang reporter at dinig ko ang pagsinghapan ng mga tao sa paligid. Bahagyang nangunot ang noo ko nang nagpakita ng larawan ko at ng aking grupo habang nakikipaglaban sa telebisyon.

"Buti talaga gwapo ko at hindi halata sa personal dahil mas gwapo na, hays..." ani Klaur.

We're not in our disguise right now, probably why people don't recognize us. We don't actually walk around and even fight with typical bad street guys in our disguise. 

Ginagamit lang namin ang aming mga armas at katangian sa panahon na seryoso talaga ang laban. Pero kung puro suntukan at sipaan lang naman sa kanto, simple lang kami. Simple as a shoelace.

It All Began In A BottleWhere stories live. Discover now