-Aviona's Dream-
"Haha that's the only thing I taught you but still, you suck?" pang iinis sa akin ni... ni....
"Eh nakit ba?! Loko ka pala eh 10 years old palang ako, partida na nga kasi ikaw 12 eh!!" inis na sigaw ko.
"Wait, come on. I don't understand Filipino language. Just go ahead, try again..." he said.
"English mo muka mo." sabi ko at tumayo sa simula ng obstacle na ginawa ni.... ni...
"Go!! I'll help you.. " aniya at nakangiting nag thumbs up pa.
Puro martial arts palang kasi ang itinuro ni Papa sa akin. Kakatapos ko pa lang matutunan lahat ng paraan ng pagbaril, mga tekniks sa taekwando at martial arts, keen senses, pag kansela ng mga bomba, fencing, at halos lahat ay natutunan ko na. At sa nakalipas na apat na taon ay madali ko itong natutunan at nahasa, ngunit kasabay niyon ay ang mga paghihirap, pasa, sugat, baling buto, lagnat at marami pa ang natamo ko ngunit naging sulit naman ang mga ito dahil sa resulta.
Isa ring Wrestler dati ang tatay ko at Black Belter kaya wala akong problema sa lakas at enerhiya. At oo, anim na taong gulang palang ako ay sinimulan na ko ng papa ko kahit medyo saliwa sa nais ni mama. Kinaya ko naman at kalaunan ay wlang kahirap-hirap ko nang nagagawa. Ang kaisa isa isa ko nalang na pinag aaralan pa ay ang mga pag gawa ng paraan sa mahihirap at nakakalitong daan o sitwasyon.
Tinitigan ko ang aking mga dadaanan at itinatak ito sa isipan.
Isang kahoy na mahaba at isang metrong espasyo na maaari kang mahulog kung hindi ka tatalon (dalawang metrong taas ang maaari mong hulugan), pagkatalon sa espasyo ay labinlimang metrong kahoy ulit na may kawayan sa taas na may nakataling lubid kaylangan kong kapitan upang matawid ang pitong metrong espasyo, pagkababa galing sa lubid ay isang malaking bato na dapat kong talunin. Matapos non ay espasyo ulit na may 3 metrong haba. Sunod ay kahoy ulit na pakaliwa na may sampung metrong haba at panghuli ay ang limang metrong espasyo na dapat kong talunin. Yan ang mga ginawa ng kung sinong batang lalaki man ang kasama ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at bahagyang bumwelo..
Isa...
Dalawa...
Tatlo!
Nagsimula akong tumakbo.
Malapit na ako sa isang metrong espasyo..
Handa...
"Measure it in your mind and stance to jump high!" shouted the boy who's meters behind me.
Talon!
Yes!! Sinunod ko ang kawayan na may lubid.
Malapit na din ako sa kawayan...
Handa...
"Now jump and grip tight into the rope, then swing, then when you're near your destination, reach for the surface by stretching your legs, then let go of the rope as you land on the ground and roll! Perfect!" he shouted and I heard him applaused.
Nagawa ko ulit, tumalon ako at mahigpit na hinuli ang lubid. Kumapit ako dito habang humhataw ito patungo sa kabilang side ng kahoy at nang malapit na ay itinuwid ko ang mga binti ko para maka apak bago itinaas ang mga kamay at yumuko upang maitukod ang mga kamay sa kahoy at tumambling!
Ayos! Ayos!
Malapit na ako sa malaking bato..
Handa...
YOU ARE READING
It All Began In A Bottle
Teen FictionAviona Cahira Z. Imperial was never the mightier and the more powerful. Cause she's always the Prime, the most. Leaders of notorious Gangs didn't even had the chance to defeat her, nor know her identity. She ruled Reino Mortal, the deadliest and mo...