Reminder: this is on the spot. Still feel free to comment and last. Feel ko lang kasi magsulat.
12:15
(01-20-18)
12:15, ako pari'y gasing, naghihintay sayong pagdating.
Mata'y binubuka kong pilit upang masalubong ang pagbabalik mo sa aking piling.
Ilang beses na ba akong humikab?
Hindi ko na din mabilang."Malapit na yun." "Na delayed lang siguro" pangungumbinsi ko asking sarili.
Nangangalay na ang binti at sa pag-upo pwet ko'y humapdi.
Sa pag-unat ko sa aking binti.
Tasa ng kape'y nasagi.
Dalawang tasa ng kape ang ininom upang malabanan itong atok.
Ngunit sadya yatang malakas itong antok at kama'y nais ko ng tumakbo.
Biglang narinig ko ang pagpihit ng pinto.
Sa wakas ika'y naririto.
Lakad takbo ang ginawa ko.
Ngunit sa paglapit ko sayo, napakunot ang akong noo.
Suot mo'y tila nag-iba?
At tila bakit amoy alak ka yata?
Hindi ko ito pinansin, at tinanong lamang kita.
"Gutom ka ba? Gusto mo ipaghanda kita?"
Umiling ka at sumagot "tapos na akong kumain sa amin."
Tila nagkaroon ng kulog at kidlat sa aking damdamin.
"—Sa amin" paulit-ulit na nariring ang boses mo sa aking isipan.
Pano ko nga ba malilimutan?
Hindi ka pala talaga naging akin.
Tinungo ko ang kusina.
Pinagmasdan ko ang hapag.
Adobo, kare-kare, spaghetti, minudo
Hindi din umabsent ang pansit asado na iyong paborito.
Para makapag handa ng salo-salo
Dahil isapesyal na araw ito sayo.
Lahat ng ito'y pinaghirapan ko.
Ngunit tila hindi mapapansin ang mga ito.
Bakit pa nga umaasa ako?
May pamilya ka nga pala noh.
Syempre doon ka kakain sa inyo.
Ang bobo ko din kasi!
Pilit kong sinisiksik sa buhay mo ang aking sarili
Kahit na alam kong do na pwede.
Wala sa sarili kong niligpit ang hapag habang iniingatang hindi masagi ang parteng napaso.
Napaso para magkaroon ako ng surpresa para sayo.
Akala ko sa kamay lang ang may Paso ngunit pati pala sa puso.
Napaso sa sakit at hapdi.
Napaso sa katotohang di kaylan man magbabago.
Na ako lama'y babaeng magpapainit sa iyong gabi.
Babaeng kahit kaylan hindi ka magiging pagmamay-ari.
Babaeng nakikihati.
Babaeng naalala mo lamang kapag ika'y nagdadalamhati.
Babaeng nilalapitan mo lamang pag ika'y nangangati.
Don't forget to vote and comment. If may maiitutulong din kayo para mag improve pa ako please do share it to me.
Enjoy reading!
YOU ARE READING
Pen and paper
RandomRandom opinions and thoughts. ♕ On the spot or not spoken poetry writing. ♕ Ideas and thoughts about issues. ♕ Advices. ♕ My own perception of some topics. ✔ libre lait ✔ libre saway ✔ feel free to share your ideas too