Is Grades Really Important (opinion)

2 0 0
                                    

Una sa lahat, congratulations sa lahat ng mga nag-graduate at sa mga magpro-proceed sa next year!!

Okay, is grade really important? Para sa akin hindi. Grades are numbers on the report cards. These are the factors kung bakit yan ang numbers na nakukuha natin.

1. Masipag

You get that number either dahil sa pagsisikap ng students. Gumagawa ng assignments and projects. Nag-aaral ng mabuti. Hindi umaabsent. Good thing yun. Pero hindi lahat ganun kasi nga baka may kanya-kanya ring reasons

What if kaya Hindi magawa ng assignment, dahil may lima pa silang nakababatang kapatid na babantayan. Magsasaing pa, manlalaba, at kung anu-ano pa. Marami akong kilala ganito.

Or kaya absent dahil naghahanap ng raket. Or walang baon, na pamasahe dahil ilang kilometro pa ang layo ng paaralan. Maybe then, baka walang makain. May naging kaklase akong ganito nagpapadala ng excuse letter dahil wala silang makain.

2. Matalino

Kung Kasali ka sa grupong ito, maswerte ka! Pero hindi lahat kasing swerte mo.

Hindi naman kasi lahat sa academics nag-eexcel eh. May mga kakilala akong magaling sumayaw, kumanta, at umakting pero wala kasing grado yun eh. Meron ding iba dyan iba ang deskarte pagdating sa sports pero hindi naman lumalabas sa report cards yun, eh kung tutuusin talino din naman ang ginagamit, sa ibang paraan nga lang.

Naniniwala kasi ako na may iba't-ibang uri ng intelligence not just in accads.

3. Teacher Factors.

Yes you read it right. Minsan dahil din sa teacher.

Mabait lang talaga ang ang teacher kaya malaki ang grades mo. Maraming ganun na teachers especially kapag baguhan pa lamang.

Minsan may mga teachers din na ang tipid mamigay ng grado. Akala mo pera ang grades na nagtitipid para sa future.

Aminin man natin o hindi, may mga teachers din na may favoritism, nangyayari yan! Napapansin ko yan kasi student din ako. At kapag nasa side ka ng hindi ganun ka feel ng teacher, well, you had to accept dahil wala ka nang magagawa sabi nga ng kaibigan ko, "students lang kasi tayo, teacher sya". And yes, I experienced it kaya alam ko.

May mga teachers din na naging dahilan kung bakit wala ka ng gana na mag-aral dahil sa sobrang boring na magklase. Yung uupo lang sa harap, kukuha ng kilay at magbabasa na parang nagsto-story reading.

O kaya naman teacher na magpapakupya lang nang magpakopya. Naubos na ang notebook mo pati ba naman ang ballpen mo. And worst part, hindi na yan kasali sa topic nyo.

Minsan din kaya maliit ang grades ng students dahil hindi marunong magturo si teacher, pano pa lalaki grades mo nyan?

: I repeat opinion ko po toh. And I'm a future teacher kaya wala po akong sinisiraan dito. Sa mga teacher,  I salute you.:

4. Family Background

Yes, sa family nagsisimula ang lahat. Kung sa family mo palang sira ka na, pano mo pa haharapin ang mundo diba?

Nung grade six ako, may naging kaklase ako na naging baliw ang nanay. Pansamantala syang natigil dahil dun, buti nalang bumalik sya kasi pinilit nami. Iisang lugar Lang din kasi kami.

Nung third year high ako, may naging kaklase ulit ako na naging baliw ang mama nya. Tapos yung mama nya pinupuntahan sila sa school kaya nahihiya sya. Hindi sya tumigil pero yung mga kapatid nya oo.

Pag-fourth year ko naman ay may naging kaklase ako na nakulong ang kanyang papa dahil nakabaril ang ending is naging matamlay sya at wala na syang gana sa klase.

May mga family din na pinapatigil na pag-aralin ang anak para ipadala sa kung sino para makapag-trabaho. Pano mahirap eh. And this is very common nowadays.

4. Money

Pagmay pera kayo napakalaki ng advantage nyo. Isipin nyo hindi kayo mahihirapan mag-aral kasi maliwanag ang bahay nyo, hindi kandila ang ginagamit nyo. Hindi kayo mahihirapan magsearch kasi may mga cellphone kayo, hindi yung bumabayad kapa sa internet cafe ng oras. Pag may pera ka kaya mo mabili agad, hindi yung kakayod ka pa.

And one thing, pag may pera ka at kilala ang family mo sa lugar, lalo na kung politiko, for sure malaki ang grades mo. O di naman kaya teacher din ng school na pinapasukan mo ang mahinang mo, yan, expected na malaki grades mo.

Yan ang ilan sa mga reasons kung bakit para sa akin hindi mahalaga ang grades.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pen and paperWhere stories live. Discover now