Credits to the Owner Of the Picture
Noong unang panahon, sa isang kagubatan malapit sa isang nayon, mayroong malaking grupo ng mga lobong hybrid. Dumating ang kabilugan ng buwan at isinilang ang pinaniniwalaang magiging pinakamalakas na kauri nila, pinangalanan siyang "Alpha". Tulad ng inaasahan nila, naging pinakamalakas at pinakamatapang si Alpha sa lahat. Wala ni isa sa kaniyang mga kauri ang makapagpatumba sa kaniya.
Ngunit, may isa siyang bagay na nais makamtan, ito ay ang babaeng walang takot na naglalakad sa kagubatan ng mag-isa patungo sa bahay ng kaniyang lola. Kailan may hindi niya nahingi ang kaniyang pangalan dahil sa hiyang nararamdaman sa tuwing lalapit siya. Hindi rin siya nabigyan ng pagkakataong Makita ang kaniyang tunay na anyo, sapagkat ito'y natatakpan ng pulang kaputsa. Ngunit sa kabila ng lahat ang ngiti ng munting babae ay siyang nagpapatibok sa puso ng natatanging lobo. Ang ngiting pinakamatamis na nakita niya.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, tuluyan nang nagtagpo ang kanilang mga landas. Habang tahimik na sinusundan ng lobo ang munting babae sa isang malayuang distansya, ang nasabing babae ay biglang natapilok! Walang alinlangan niya sana itong tutulungan ngunit nangamba siya dahil baka matakot ang dalaga. Kaya't nagmadali siyang nagisip ng paraan upang patahanin ang dalaga. Naalala ni Alpha ang minsang binitawang mga salita ng kaniyang ina.
"Karamihan ng babae ay mahilig sa bulaklak, dahil sa tuwing nakakatanggap sila nito, pakiramdam nila sila ay espesyal." Dali-daling pumitas ng bulaklak si Alpha at dahan-dahang lumapit sa dalaga. Iniabot niya ang kaniyang kamay upang ibigay ang mistulang bulaklak. Nang tumingala ang babae, doon niya nakita ang mukha ng lobo na punong puno ng pagaalala, na kalaunan ay nagbago. Sa kabilang dako naman, ang lobo ay nabighani sa ganda niya. Tinanggap ng dalaga ang bulaklak, at saka sinabing, "Maraming salamat ginoo napaka buti mo." Saka niya pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kamay niya. Iniabot niya ang kaniyang maliliit na kamay sa malapad at mainit na mga kamay ng lobo. Nang hawakan ng dalaga ang kaniyang kamay nagising sa katauhan si Alpha at napaatras ito.
"Ako nga pala si Little Red, ngunit maaari mo rin akong tawaging Red. Natutuwa akong makilala ka ginoong lobo." Masayang bati ni Red sa kaniya. "Hi-hindi ginoong lo-lobo, ang pangalan ko ay Alpha" nauutal na banggit ng lobo. "Ikinagagalak kitang makilala muli, Alpha!" nakangiting sabi ni Red. Napangiti rin ang lobo, "Ikinagagalak rin kitang makilala, Red, ngunit saan ka paroon?" mahinang tanong ng lobo. "Paroon ako sa tahanan ng aking lola, dahil siya ay may malubhang sakit." Nakangusong sabi ng dalaga. "Sige, basta't magingat ka lagi." Wika ni Alpha. Tinitigan siya ni Red. "Gusto mo ba akong samahan?" pagtatanong niya. "Hi-hindi na, salamat na lang." pagtanggi ni Alpha. Muli naming ngumuso si Red, ngnit sa kalaunan ay ngumiting muli. Kumuha siya ng tinapay sa kaniyang lalagyan at ibinigay sa lobo. "Heto po tanggapin ninyo, bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa iyo." Ani ni Red, at pilit na ibinigay kay Alpha ang tinapay. Nagbigay galang muli si Red kay Alpha at tumayo upang ipagpatuloy ang paglalakbay niya patungo sa tahanan ng kaniyang lola, pero bago siya tuluyang makaalis ay lumingon siyang muli at kumaway sa bago niyang kaibigan. Abot hanggang tainga ang ngiti ni Alpha, kasabay ng paggalaw ng kaniyang buntot simbolo na siy ay masaya.
Sa madaling salita sila ay nagging matalik na magkaibigan. Sa tuwing Sabado, muli silang nagkikita sa kanilang tagpuan. Sa lugar kung saan kinuha ni Alpha ang bulaklak na ibinigay niya noon. Bago pa dumating si Red ay naroon na si Alpha mayhawak na sariwang bulaklak. Habang patagal ng patagal, mas nagiging malapit sila sa isa't isa. At masasabing mas lalong nahuhulog ang loob ni Alpha sa dalaga. Nais man niyang umamin, siya'y natatakot baka masaktan lamang siya. Kaya't mas pinili na lamang niya ang ganito, minsan nakaupo lang pinapanuod ang mga magaganda at makikislap na paru-paro. Minsan naman ay natatalo kung may happy ending nga ba. Minsan naman ay nagtatagbuhan sila at naglalaro ng taya-tayaan.
BINABASA MO ANG
Happy Ending Filipino Version
FantasiLittle Red Riding Hood: Hybrid Alternate Univers. It is written in my language so yeah. I'll just write the English Ver later. For the Filipino Readers: Hello mga kababayan ko! Hahaha sensya na kung pangit gawa ko reader ako hindi writer, sumubok...