Flashback
June 20xx
"Vika. Antayin mo yun doctor mo rito lalabas lang ako saglit para tawagan ang management. at please! huwag kang lalabas dito kung ayaw mong ma - newspaper ng wala sa oras at ayoko lalong ayusin ang gulo mo" litanya ni Eric o E. Pinsan / manager ko siya.
Tatanungin niyo ako kung bakit ako nasa hospital. Hindi ko rin alam pero ang sabi ni E sa akin ay nahimatay daw ako at buti raw ay nasa kotse na ako nun nanyari yon kundi hindi daw edi baka raw hindi niya alam paano ako aalisin sa mga paparazzi. Matagal ng hindi maganda ang pakiramdam ko pero hindi ko sinasabi kay E kaya ito ako ngayon nasa hospital at dahil na rin siguro sa problema ko sa puso ko kaya ako nandito ngayon. Karma ko yata to.
***
Edi antayin ang doc rito. Ayun ang sabi ni E e. Ayoko naman makarinig ng sermon niya at ayoko lalong isumbong niya ako kay Mama o kaya kay papa.
Sa pag aantay ko kay E at sa doctor na sinasabi niya ay nakatulog ako
"Vika! gumising ka nga diyan. " may maingay na nag sasalita sa akin tabi at inistorbo ang akin pag tulog at alam ko kung sino ang may lakas ng loob para gawin iyon.
"E! 5 mins pa! "Angal ko.
"5 Mins o bubuhusan kita ng tubig para gumising kana? ano pili Vika" Gosh! ang taray talaga nito! Kung hindi ko lang ito pinsan at mahal nako baka ano na nasabi ko sa kanya kanina pa. Edi gumising ako. Ayoko naman mabuhusan ng tubig no.
"Good at gising kana. " inirapan ko lang siya at pumunta siya sa may pinto na parang may tinatawag sa labas " Doc. Gising na siya sorry po. Kayo na po ang bahala" At pumasok naman ang letse! hindi ako mahilig pumuri ng ibang tao pero iba siya, ang ganda niya nakakaliit naman ang kagandahan niya. Aaminin ko ang ganda niya napatulala ako sa kanya ng hindi ko sinasadya
"How are you? Do feel Dizzy or what? How about your heart? Nothing hurts? " Shocks! ang boses niya ang sarap pakinggan. Ano ba naman to nag mumukha na akong manyakis sa harap niya a. Aba hindi ko naman mapigilan dahil nga naman ang hot sa kanya ng White gown. Ngayon ko lang naapreciate ang uniform ng mga doctor. Patuloy lang siya sa pag check sa akin ng kung ano ano. Pero isa lang ang napansin ko. Hindi niya ako kilala?
"You don't know me? " Napalabas sa bibig ko ang dapat sinsasabi ko lang sa isip ko. Wala ng bawian tatanggapin ko nalang kung ano ang sagot niya
"Oh. Sorry about that Ms. Vika. I forgot to introduce myself. I'm Doc. Lara. " Nakangiti niyang sagot sa akin. Ah! ang ganda niya talaga sa kahit anong bagay "By the way Ms. Vika. You need to rest here at the hospital for 1 week so mapapasched kita para sa operation mo" wait? tama ba ang pagkakarinig ko? ooperahan ako? at bakit ganun walang nalabas na salita sa akin? ano to napipi na ako?
Hindi ako makapag salita sa kanya. Pero nakakaloka rin in the same time dahil may tao palang hindi ako kilala.
"So. See you tomorrow Ms. Vika" at papalabas na siya ng may makasalubong siyang nurse kaya naman yung nurse ay napa yuko sa kanya.
Pagkasarang pagkasara nun pinto nagsalita ako
"Nurse. Bago ba si Doc. Lara dito? " tanong ko kay nurse na kina bigla niya dahil mukhang hindi niya inaasahan na kakausapin ko siya, Ganoon naba talaga ang tingin ng ibang tao kapag artista ka suplada/suplado ka?. tsk
"O-opo Ms. Vika! Gosh! Kinausap niyo ko! " na pinipigilan niya ang pag irit niya . Ang cute niya tignan
"Hahaha. Si ate talaga. Normal lang naman ako. Btw. Magaling ba talaga siya? " ano ba to? Huwag mong ipahalata na curious ka sa kanya Vika.
BINABASA MO ANG
FAMOUS INLOVE
Romance"Akala ko ok na ako" "Akala ko kaya ko na Makita ka" Pero akala ko lang pala talaga. Hindi ka pa rin mawala sa isipan ko Ikaw parin ang hinahanap ng puso ko Vika Reed. Isang sikat na Artista sa Pilipinas. Walang experience sa love. ang love na a...