"Kumain ka na ba? "Tanong ko sa kanya
"Hindi pa. Ikaw ba? " sagot niya habang inistart niya ang sasakyan niya
"Hindi pa rin. Tara kain tayo sa labas! "Yaya ko sa kanya ng may halong saya sa akin tono
"Ok lang ? 'Di kaya tayo dudumugin kapag nakita ka nila? Alam mo naman"
"Ako ang bahala diyan"
-----
"Kuya Kaizer! Asan si Ate? "
"May emergency raw sa clinic niya ayun nauna nang umalis hindi na kayo naintay kaya naman kami lang ni Kai ang nandito. Ok lang naman diba? tska isa pa miss na miss na raw niya ang kanyang ninang"
Siya si Kuya Kaizer asawa ni Ate Elllaine na kakambal naman ni Eric. Vet si Ate Ellaine at Nurse naman si Kuya Kaizer at syempre anak nila si Kaile
"buti pa yon ninang niya namiss niya. Ako yata hindi niya namiss. " Patampo effect ni E pero di siya pinansin nun bata na nakayakap pa rin sa akin
"Baby! You're so big na at ang gwapo mo lalo a. "
"Hihihihi. ninang naman ih! kayo rin po you're so Beautiful po"
"You're so beautiful Vika"
Bakit ngayon ko pa siya naalala. Kinalimutan ko na to e.
Vika! totoo bang kinalimutan mo na ang lahat ng nanyari sa inyo?
"mabola ka talaga Kai. How's School baby? "
Nakaupo kami sa Food court ng Sm na alam ko na pinagtitinginan na kami ng hindi ko alam ang dahilan baka naman may nakakilala na sa akin. Noon naman wala nakakakilala sa akin kaya malaya ako noon na gumala sa amin city na parang normal na mamayan lang ako.
"I got 3 stars ninang everyday! and top 1 po ako sa class ko po"
"Wow! ang galing naman ni Kai! " at niyakap ko siya
"hihih. tita your promise that maglalaro po tayo sa world of fun! " nakangiti niyang sagot sa akin.
Ang cute cute niya talaga.
"Of course i remember! Game ? "
"Wait. Di pa yan nakain. Kaen muna tayo if ok lang? " singit sa amin ni Kuya Kaizer
"Sure. Kami na ni E ang oorder. "
At ito hinala ko ng malupitan si E dahil alam niya na kanina pa ako tinitignan ni Lara.
"Ano? Vi? Kaya pa ba ang pagpapanggap ha? "
Hindi ako sumagot
"Vi. Seriously?! At ngayon alam ko na ang dahilan sa nanyari 4 months ago. Aasta ka ng ganyan sa akin"
Hindi sa ayaw ko E. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin sayo.
"Sorry"
"Sorry? For what Vi? Sa pagkaka alam ko. Iba ang epekto sayo nun nanyari sa inyo! Tapos ano? Hinayaan mo siya na lumapit sayo pati sa pamilya mo. " pumunta siya sa harapan ko dahil nakapila kami kaya naman nasa likod ko siya "mahal mo paba siya? "
mahal? Kung alam mo lang E kung ano nararamdam ko. Kung alam mo lang gaano ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Makita ang mahal mo pero pagmamay ari na siya ng iba. Iniisip ko kung totoo ba mga bagay na pinakita niya sa akin noon.
"Good Morning Ma'am. What's your order? "
Save by the bell.
Pero hindi ako makaimik.
BINABASA MO ANG
FAMOUS INLOVE
Romance"Akala ko ok na ako" "Akala ko kaya ko na Makita ka" Pero akala ko lang pala talaga. Hindi ka pa rin mawala sa isipan ko Ikaw parin ang hinahanap ng puso ko Vika Reed. Isang sikat na Artista sa Pilipinas. Walang experience sa love. ang love na a...