Chapter 6

44 25 1
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas nun huling kita namin ni Lara pero lagi kong nakikita si Paxx dahil siya ang isa sa producer ng pelikula ko. Itong araw na to ang araw na mag pre premier night kami ni Kane para sa Movie namin.

"Vi. Are you sure na ready kana? "

"yes E. Kanina mo pa ako tinatanong. "

"Really? Pero dahil kilala kita alam kong wala kang alam sa araw ngayon no? "

"Alam ko! Premier night namin ngayon. Tama ako diba? "

"Hahahaha. I knew it. Just go! Di kompleto ang gabi kapag wala ang star of the night. "

"Star of the night ka diyan. Siya siya. "

Bumaba na ako ng kotseng sinasakyan ko at naglakad patungo sa loob ng mall para maglakad sa red carpet.

"Waaa! Vika! "

"Vika! Idol!"

"Ang ganda mo Vika!"

"Vika. "

Kinawayan ko sila at binigyan ng matamis kong ngiti.

--

Nasa entrance kami ng sinehan at inaantay ang cue para pumasok na loob.

"Are you sure ready kana Vi? "

Ang kulit ni E. Kanina pa to a.

"Oo nga. "

At nag cue na ang mga production team na papasok na ako.

Nasilaw ako sa liwanag ng sinehan pero hindi nakaligtas ang isang tao na nakikita ko sa loob ng sinehan kung nasaan ipapalabas ang new movie ko. Isang buwan din siyang tumatakbo sa isipan ko.

Walang iba kundi si Lara katabi si Paxx. How nice.

Dideadma ko nalang sila at pinag patuloy ang pagkaway sa mga nasa loob ng cinema.

"Good Evening Guys. " masayang bati ko sa kanilang lahat.

"Waaaa. Vika. "

"Salamat sa pagpunta ng premier night namin even though wala naman si Kane dahil masama raw ang pakiramdam at di kayang bumangon. Nagpapasalamat siya sa inyong lahat. "

Nagpalakpakan silang lahat at biglang namatay ang ilaw pero ilan sandali lang ay nagbukas rin.

"Happy Birthday to you happy birthday to you happy birthday happy birthday happy birthday to you. Happy Birthday Vika. I know na makakalimutan mo ang birthday mo kung walang nagpapaalala sayo na birthday mo na diba? At tama ako nakalimutan mo nga. "

Hinahanap ko ang taong nagpaalala sa akin ng birthday ko.

Si kane.

"Surprise Vika. ! It's your birthday! " at doon nakita ko si Kane na may dalang white flowers.

Sinabi ko sa kanya na huwag na huwag niya akong bibigyan ng white flowers dahil gusto ko ang magbibigay sa akin ay ang taong mahal ko. Why ? Kane! At feel ko ang kasabwat mo ay si E!

At doon din di ko napigilan tignan ang taong hiningan ko dati ng white rose.

"Flower's for you Vika " sabat abot sa akin ni Kane ng flowers na dala niya

---Flashback---

"Lara! Sa birthday ko bigyan mo naman ako ng white rose. "

"At bakit? "

"Favorite flower ko kasi yon. "

"Sige. Isang dosena ba? "

"Baliw. pero oo!  "

FAMOUS INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon