A/N: Dedicated to @AndreaDarna for making my bookcover ^-^/~ Thank you!
"Hi Yoonique"
"Hello po."
"Goodmorning Yoonique"
"Good morning rin."
"Ang ganda mo talaga Yoonique!"
"Thank you po"
"Oh my god...hi Yooniiiique!"
"Hello!"
*Sigh*
Every Morning.
Every Morning ganyan silang lahat.
Every Morning para akong tumatakbong presidente sa halalan.
Every Morning bawat galaw ko pinagmamasdan nila.
Every Morning natutunaw ako sa mga titig nila.
Every Morning nag gi-give way sila sa gintna para maka-daan ako.
Lahat ng Every Morning na yan pwede kong isulat sa dalawang long bond paper at mapupuno ko yun dahil sa sobrang dami.
Haaay nakoo...
Anubayaaan! Araw araw na lang!
Hindi ba sila nagsasawa?
Kaya lang naman ako sumasagot sa mga bati nila kasi ayoko yung may hindi ako pinapansin! Nafi-feel ko kaya yun!
Tapos ngayon... inaabuso naman nila ako?! Wow! Hanep! Mabuhay ka! -_-
Pero hindi ako plastic ha!
Tao ako eh! De joke! :D
Hindi ako plastic kasi natutuwa pa rin ako sa pinagga-gawa nila.
Nakakatuwa kasi yung lagi ka nilang sinusuportahan. Pag may umaaway sayo, pinagta-tanggol ka nila. Hindi pa sila naniniwala sa mga naninira sayo, kasi alam nilang ayaw mong magsinungaling. Tapos pag may mali kang ginawa, maiintindihan nila. Pag may mali sayo, matatanggap ka nila. Ganyan sila...
As in silang lahat! Lahat ng ka-school mates ko.... kaibigan ko dito. Ewan ko lang kung totoo sila sakin, pero ang mahalaga totoo ako sakanila.
Lagi akong nagsasabi ng totoo.
Mabait ako.
Oo ako na yung makapal ang mukha. Pero katulad nga ng kanina, lagi akong nagsasabi ng totoo. Haha! Joke lang!
Lahat naman kasi ng tao may kabaitan at may kasamaan.
May mga tao nga lang na mas nangunguna ang kasamaan kesa sa kabaitan at mayroon ring mga taong mas nangunguna ang kabaitan kesa sa kasamaan.
At kasama ako don. Hahaha! Kapal talaga ng mukha ko no? Masanay na kayo! Lalo na't binabasa niyo ang kwento ng buhay ko.
Ganito talaga ako. Minsan makapal ang mukha.... pero may limitasyon.
Mabait.... pero may kasamaan rin at lalong lalo na, huwag mong abusuhin.
Tahimik... kasi hindi naman lahat ng sitawasyon kailangang magsalita. Pero madaldal rin ako. Haha..
At nagsasabi ng totoo...
...Pero may katotohanan pa ring hindi masabi. Dahil maaari akong makasakit ng kapwa ko. At lalong lalo na, ang mga mahal ko sa buhay.
Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay yung may nasasaktan ako. Ayokong may nakikitang umiiyak nang dahil sakin.
Selfless ba ako? Hayaan mo na. Haha!
BINABASA MO ANG
Behind My Smile (ON-HOLD)
RandomAyokong ilabas ang emosyon ko. Dahil maraming magagalit, maraming mahihirapan at higit sa lahat, maraming masasaktan.