Chapter 3: Lie

60 14 17
                                    

Matuto munang makiramdam. Dahil hindi natin alam na sa simpleng salita lang, nakakasakit na pala tayo.

-Author

-------------------

*After a week*

Whoo! Grabe naman tong si sir Chua! Kung makapag utos wagas! Noong nakaraang week pa siya utos ng utos ah!

Pero kung tatanungin niyo kung anong nangyari makalipas ang isang linggo. Nako. Huwag niyo ng tanungin dahil baka umabot pa tayo ng new year sa kakakuwento sa dami kong ginawa.

Halos hindi ko na nga nakaausap yung mga kaibigan ko dahil sobrang busy ko last week. Pero mabuti na rin yon. Atleast hindi ko na masyadong naiisip si Jake pati si Sheena. Mas okay na yun.

Pero grabe gusto ko ng umuweee! Paalis na sana ako sa locker ko nang biglang may nanghablot ng kamay ko.

"Aray naman." Daing ko. Pero hindi na ko nagpumiglas nang makilala ko kung sino ang humablot sakin. Si Jake.

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa mapunta kami sa garden. Kung saan kami nagusap tungkol sa panliligaw niya sakin noong last week.

"Uy Jake. Bakit?" Nagaalalang tanong ko. Paano ba naman kasi, nakita ko siyang ang lungkot ng mukha niya. Parang gusto ko atang yakapin siya ngayon pero naalal ko nanaman si Sheena.

Tinignan ko siya sa mata niya pero ikinagulat ko nang may pumatak na luha dito "Yoonique... sorry." sabi niya ng naluluha.

"J-jake.. ayos ka lang?" Nagalala pa ko lalo nung umiyak na talaga siya kaya pinunasan ko ang luha niya at hinihimas ko rin ang likod niya bilang pangcomfort.

"Jake, anong nangyari?" Tanong ko ulit.

"Yoonique, sorry talaga." Lalo siyang naiyak nung sinabi niya iyon kaya niyakap ko na siya.

"Yoonique, ang totoo talaga niyan... hindi kita mahal."

Napahinto agad ako sa paghimas sa likod niya at para bang biglang kumirot sa puso ko dahilan para mapaluha ako.

"Yoonique sorry. Sorry talaga. Hindi talaga ikaw ang totoong gusto ko." Dagdag niya. Pero ngayon napaiyak na talaga ako.

Grabe ang sakit.. ang sakit sakit.

"Yoonique ang totoo niyan. Gusto ko talaga si Sheena." Sa sinabi niya, napahagulgol na talaga ako.

Grabe ang akala ko ako. Akala ko ako na talaga ang gusto ni Jake. Pero hindi pala. Si Sheena pala ang gusto niya, ang bestfriend ko.

"Yoonique sorry." Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon.

Mas dumoble pa ata ang sakit na nararamdaman ko. Nakikita kong umiiyak si Jake at nalaman ko na hindi pala talaga ako gusto ni Jake. Si Sheena pala.

"Hindi. Ayos lang ako." Bumitaw na agad ako sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ang mg luha ko. Pero hindi pa rin talag tumitigil ang pagpatak ng mga tubig sa mata ko lalo na nung makita kong umiiyak ang pinakamamahal ko.

"Yoonique---" Hindi ko na siya pinatapos sa mga sasabihin niya.

"Ayos lang ako Jake. Naiintindihan naman kita eh.." Nginitian ko siya gamit ang inosente kong ngiti. "Nako Jake. Kung ako sayo, liligawan ko na si Sheena *sniff* a-alam kong bagay kayo sa isa't isa. *smile*" Patuloy kong pinupunasan ang aking mga luha pero patuloy itong bumabagsak.

"Yoon--"

"Ah sige Jake! *Sniff*" Pinunasan ko ang aking luha gamit ang kanang braso ko "Uuwi na pala ako. Pagod na kasi ako eh. Sana magkatuluyan kayo ni Sheena. Ha-ha-ha! Una na ko ha!" Paalam ko sakanya atsaka tumakbo ng mabilis.

Hindi ko na alam kung saan na ko papunta pero ang alam ko, nasasaktan ako ngayon.

Patuloy pa rin akong umiiyak habang tumatakbo hanggang sa makarating na ko sa bahay. Dire-diretso akong umakyat sa kwarto at inilock ang pinto.

Dumeretso ako sa kama at doon umiyak.

Ang akala ko gusto rin ako ni Jake.. akala ko mahal na niya ako.. akala ko magiging kami na pero, lahat pala ng akala ko ay mali.

Totoo ngang maraming namamatay sa maling akala.

Sasagutin ko na sana si Jake eh. Kaso sayang, hindi pala ako ng gusto niya. Si Sheena. Pero buti na rin yon, hindi ako nagmukhang tanga. Pero nagmukha naman akong kawawa kay Jake.

Akala ko magiging masaya kami ni Jake. Pero hindi. Pinaasa niya lang ako. Akala ko kaya niya ko gustong ligawan dahil gusto na niya ako. Hindi pala. Ang gusto niya pala, yung bestfriend ko.

Bakit niya pa sakin to ginawa? Bakit niya pa ko gustong ligawan kung yung bestfriend ko naman pala ang gusto niya. Paasa siya.

Pero kahit ganoon, hahayaan ko na lang sila. Hahayaan ko na lang sila maging masaya habang ako ay nasasaktan. Tutal lagi namang ganito eh. Akala nila hindi ako nasasaktan, na parang robot lang ako na walang nararamdaman. Sa susunod kasi, isipin muna nila ang mga ginagawa nilang galaw dahil minsan hindi nila alam na nakakasakit na sila.

Pero sige, para sakanila rin naman tong gagawin ko. Pipilitin kong itago ang aking totoong emosyon para walang masaktan, ako lang.

*Vibrate* *vibrate*

Kinuha ko agad ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Jake

Yoonique, pwede mo ba akong tulungan?

---------------

A/N: Please vote and comment :) Thank you! ^-^/~ ♥♥

~Leleeexxoo~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind My Smile (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon