"Yoonique, pwede ba kong manligaw sayo?"
*Frozed*
Nagulat ako sa biglaang tanong ni Jake saakin. Hindi ako maka-galaw at parang nanlalabo na ang paningin ng mga mata ko.
"Calling, miss Yoonique Yoo please proceed to the principal's office later."
"Again. Calling, miss Yoonique Yoo please proceed to the principal's office later. Thank you."
"A-ahmm.. J-jake sandali lang. P-pinapatawag daw ako..."
I'm saved by the bell!
Tumalikod agad ako at nagmadaling tumakbo kahit mamaya pa naman daw ako pinapapunta, pero habang tumatakbo ako, lalong nanlalabo ang paningin ko. Nagulat na lang ako nang may mainit na tubig na nasa pisngi ko at tsaka ko lang pala nalaman na luha pala lahat ng iyon.
Habang tumatakbo ako, maraming nakatingin sakin ng nagtataka. Pero wala kong paki! Ngumiti ako ng sobrang laki habang pumapatak ang luha ko.
Grabe ang saya ko!! Ako na ata ang pinakamasayang babae sa mundo!
Nagtanong siya! Nagtanong si Jake sakin kung pwede niya kong ligawan!
"Yooni b-ba't ka umiiyak n-ng nakatawa?" nilingon ko ang isang magandang babae at sinalubong ko siya ng malaking ngiti na may luha pa sa mata.
"Sheena..." panimula ko.
Oooopss.... bitinin ko muna kayo. Siya si Sheena Hye ang sobrang hinhin, sobrang kulit at sobrang ganda kong classmate slash kaibigan. Hindi kami masyado close ngayon, pero dati halos hindi kami magka-hiwalay at para na kaming mag-kapatid. Kaso nga lang nagka-hiwalay kami nung bata pa lang kami dahil umuwi kami ng pamilya ko sa Korea. Kaya nung pagbalik ko ay hindi na kami masyadong nagkaka-usap.
Matalino si Sheena, maganda, maputi at mukha siyang living doll dahil sa sobrang cute niya. Hehe.. actually pwede ko siyang maging crush.
"Sheena, kasi si Jake-----"
Biglang tumili si Sheena habang tumatalon na ikinahinto ko "Yooni pwede ba ko magkwento sayo?! Hihihi..." tuwang-tuwa na sabi ni Sheena.
Ngumiti ako ng sobrang laki dahil sa ipinakita niyang emosyon niya na sobrang cute.
"Sige Sheena, mauna ka na mag-kwento." sabi ko sakanya.
Hinablot ni Sheena ang braso ko at hinila ito "Huwag tayo dito Yooni. Hehe... baka may maka-rinig." mahinhin na sabi ni Sheena.
"Sige sa iba tayo." nagsimula na kaming maglakad at huminto kami sa isang corridor na walang tao.
Bumalik ulit ang malaking ngiti ni Sheena at biglang namula ang pisngi "Yooni may sasabihin ako sayo! hihihi...."
"Ano yun Sheena?" curious na tanong ko at ngumiti ulit.
Tumalon ulit siya na para bang kinikilig "Yooni.. alam mo ba. hihihi.."
Nag eye-smile ako sakanya habang tumatango "Sige go.. ano yun?"
Namula ulit ang mga pisngi niya at sobrang laki ng ngiti "Yooni.. alam mo bang gusto ko si Jake. Hihihihi. Kyaaah~~" Tumili siya na parang kinikilig at tumatalon-talon pa.
Unti-unting naglaho ang mga masasayang ngiti ko at yumuko ako para hindi niya iyon makita.
Si Sheena? May gusto sa taong pinaka-mamahal ko?
Tsk! Hindi ko pwedeng saktan si Sheena. Kaibigan ang turing ko sakanya at alam kong kaibigan rin ang turing niya sakin dahil ipinagkatiwala niya saakin ang sikreto niya. Mabait siya, maganda at matalino kaya hindi bagay sakanyang masaktan. Alam kong pag nagka-tuluyan sila ni Jake, mamahalin niya talaga ng sobra si Jake.
BINABASA MO ANG
Behind My Smile (ON-HOLD)
RandomAyokong ilabas ang emosyon ko. Dahil maraming magagalit, maraming mahihirapan at higit sa lahat, maraming masasaktan.