Siya si Macademia Dave Macaraig--Macky na lang for short.
Yung babae? Siya naman si Lolita Marie Manalastas--Lola naman ang palayaw niya.
Teka, isa nga ba itong love story? Kuwentong Romantiko? Magkakatuluyan kaya sila sa huli? Asan na ba ang aking order na pagkain? Bakit antagal dumating? Pa-follow up ko na kaya?
Ikaw naman. Ituloy mo na lang ang pagbasa sa aking munting kuwento na ipinadala sa akin mismo nila Macky at ni Lola.
Dear Charot,
Magandang umaga po! Pwede po bang ma-feature po ang aming kuwento ni Macademia "Macky" Macaraig sa inyong afternoon show na MMMMMMMKAY? Kung ganoon, pinapauna ko na po ang aking pasasalamat at ito po ang aming kuwento.
Highschool ko nang unang makilala si Macky. Sa totoo lang po, magkapitbahay lang po kami niyan pero ang nais ko pong pahiwatig ay mas lubusan ko pong nakilala si Macky noong kami'y humakbang sa Señorita High School-Academy (SHS-A).
Nung elementary pa lang kami, kapansin pansin na ng aking mga magulang na tuwing pupunta kami sa tianggihan o kaya naman sa pamilihan ay laging naiiba ang gusto ko kesa sa mga nakababata kong mga kapatid (pare parehas nga po pala kaming babae, just so you know). Kapag magpapaiwan kami sa bilihan ng laruan, laging unang pinupuntahan ng mga kapatid ko ay yung seksyon kung saan nakalagay yung mga Barbie at mga Bratz at kung anu-ano pang mga manika kasa kasama na ang mga accessories na pupwede mo ring bilhin upang mabihisan o lagyan kunwari ng kolorete ang mga manikang naka-display.
Ngunit ako? Ewan ko ba bakit sa unang kita ko ng basketbol na nakalagay pa dun sa basket kasama na rin ang iba't-ibang uri ng bola ay dun ako na-interesado. Kahilera pa naman ng mga lalagyan ng bolang iyon ang seksyon ng mga laruang panlalaki--mga action figures ng iba't ibang superhero, koleskyon ng maliliit na kotse, pati na rin ang container (yung plastic tube?) kung saan playset siya ng batalyon--mga sundalo! Naalala ko pang nakausap ko ang mga batang lalaking kasing edad ko noon at kung paano lalong nakuha ang interes ko sa laruang panlalaki dahil natuwa ako kung paano nila laruin at bigyang kulay gamit ng imahinasyon nila ang paglalaro ng mga maliliit na sundalo. Guerra kunwari dito, Guerra kunwari doon.
Magmula noon, tuwing magpapabili kami ng laruan--soldier playset ang inaabot ko sa mga magulang ko, samantalang polly pocket naman ang trip ng mga kapatid ko. Okay lang naman daw sabi nila mama't papa dahil kung yun yung peg kong laruin, open naman sila. Ngunit hindi nagtapos sa laruang panlalaki ang aking naging interes... dumating sa punto na habang lumalaki ako, napapansing mas nakakahiligan ko ang trip ng mga lalaki habang ang mga kapatid ko inaatupag ay puro make up tutorials sa Youtube at halos ka-chika na yata ang mga nagtatrabaho sa salon malapit samin.
Baliktad naman si Macky. Hindi ko alam kung paano o saan nanggaling ang interes ni Macky sa gawing pambabae pero kapag lumalabas kami ng bahay para makipaglaro ay lagi kong naaabutan si Macky na nakikipaglaro ng Chinese Garter sa labas. Minsan pa nga'y nagpapatugtog yung isa pa naming kapitbahay at kunwari'y nagpa-pageant sila Macky at ang kaniyang mga kalarong babae sa labas hanggang sa pang-matandang kanta na ang pumalit sa radyo.
Paano kami nagka-usap ni Macky? Tanong niyo sa mga kapatid kong kire--este malandi--este magaganda at bibo. Syempre nakita ni Macky na may common interes sila. Inichipwera ang mga kalaro dati at naging-close sa aking mga kapatid. Ayun, habang ako nasa computer shop sa kanto naglalaro at nakikipagsigawan, lagi kong naaabutan si Macky nakiki-suklay ng buhok ng mga manika kasama ang mga kapatid ko. Minsan nga kapag mas maaga pako umuwi dahil walang pustahan at kaganapan sa computer shop ay maabutan kong nag-me-make up na sila sa mismong mukha nila sa isa't isa.
Sabi ko nga, lubusan ko lang nakilala si Macky noong mag Highschool kami dahil nagkataon na parehas kami ng pinasukang eskuwela. Ako yung tipong estudyante na sisiga-siga habang si Macky naman ay sinusubukang maging matigas. Alam mo na sa Highschool... hindi naman ito yung crowd na maiintindihan pa o bali wala lang kapag nakitang iba sa iyong kasarian ang gusto mo. Hindi kagaya ng mga kapatid ko na basta may kalaro go lang.
Ako yung naging ka-close niya dahil kung minsan tinanong niya kung kumusta na daw yung mga kapatid kong kalaro niya nung elementary age namin. To the point na kami yung laging magkausap, naiiintindihan ko siya dahil ang kuwento naman niya sa akin ay siya lang yung lalaki sa kanilang magkakapatid. Puro babae ang kasama niya at halos matatanda na rin ang may sariling pamilya yung mga pinsan niyang lalaki.
Ang tawag niya pa nga sakin "bes" at ang tawag ko sa kaniya ay kung hindi "Bui!" ay "Pre!" kahit minsan naglolokohan kami na ayaw namin ganun tawag. Dahil nga pasiga-siga at kilos lalaki ako buong Highschool life ko at nakakahalata na rin yung iba sa sikreto ni Macky, walang love life na naganap samin, wala man lang nag-pair samin, wala sa batch namin yung nakita kami at nagtanong na "kayo ba?" dahil nakikita nila akong kasama ko ang mga lalaki sa SHS-A hindi para maghanap ng kasintahan at trato ko sa mga lalaki ay kapatid at hindi ka-relasyon. Lalo na nung bumigay si Macky ng last year namin as Highschool students? O san ka pa!
Ngunit nung nag College kami, matagal kaming hindi nagkita ni Macky. Nangibang bansa kasi ang pamilya ni Macky at doon na siya pinag-aral ng kaniyang tita habang doon na sila magbabagong buhay ng kaniyang pamilya. Tapos nanaman ang mga ate niya at magaganda na ang buhay kaya napag-desisyunan na dun na mag-College si Macky para naman daw diretso na sila sa ibang bansa titira at magta-trabaho.
Ako naman ay malayo rin ang narating. Malaking transformation kumbaga noong ako'y naging Kolehiyala. Ewan ko rin bakit ang tagal kong natauhan na babae pala ako pero ako ay nagtapos ng kurso which involves fashion--sa fashion industry!
Pero Charot, let me end my rather long story by saying na nagkita pa naman kami ni Macky. Uso naman yung FB diba? Sa FB ko nakita na may batch reunion kami sa SHS-A. At doon ko nakita isang lalaking naka-sundalo na uniporme. Hindi naman yung may kasamang gear at baril pa hah! Sabi ko, kamukha ni Macky yun ah? Kasi hindi naman ako nagkamali--si Macky nga ang lalaking naka-sundalo na uniporme. Nakatapos pala siya ng Military at kahit na iba na ang kaniyang tindig, andoon pa rin naman ang pagiging maloko niya, yung pagkakaroon ng "sense of humour".
On the other hand, siya pa daw ang hindi nakakilala sa akin dahil huli niya akong nakita ay maikli pa ang buhok ko, laging naka-cap, malakas ang boses, titibo-tibo tas siya noon babakla-bakla. Ngayon ay mahaba na ang hair ko, naka-heels, at may nalalaman pang "on-fleek" ang aking pag-make up.
Hay, Charot... nakatulog ka na ba? Ano ba yan. Ilang pahina na ba? Pagbigyan na. One Shot lang naman eh. Anyway... Ulet.
Hay, Charot. Dito ko napatunayan na kahit 360 degrees ang naging turn of events para sa akin ay babalik pa rin ang sundalong nilalaro ko lang nung bata ako, at masusulyapan rin pala niya ang manikang nilalaro niya lang dati kasama ng mga kapatid ko.
Nagmamahal,
Lolita "Lola" Manalastas