6 am ng umaga nang ako'y magsimula ng maglakad papuntang school. Malapit lang kasi sa bahay namin ang paaralang pinapasukan ko. Isa rin ako sa mga tinataguriang early bird dahil ang aga ko daw dumating. Well, I'm used to being called as such. By the way, my name is Valak, haha char lang. Cilegna Francis (pronounced as Cilenya) po totoo kong pangalan pero Celine ang tinatawag ng mga kaibigan ko sa akin. I'm pretty, in the eyes of God but also in my eyes and in everyone's eyes.
Moreover, 4th year high school na po pala ako pero dahil sa liit ko at dahil sa baby face ako(hater's back off!), napagkakamalan akong baby. Haha.
Ilang hakbang na rin ang nalakad ko nang biglang mabitawan ko ang mineral water ko na kabibili ko lang sa nadaanan kong tindahan.
Gumulong-gulong ito hanggang sa huminto sa tapat ng black and shining shoes. Tapos pinulot nung lalakeng may nagmamay-ari ng black shoes ang water ko. Tapos...
'Oh My God! Ba't ngayon ka lang babe? Umuwi ka na sa bahay, ipagluluto kita ng pinakamasarap kong recipe.', bulong ko sa utak ko.
Sa totoo lang, ang gwapo nya. Ang puti ng kanyang balat na para bang hindi nadadapuan ng kahit na anong dumi. Tapos, ang tangos-tangos ng ilong nya. Gustong-gusto ko rin ang makakapal niyang kilay. Wala na akong iba pang masabi kungdi ang gwapo niya talaga. Aiissh. Na-iimagine ko nalang na ikinakasal na kaming dalawa sa simbahan.
"Miss?", tanong nya.
"Yes, I Do.", wala sa isip na sagot ko.
"Huh?", naguguluhan niyang tanong.
Bigla akong bumalik sa ulirat ko.
"Ah, wala-wala, oo akin yan. Thank you.", sagot ko nalang sabay kuha sa tubig kong iniabot nya.
Gosh! Hihimatayin yata ako ne'to eh.
At yun! Lumakad na siya palayo, hindi man lang nagpakilala. Nakakafrustrate. Di bale na nga, magpapatuloy nalang ako sa paglalakad, malelate pa ako ne'to eh.
Dali-dali akong pumasok sa gate. Bubuksan ko na sana ang bag ko upang chekin ng guard pero busy siya sa pakikipag-usap sa isang babaeng estudyante. Kaya pumasok nalang ako.'New guard yata eto ah', bulong ko sa sarili ko nang magpagtanto kong nag-iba ang mukha nung guard.
Well, naglakad na ako papunta sa loob.May kakaiba. Para akong pinag-uusapan ng mga estudyante sa loob. May tumatawa sa akin, meron ding masasama ang tingin. May dumi ba sa mukha ko? o sadyang 'di lang nila matake ang beauty ko? Sorry nalang sila. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bigla ko ring napansin na parang nag-iba ang style ng corridor at nag iba rin ang location ng canteen. What is happening? Nag-deday-dreaming ba ako o di kaya'y nabaliw na ako dahil sa gwapong nakita ko kanina?
Tapos, tinitigan ko ang school uniform ng mga babae. Color pink yung skirt nila. What? Pati uniform color, nag-iba rin?
Wait..wait...what!?
Naalala kong pink yung uniform ng mga students sa Embracing Intelligence High School, yung kalaban ng school namin. Kaya tiningnan ko ang nakasulat sa may gate nila at 'di nga ako nagkamali, 'Embracing Intelligence High School' nga ang nakasulat. Oh My God! Kaya pala panay ang titig sa'kin ng mga estudyante. Nasundan ko yata yung gwapo kanina. Huhu. Dito pala siya nag-aaral.
Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko. Nakakahiya talaga. Ang tanga-tanga ko. E'to kasing mata ko eh. Kaagad sumusunod sa mga guwapo. Tapos, nagsimula na akong maglakad palabas. Lakad, lakad, hanggang sa naging takbo na. Haha. Mas nakakahiya na no kapag nagtagal pa ako dito. Hanggang sa makalabas na rin ako sa wakas. Hahaay.
---------------------------(Recess Time)
"Hoy! Celine, ba't ka ba tulala diyan?", tanong ng bestfriend kong si March.
"Ah, wala."
BINABASA MO ANG
Math Love (Short Love Story)✔
Romance(4 Chapters) Masaya ako dahil naging Math tutor ko SIYA. (for FREE) Haha! Pero dumating ang isang Math competition na kung saan ay magkalaban pala kaming dalawa! Ang kompetisyon bang 'yon ang magiging dahilan kung bakit ako ay masisiyahan? O 'di kay...