Di talaga ako makapaniwalang siya ang makakalaban ko ngayon. No wonder kung bakit magaling siya sa Math. Nagtataka lang talaga ako kung bakit hindi niya sinabi sa akin at tinulungan niya pa akong mag-review.Tiningnan ko siya para naman mangitian ko siya pero kahit na isang beses ay 'di niya ako tiningnan. Parang may kirot na naman sa puso ko. Di ko maintindihan.
Tapos, nagsalita na ulit ang host.
"There!, we now have here on the stage our competitors for this serious event. Please be quiet po cause I am now going to read to you the mechanics and guidelines of the contest. The representatives of the contest shall be bona fide students of the schools they are representing. They shall be present on the contest proper and are willing to attend the Division Math Masters Quiz Bowl. The winner shall not be replaced by any substitute during the Division contest and if he/she will not be able to attend such event, it will lead to an automatic disqualification of his/her entry and an automatic declaration of the St. Jordan Academy being the winner. Today's quiz bee goes like this, kung sinuman ang unang makakapuntos ay idedeclare na winner sa event na'to. Kung tie man ang dalawang magkalaban ay magmomove tayo sa next problem. Each problem will be read twice and the contestants will be given 1 minute to answer the given problem. Questions contestants?"
Lumingo-lingo lang ako at yun rin ang ginawa ni V.
Tiningnan ko siya, pero parang umiiwas siya sa akin. Di ko nalang inintindi kaya tumingin na lang ako sa mga friends ko sa baba at nakita ko pa si March na nag thumbs up."Ready contestants? Here's the first problem:
If the value of x becomes bla-bla when added by the value of sin 60 degrees and the logarithm of bla-bla, what is the initial value of x? Your 60 seconds starts now."Habang nag-sosolve ako ay nanginginig ang buo kong katawan. Alam ko naman kung paano 'to isolve, nareview rin namin 'to ni V. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagsolve nito. Basta sa isip ko lang, kailangan ko 'tong galingan dahil nagtitiwala ang buo kong school sa'kin and I must not disappoint them.
Natapos rin ang 1 minute at..."Boards up!", sabi ng host.
Itinaas ko na ang aking board at ang sagot ko ay '0'. Tiningnan ko ang sagot ni Vince at nakapagtataka dahil ang sagot niya ay iba sa sagot ko.
'1' ang answer niya. Sinasadya niya bang imali ang sagot niya?"Look what we have here, magkaiba sila ng sagot!, kung may makakatama man sa kanila ay siya na mismong mananalo sa event na'to, pero kung pareho silang mali ay magmo-move tayo sa next problem."
Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko at ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis ko mula sa noo.
"And the answer for the first problem is...
.
.
.
.
.
.
.
'1'! First problem pa lang ay may winner na tayo! Congratulations Mr. Vince Kyle Cruz and to your school, the Embracing Intelligence High School, you will now compete in the upcoming Division Math Masters Quiz Bowl! And congratulations pa rin kay Ms. Cilegna Francis for actively participating the contest."Biglang gumuho ang mundo ko. Ramdam ko na parang kinakain na ako ng hiya ngayon. Wala eh! I am very disappointing! Ang tanga-tanga ko. Bakit ba ako nakinig sa mga itinuro niya kung alam ko namang magkalaban ang school namin. Tiningnan ko ang mga schoolmates ko sa baba pati si prinicipal. Lahat sila ay parang nawalan ng gana except lang kay March na nakangiti pa rin sa akin. Tapos, si Vince naman yung tiningnan ko, sakto naman dahil nakatingin 'din siya sa akin. Wala siyang emosyon. Kahit 'sorry' man lang na gesture, hindi niya ginawa. Ramdam ko na parang may namumuo ng luha sa mga mata ko kaya bumaba na ako at mabilis na tumakbo papunta sa garden house ng school nila. Alam ko kasing walang tao dun at ayoko naman sa restroom kasi talagang may students dun at makikita nila ako.
BINABASA MO ANG
Math Love (Short Love Story)✔
Romance(4 Chapters) Masaya ako dahil naging Math tutor ko SIYA. (for FREE) Haha! Pero dumating ang isang Math competition na kung saan ay magkalaban pala kaming dalawa! Ang kompetisyon bang 'yon ang magiging dahilan kung bakit ako ay masisiyahan? O 'di kay...