Recess time.Sinabi ko kay March ang nangyari kanina pagpasok ko sa school pati ang diary ni V na nasa bag ko ngayon.
"O, asan na? basahin natin.", sabi niya.
Kinuha ko sa bag ko ang diary tsaka inopen.
Ang first page ay parang title page at ang nakalagay, 'My First Love'.
Ang nasa isip ko, siguro kwento nila 'to ni Angelic na first love niya.
Tapos pumunta na kami sa second page:***
#First MeetingDear Diary, alam mo ba na may nakita akong napakagandang babae kanina. Ang ganda niya ay nakakamangha, meron palang anghel dito sa lupa no? Salamat talaga sa mineral water niyang gumulong palapit sa paa ko, dahil dun, nagkausap kami kahit sandali lang. Kahit na pansin ko ay sa kabilang school siya nag-aaral dahil sa uniform niya, nalove at first sight pa rin yata ako eh. Uso pa ba yun? Haha. Basta, I just love her and I wish to see her again.
***Bumilis ang tibok ng puso ko. Ako ba yung tinutukoy niya? Yung day na nahulog yung mineral water ko? Di ako sure, baka same happening lang.
***
#Knowing Her NameDear Diary, thank you! thank you talaga! Sobrang saya ko ngayon. 'Di ko alam kung pa'no sasabihin sayo na nagkita nga kami ulit kanina. Biruin mo yun? Nagpunta sila ng kaibigan niyang si March sa school ko para magpaturo sa'kin ng Math? Haha, ang swerte ko nga naman. Di ko alam kung sa'n nila nalaman na magaling ako sa Math, pero ang alam ko lang ay masaya ako. Ang full name niya pala ay Cilegna Francis, ini-spell niya pa nga letter by letter eh. Haha! Yun, sinabihan ko siya na 'See you tomorrow', para bumalik pa sila. Sana nga ay bumalik pa.
***Ano? Ako? Ako? Para akong nananaginip. Parang 'di totoo. Bumilis pa ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko si March na seryoso sa pagbabasa sa passages sa diary tapos ay bumalik na rin ako sa pagbabasa.
***#Rain
Bumalik nga siya diary ko. Another happiness na naman. Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya kapag nakikita siya. Gusto ko na talagang sabihin sa kanya na love ko siya pero natatakot ako na baka 'di na niya ako kausapin o di kaya'y 'di na siya magpapakita sa akin. Hahayy, buhay talaga. Alam mo diary, umulan kanina. Imbes na mainis ako ay mas naligayahan pa ako dahil magkahawak kami habang tumatakbo. Kaya ayun, sinabihan ko siya about sa first love ko na si Angelic na di niya alam kung babaliktarin ay magiging Cilegna. Sana naman ay nagkahint siya dun. Sarap talaga ng feeling kanina.
***Napangiti ako dun. Ang bobo ko naman. Ako naman pala si Angelic eh. Ngayon ko lang 'din nalaman na kapag babaliktarin ang pangalan ko ay magiging Angelic. Para na akong lumilipad ngayon sa kalangitan habang binabasa ang mga passages niya.
***#Problem
Dear Diary, may problema po ako. 'Di ko na sana isusulat to rito pero nalaman ko kanina na si Celine ang magiging kalaban ko bukas sa Math contest. Nakaka-frustrate naman ang sitwasyon na'to. Ganito kasi yun diary eh, kahapon ng hapon, nung naglalakad ako pauwi, nakita ko si Ms. Gonzaga, nanay nung Joseph Gonzaga na magrerepresent sa St. Jordan Academy sa gaganaping Division Math contest. Meron siyang kausap, tapos nagpirmahan sila. Wala lang sana sa akin yun pero pag-alis nung lalakeng kausap niya ay nahulog yung papel mula sa bulsa niya. Dali-dali ko itong pinulot dahil iaabot ko sana sa lalake pero nakasakay na yung mama ng sasakyan, at di ko na naabutan pa. Kaya binasa ko nalang kung ano ang nakasulat dun. Nalaman kong yun pala ang pinirmahan ni Ms. Gonzaga. Ang nakasulat:
//
Mr. Romeo Rodriguez,
This is a reminder and an agreement that you are going to end the life of whoever wins the One-on-One Math Quiz Bowl between the Brilliant Brains High School and the Embracing Intelligence High School by whatever means. By that, no one will be able to compete with my son during the Division Math Masters Quiz Bowl that will lead to an automatic winning of him and his school. Don't worry, you will get your share.
//
Nagulat ako nung mabasa ko yun diary. Ganun talaga sila kadesperada na manalo? Naisip ko ring tumawag ng pulis pero, natatakot ako na pati pamilya ko madamay eh kaya hinayaan ko nalang muna hanggang sa makapag-isip ako ng paraan. Pero nung malaman ko talaga na si Celine ang makakalaban ko, 'di na ako nagdalawang-isip pa. Ginawa ko na ang dapat kung gawin. Ayokong mapahamak ang pinakamamahal ko. Okay lang na ako ang maaksidente, wag lang siya. Okay lang naman siguro diary no? yung ginawa kong pagsisinungaling sa kanya? Para rin naman yun sa kanya eh. Sana naman, mapatawad niya ako.
***
BINABASA MO ANG
Math Love (Short Love Story)✔
Romance(4 Chapters) Masaya ako dahil naging Math tutor ko SIYA. (for FREE) Haha! Pero dumating ang isang Math competition na kung saan ay magkalaban pala kaming dalawa! Ang kompetisyon bang 'yon ang magiging dahilan kung bakit ako ay masisiyahan? O 'di kay...