* TAKE 1 *

28 1 0
                                    

Rheya's POV



Maaga akong bumangon sa pagkakahiga ko dahil lunes na ngayon. At alam niyo kung ano ang meron sa lunes? Well, mag-fla-flag ceremony lang naman. Hays. Buhay estudyante naman oh.



Nang makuntento ako sa sarili ko ay bumaba na ako. Naabutan kong naghahanda ng agahan si Mama, Samantalang nagkakape naman sila Papa at Kuya.



Kaagad naman nila akong tinawag para kumain. "Oh ano pang tinatanga mo diyaan, Yang. Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo." Sabad ni Papa kaya mabilis akong lumapit sa mesa at umupo.



Tumabi ako kay kuya na busy sa pagtingin ng diyaryo na nakabalikdad naman. Napangisi naman akong tinignan siya. "Kuya." Tawag ko.



"Oh?" Sagot niya ng hindi tumitingin saakin. "Anong ginagawa mo?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.



"Ano sa palagay mo? Malamang nagbabasa duh!" Bara nito saakin kaya napatawa na lang ako.



"Ah, kaya pala baliktad ang diyaryo. Paano yan basahin kuya? Paturo naman ako." Nang-aasar na sabi ko. Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa hawak na diyaryo at binaliktad ito. Habang ako naman ay humagalpak na kakatawa.



"Bwisit. Pati yun napansin pa." Mahinang sabi niya. Tanga talaga tong kapatid paminsan-minsan eh. Naturingan pang honorable mention palagi sa skwelahan. Tatanga-tanga naman sa ibang bagay. Hahahahaha.



"Tumigil na kayo. Ikaw naman, Rheya kumain ka na. Anong oras na?" Napadako bigla ang tingin ko sa orasan namin sa dingding. Shet! 7:10 na lagot!



Mabilis akong kumain at nagpaalam na, dahil late na ako. Inasar naman ako ni kuya, keyso ba't pa daw ako kumain e mataba na daw ako. Problema niya? E ang sarap kayang kumain. Tss. Kung makaasar kala mo kung sinong payat. Kaasar!



Pagkapara ko ng traysikel ay kaagad akong sumakay. Nang makaupo na ako ay kaagad kong nilabas ang phone ko at in-on ang data.



Kaagad na nag-pop ang circle sa screen ko kaya ti-nap ko ito at tinignan ang message ni Lhea. My kalog bespren.



Lhea Grace Tuazon
⚫Now

-7:12 am

Hoy, baboy! Bilisan mo late ka na! Pasalamat ka flag ceremony ngayon.



Kaagad ko naman siyang ni-reply-an.



-Oo na. Malapit na ako. Nasaan ba kayo?



Habang naghihintay sa reply niya. Nagbayad muna ako. Pagkakuha ko ng pera sa wallet ko kaagad ko itong inabot sa driver. "Manong bayad ko po." Tinggap naman niya kaagad. Timing nagreply na ang isa sa mga baliw kong kaibigan.



Lhea Grace Tuazon
⚫Now

-7:16 am

Malamang nandito sa oval. Duh.



Kahit kailan talaga tong babaeng to sarap kurutin sa singit. Kung hindi lang talaga siya source ng answer paminsan-minsan sa tuwing natutopakan nakuuuu! Ewan ko lang talaga.



Nang makarating kami sa paradahan ng traysikel ay kaagad akong bumaba. Buti na lang at sa may labasan ako malapit nakaupo. Habang naglalakad ay ni-replyan ko siya.



-Naglalakad pa lang ako patungo sa sakayan ng jeep. Hintayin niyo ako ha! Humanda talaga kayo! Lalong-lalo na ikaw. Mahilig ka pa namang mang-iwang babae ka!



IT TAKES TIME TO BE A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon