*TAKE 6*

9 0 0
                                    

Bianca's POV

Sigurado talaga akong hinahanap na ako ng mga babaeng yun kung hindi ba naman ako hinila ng tunginung virus na ito edi sana kasama ko pa ang mga baliw na kaibigan ko.

"Bitiwan mo ng akong virus ka!" Sinuntok ko siya sa braso pero parang wala lang sakanya at patuloy parin sa paghila sa kamay ko.

Patuloy lang ako sa pagsuntok kahit masakit na sa kamao suntok parin ako ng suntok ng mahuli niya ang kamay ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatutok sa kamay kung namumula na, hihilain ko sana para itago ngunit ang higpit masyado ng pagkakahawak niya kaya napa-'aray' na ako.

"Look what you do. You're just hurting yourself, woman. Stop it. I can't believe that you will able to do anything just to get away from me, but sorry my trouble I won't allowed you." Napakunot ang noo ko sa ibinulong niya na hindi ko naman maintindihan.

May saltik ata ang virus nato. Tsk. Mabuti na lang hindi ako nahawaan. Eww.

"May sira ka ba sa ulo ha? Bigla-bigla ka na lang nagsasalita ng mag-isa diyan eh. Baliw ka ata. Pa-check up mo na yan bago pa lumala. Tss— Ouch!" Naningkit ang mata ko sa pagpitik niya sa baba ko. Inambahan ko siya ulit ng aking kamao ngunit kinuha niya ito gamit ang malaki niyang palad. Napatingin ako dun. Ang init ng palad niya napaka komportable— Ay tangina ano ba tong sinasabi ko! Kailangan ko na atang magset ng appoint sa isang doctor. Nababaliw na naman ako.

"Stop talking will you. Marami ka ng nasabi." Bored nitong sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Pwersahan ko namang hinila ang kamay ko na hawak niya. Napaigik ako sa sakit. Hahawakan niya sana ulit ako ng dere-deretsong tumama sa mukha niya ang kamao kong mamamaga dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Napaatras siya sa lakas ng pagkakasuntok pero hindi kagaya ng nauna na tumumba talaga siya. Ramdam ko ang sakit ng kamao ko pero hindi ko na ito ininda.

"You jerk! Ano ba ang kailangan mong virus ka?! Lubayan mo nga ako kung makadikit ka ah para kang linta?! Kaano-ano ba kita ha? Napaka-fc mo. Atsaka isa pa hindi ako magiging isa sa mga babae mo, tangina naman pre mandiri ka nga! Hindi tayo talo, okay?!" Sigaw ko sakanya. Napapatingin naman yung ibang taong dumadaan dito sa parking area ng mall. Oo nakaabot kami sa parking area! Walanghiya tong virus na to eh. Ang lalaki ng biyas, parang hinahabol ng kung sinong hayop.

Nakita ko pa ang pagdura niya ng dugo na sanhi ng pagkakasapak ko sakanya. Pinahidan niya ang dugong nasa labi niya gamit ang likod ng kanyang kamay. Uh-oh. I think it's my cue to leave him and run. Akmang tatalikod na ako para tumakas ng mahila niya ang kwelyo ko sa likod.

Napaubo ako sa lakas ng pagkakahatak niya. Kung nakakamatay lang ang tingin siguradong gutay-gutay na ang katawan ng punyetang to!

"A-Ano bah! Bitiwan mo nga ako. Letse!" Galit kung singhal sakanya. Habol ko ang hininga ko ng bigla niya akong hinila at idinikit sa pinto ng isang kotse.

Nanlaki tuloy ang mata ko na parang luluwa na sa sobrang lapit ng mukha niya. Napalunok naman ako ng marahas habang humihiling na sana ay may dumaan man lang at makakita saamin.

"You're cursing too much, my trouble wanna shut it up using my lips?" Doon na ako inatake ng kaba. Queengina wala pa nga akong jowa. Kukunin niya na first kiss ko? Isa siyang malaking virus!!

Seryoso kong nilabanan ang titig niya na parang nang-aakit. Tae! Labanan mo Bianca, wag na wag kang magpapatalo sa siraulong lalaki na to! Simpleng tingin lang yan. Kaya mo yan. Ahhhh hindi ko na talaga kaya. Tinulak ko ang dibdib niya para mapalayo ang mukha niya pero mali ata ako.

Yun pa yata ang naging dahilan para mahalikan niya ang pisngi ko.

Para akong naparalisa dahil doon. Natulala ako at nawalan parang nalunok ang dila sa kawalan ng sasabihin.

IT TAKES TIME TO BE A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon