Panimula

13 1 0
                                    


...Loving can hurt,
Loving can hurt sometimes.

Yes, loving can hurt. Loving someone else na Hindi ka mahal ay masakit, masakit kahit wala kang karapatang masaktan.

Nandito ako ngayon sa isang bar near diversion road kasama ang mga kaibigan ko.

Time check (12:24 am)

Hating gabi na. Lahat ng customer dito sa bar ay lasing na. Hiyawan, sayawan, tawanan, at inuman. Lahat ng mga kaibigan ko ay nasa gitna na ng dancefloor at nag sasayaw. Naiwan akong mag isa dito dahil gusto kong uminom. Gustong gusto ko na mag pakalunod sa alak.

Pano ba naman, yung magaling Kong girlfriend pinag palit ako sa isang lalaki. Mayaman, may sasakyan, gwapo, at higit sa lahat ay kilala ng lahat. Yan yung tipo niya sa isang lalaki. Kaso kabaliktaran ang sitwasyon ko.

Mahirap lang ako. Walang sasakyan, pera, Hindi kilala, ngunit gwapo. Yan lang ang meron sakin, ang pagiging gwapo. Kaso aanhin mo naman ang sobrang kagwapohan kung wala ka namang pera diba? Wala din.

Ako nga pala si Zion Flores, 18 years old, Grade 12, nag-aaral sa University of San Agustin dito sa Iloilo.

2 days na ang nakalipas since nag kahiwalay kami ni Trina. She's hot, smart, tall (a 5'9 to be exact), at famous. Kilala ang pamilya niya dito sa Iloilo dahil sa mga negosyo nila. Yes, mayaman sila. While ako, kumakayod para makapag aral. Nakapag aral lang naman ako sa University dahil sa scholarship na nakuha ko. Kaso yun nga, mahirap lang ako. Kaya nang maka hanap siya ng lalaking mayaman ay agad niya akong pinag palit at kinalimutan ng walang kahirap hirap.

"Mas gwapo pa nga ako dun sa pinalit mo sakin" saad ko kahit alam ko namang walang nakikinig sakin.

Nilagok ko ang isang bote ng beer na nasa harap ko at napa ngiwi ako pag katapos.

Hay nako. Ang sakit. Sobra.

Pabalik na dito ang mga kaibigan ko sa pwesto namin. Lahat sila may kasamang babae. Ako lang ata ang wala.

Kumuha ako ng panibagong bote ng beer at nilagok ulit ito hangang sa mangalahati.

"Nag papakamatay ka pre?" Natatawang sabi ni Anthony. Ang babaeng kasama niya naman ay abala sa pag lalaro ng daliri niya sa katawan ni Anthony.

"Pake mo ba" sabay tingin ko sa kanya ng masama at umiwas din agad.

Tinawanan lang niya ako at binaling ang atensyon niya sa babaeng kasama niya.

Nilagok ko ulit ang beer hangang sa maubos ito. Medyo umaalon na ang paningin ko dahil sa alcohol ngunit Hindi ako natinag. Gusto ko pang uminom.

"Uy Zion! Tama na yan" pigil ni Niko ng akmang kukuha ulit ako ng panibagong bote.

"Wag nyo akong pakelaman" pag pupumiglas ko "hayaan nyo lang ako pota!"

Nilayo niya sakin ang mga bote ng beer para di ako makakuha Kaya padabog akong umupo sa sofa at Kumuha ng sigarilyo sa bulsa ko.

"Tsk tsk ganyan ka pala pag bigo pre" umiiling na sabi ni Leonard.

"Tss"

Tumayo ulit ako sabay kuha ng cellphone ko sa aking bulsa and I dialed Trina's number. Gusto ko lang siyang maka-usap. Gusto ko siyang bumalik sakin. Gusto ko akin lang siya.

Hinawi ko ang mga taong nasa harap ko habang palabas ng bar. Yung iba ay nagagalit dahil sa ginawa ko ngunit wala akong pake. Basta makausap ko lang si Trina. Dinig ko din ang tawag ng mga kaibigan ko sa likod ngunit di ko pinasin. Ramdam ko din na sinusundan nila ako Kaya nag madali akong lumabas.

"Ano ba!" Reklamo ng lalaking hinawi ko.

Diretso lang ako sa pag lakad ko ngunit bago paman ako maka labas sa nag kukumpulang mga tao ng nag sasayaw ay may humawak sa balikat ko para pigilan ako.

Nilingon ko kung sino ang kumapit sa balikay ko ngunit di ko siya kilala. Hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko at humakbang palayo sa kanya.

"Gago! Anong problema mo?!" Dinig ko ang sigaw niya kahit na masyadong malakas ang music.

Hinawakan niya ang braso ko Kaya di na ako nag dalawang isip na suntukin siya sa mukha. Bumagsak siya sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko, tumigil naman sa pag sayaw ang mga tao sa paligid namin at tiningnan kami.

"Shit" mura ni Anthony at mabilis na pumagitna sakin.

"Anyare Tol? Hahaha high blood ?" Napang asar na sabi ni Niko sakin.

"Gago! Ikaw na nga tong nanulak ikaw pa ang may ganang manuntok" sabi ng lalaking sinuntok ko habang hinahawakan ang dumudugo niyang bibig.

"Tss" tinalikuran ko na silang lahat at lumabas na. Bahala silang lahat. Di ako mag dadalawang isip na Saktan ang sino man na humarang sa gagawin ko.

Lumabas na ako sa bar habang dina-dial padin ang number ni Trina. Desperado na talaga akong makausap siya. Pabalik balik ako ng lakad habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko.

FUCK! ANSWER THE FUCKING PHONE! Natataranta na ako sa kung ano ang pwede Kong gawin makausap lang siya. Nag sisipag Tinginan na ang mga taong papasok ng bar sakin dahil sa ginagawa ko.

"Pre" nilingon ko ang taong tumawag sakin. Bumuntong hininga ako, akala ko kung sino na ang tumawag sakin. Si Niko lang pala. Tinapon niya ang susi ng sasakyan niya sa dibdib ko at sinalo ko agad yun.

"Para San to?" Nag tatakang tanong ko.

"Baka gusto mo siyang puntahan sa bahay nila at kausapin" nakangiting sabi niya.

"Salamat" sabi ko at tinalikuran ko agad siya at pumunta sa parking lot kung Saan naruruon ang sasakyan niya.

"Walang anuman... Pre!!! Ingatan mo yung sasakyan. Patay ako Kay Daddy pag nag kataon" pahabol niya.

Nang makarating ako sa parking lot ay Pinatunog ko agad ang sasakyan ni Niko at pumasok sa loob at Pina andar ito.

Hintayin mo ko Trina. Paparating nako...

Nag-mahal, Nasaktan, RepeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon