Chapter 4 (Decision)

5 1 0
                                    

Umiling ako, no Trina you cant do this to me. Alam Kong malaki ang pag kukulang ko sayo ngunit Mali naman atang gawin mo to sakin.

Kumalas ako sa pag kakayakap niya at hinawakan siya sa mag kabilang braso.

"Trina, tahan na. Alam mo bang wala kang karapatang umiyak dahil ikaw naman yung bumitaw at humanap ng iba" malamig kong sumbat sa kanya.

Napalunok siya sa sinabi ko at tinitigan ako ng mabuti sa aking mga mata. Alam kong di siya makapaniwala sa sinabi ko dahil di naman ako ganito dati sa kanya. Di naman ako malamig sa kanya, at Hindi ako nagiging malamig sa kanya ni isang beses.

"Z-Zion, alam Kong malaki ang pag kakasala ko sayo. Di ko sinasadyang masaktan ka"

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Di sinasadya?" Sabi ko sa sarkastikong tono sa kanya "Wow ha! Ano yun? Pagkatapos mo kong itapon na parang basura, sasabihin mo saking di mo sinasadya? Grabe! Sa sitwasyong to sasabihin mo pa talaga saking di mo sinasadya ha. Lumang palusot na yan Trina... Sige na nga kunyare napaniwala mo kong di mo sinasadya yun. Ano masaya ka na? Alam mong di kita kayang murahin. Pero putang ina! Putang Ina nyong dalawa. Mag Sama kayo."

Isang mabilis at malakas na sampal ang natangap ko galing sa kanya. Naka ramdam ako ng konting kirot sa pisngi ko dahil dun. Binalingan ko na din ng tingin ang mga estudyanteng nakikinig samin na kunyare ay kumukuha o nag babasa ng libro. Wala akong pakealam kung makita o marinig kami dito sa loob ng library. Ang  importante nailabas ko ang Sama ng loob ko sa kanya.

Hinawakan ko ang parte ng pisngi kong sinampal niya. Ngumisi ako at buong tapang na hinarap si Trina na naka hawak ang mga kamay sa kanyang bibig.

"Wala kang karapatan na sampalin ako! Man loloko!" Di ko na mapigilan at sinigawan ko siya.

"Anong nangyayari dito?" Napatalon ako sa nag salita. Ang matandang librarian namin ang nahagip ng paningin ko na naka tayo sa likod ko na naka kunot ang noo.

"Sorry po ma'am nag p-practice po kami para sa film presentation namin" ani Trina kahit halata ang pagka basag ng boses niya.

Tinaasan siya ng kilay ng matandang librarian namin.

"Mga bata, ang library para sa pag babasa. Pag-babasa ba yang ginagawa nyo" pagtataray ng librarian.

Napayuko nalang ako bago nag salita.

"Hindi po, sorry po ma'am di na po mauulit"

"Labas!" Sigaw niya.

Nag madali naman akong lumabas at di na nilingon pa si Trina. Ang mga estudyanteng nag babasa kanina ay napunta na din ang atensyon kung Saan sumigaw si Ma'am Librarian.

Pagka-labas ko huminga muna ako ng malalim bago nag patuloy sa pag lalakad. Iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina, at kung pano ko sinigawan si Trina.

Di ko alam na Gold Digger siya... I mean na magiging Gold Digger siya. Sa loob ng Mahabang panahon na pagsasama namin, ni minsan di niya pinaramdam sakin ang pagiging materialistic niya. Ni Hindi niya hinusgahan ang pagka-tao ko, at ang estado ko sa buhay. Ganun na ba siya? Masyado na siyang nasilaw sa yaman.

"Tol kung ako sayo, ipa mukha mo sa Trina na yan na Mali ang naging desisyon niyang ipag palit ka... I mean gwapo ka, matipuno, Ewan ko lang pero I guess may talento ka." Ani Anthony habang umiinom ng tequila.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyaring sagutan namin ni Trina Kanina sa Library. Pag katapos kase ng nangyari, dumeritso agad ako sa tambayan. Timing din na paalis na ang mga kaibigan ko, pupuntang club. Wala namang ginagawa ang mga mokong to kundi ang mambabae ng mhappiness Minsan nga nahihiya na ako sa mga pinang gagawa nila. Imbis kasi na sa kanila pumunta yung mga babaeng kinuha nila dito sa club, ay sakin lahat na punta.

Nag-mahal, Nasaktan, RepeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon