Chapter 3 (Im Sorry)

4 1 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas. Pagkatapos Kong mag maka awa Kay Trina ay naging normal na ang takbo ng buhay ko.

Sa school--- naging normal lang ang lahat. Tanggap ko na din ang desisyon ni Trina na sumama Kay Dylan. Palagi pa nga siyang sinusundo ni Dylan pag katapos ng klase namin.

Nag Lalakad ako ngayon patungong canteen, kung saan naka tambay ang mga kaibigan ko.

Pagka dating ko dun ay kumakain na sina Aeron at Anthony ng pizza. Di nila kasama si Niko.

Medyo na gulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Pag ka lingon ko ay Nakita ko si Leo na may dalang tray ng pagkain patungo sa tambayan namin.

Si Leo ay Kapatid ni Anthony. Kambal sila actually, mag kaiba lang ng ugali.

Si Anthony yung tipo ng kaibigan na seryoso, maasahan, at madaling pakisamahan.

While Leo, Well siya yung tipo ng taong puro kalokohan lang ang iniisip. Magaling siya pag dating sa babae. Kaya nga siya binansagan na 'Chikboy ng San Ag' ng ibang school.

Tsk. Defensor brothers. Napailing nalang ako.

"You're spacing out bro" aniya at nakipag high five sakin.

"Baka iniisip niya yung chiks niya pre" natatawang sabi ni Vince.

Si Vince Aquino, isa sa pinaka mayaman dito sa school. Mostly kasi ng mga negosyo dito sa Iloilo ay hawak ng pamilya niya. Di lang sa Iloilo, pati na din ang negosyo nila sa ibat ibang parte ng bansa.

"Bakit pre? Iniisip mo ba yung chiks na nang Indian sayo kagabi?" Ani Niko Kaya nag tawanan silang lahat.

May dala dala siyang dalawang Tray ng pagkain. Mostly kasi siya yung palaging nanlilibre sakin sa school.

Inabot niya sakin ang isang tray at kinuha ko ito.

"Salamat" sabi ko at sumabay sa kanya patungo sa lamesang tinatambayan namin.

"Naman" pag mamayabang niya.

"Tss" napailing nalang ako.

Kung di lang ako kapos sa pera ay hindi din ako mag papalibre sa kanya. Nakaka insulto kasi at nakakahiya dahil palagi niya akong nililibre.

Kaya nag hihintay ako ng tamang pag kakataon para maka bawi man lang sa kanya. Sa kanilang lahat. Nag papasalamat ako dahil nag karuon ako ng mga kaibigan na tulad nila. Di lang kaibigan ang Turing namin sa isat isa, kundi mag ka kapatid na.

Nag uusap sina Aeron, Anthony, at Vince, habang sina Niko at Leo naman ay tahimik lang na kumakain Kaya kumain na din ako.

"Pre, wala na ba kayo ni Trina?" Bungad ni Vince.

Tumango ako sa kanya dahil Hindi ako maka pag salita dahil sa pagkain na nasa bibig ko.

"Anong nangyari?" Malungkot na tonong tanong niya.

Nag kibit balikat lang ako. Tiningnan ko si Anthony at nakuha niya agad ang gusto Kong sabihin.

"Ako na mag e-explain pre" ani Anthony Kaya napunta sa kanya ang atensyon ni Vince.

Pinag usapan nila kung paano ako nag makaawa Kay Trina. Pinag usapan din nila kung ano ang dahilan ng pag hihiwalay naming dalawa. All because of that Fucking Dylan!

"Hayaan nyo na mga tol" putol ko sa pag kukwentuhan nila.

"Masaya na siya sa iba. At wala na akong magagawa dun. Nangako ako sa kanya dati na hahayaan ko siya kung Saan siya masaya at susuportahan. Ang tanging magagawa ko nalang ay tanggapin at maging masaya para sa kanya."

Pumalakpak si Leo sa sinabi ko.

"Very Well said" Aniya at bumalik sa pag kain.

"Well... Ano pa ba ang magagawa mo?" Ani Aeron.

"Bagay naman silang dalawa pre eh" ani Niko "Gold Digger at Mang aagaw" at tumawa sa sinabi niya.

Hinampas ko ang mesa Kaya Napa tigil silang lahat sa ginagawa nila.

"Wag na wag mong tawaging Gold Digger si Trina. Di siya ganyan!" Banta ko sa kanya.

"Chill bro" Aniya sabay taas ng dalawang kamay niya.
"I was just trying to pull up some joke"

"Tss. Mauna na muna ako. Kita nalang tayo mamaya" padabog akong tumayo at umalis palayo sa kanila.

Habang nag lalakad ako patungo sa Library para isauli ako libro na hiniram ko last time ay may naka salubong akong babae na umiiyak.

Sinundan ko siya ng tingin hangang sa mag katapat kami ay hinawakan ko ang balikat niya para pigilan siya.

Tumigil agad siya sa ginawa ko at lumingon sakin.

"You okay miss?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang Hindi siya okay.

Tumango lang siya at tinalikuran ako. Damn those eyes! Ang ganda ng mga mata niyang kulay brown.

Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya sakin.

Ang sexy niya sa Blue Dress na suot niya. Ang mahaba at straight niyang buhok na medyo may kulot sa dulo, ay sumasayaw sa pag lakad niya. Damn! She's an Angel! 
Nanghihinayang ako dahil Hindi ko nakuha ang pangalan niya.

Nang nawala siya sa paningin ko ay dumiretso na ako sa library. Pag kabukas ko ng pinto ay tumambad agad sakin si Trina. Bigla namang bumilis ang pintig ng puso ko.

Bakit siya nandito? Base sa pag ka kilala ko sa kanya ay Hindi siya yung tipo na mahilig mag basa. Pero kung tama man ang hinala ko ay Baka ako ang pinunta niya dito.

Hinila niya ako patungo  likod ng 'Fiction' section na shelves ng mga libro, kung Saan ay walang makaka kita samin.

"Z-Zion..." Sabi niya sa malungkot na boses.

Nabigla ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit, Kaya niyakap ko din siya pabalik.

"I-Im sorry" Aniya sa basag na boses.

Nanghina agad ang mga tuhod ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

No Trina... 

I'm sorry...

Nag-mahal, Nasaktan, RepeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon