Chapter 2 (Lucky and Unlucky)

2 1 0
                                    

Umuwi ako sa bahay ng bigo. Pinark ko sa labas ng bahay namin ang Sasakyan ni Niko.

Papasok pa lang ako sa gate ngunit dinig ko mula dito ang ingay nila mula sa loob ng bahay namin. Tama nga ang hinala ko na nandito sila. Well may reason si Niko kung bakit siya nandito dahil sa sasakyan niya. Pero sina Anthony at Aeron, di ko alam kung ano ang reason nila. Baka sinamahan lang si Niko... Di ko alam.

Binuksan ko ang pintuan at kasabay nun ang pag tigil ng ingay nila pag ka kita nila sakin. May tig-iisa silang bote ng beer.

"Yo!" Bati ni Anthony at nilagok ang beer na hawak niya.

Naningkit ang mga mata ko dahil sila lang tatlo ang nandito. Na Saan si mama? At pano naka pasok ang mga bugok na to dito.

"Si mama?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

Si mama lang kasi ang kasama ko dito sa bahay. Wala si papa, nasa Japan bilang OFW. 60 thousand a month ang sweldo niya, sa pang karaniwang pamilya ay sapat na ang ganyang kalaking sahod. Pero sa amin Hindi. Maliban sa mga utang ng pamilya namin ay may hinuhulugan pa si papa na bahay at lupa. Pinag kakasya lang namin ni Mama ang 15 thousand na pinapadala ni papa buwan buwan. Maliban kasi sa akin ay may dalawa pa akong kapatid na nag aaral, at sa aming tatlo ay ako lang ang scholar. At pinag kakasya ni mama ang pera na pinapadala ni papa sa tuition ng dalawa kong kapatid, pagkain, kuryente, tubig, at sa iba pang gastusin.

"Ah... Umalis kanina may importanteng lakad daw" ani Niko

"Baka nag hanap si Tita ng magiging bagong papa mo tol" Biro ni Aeron Kaya sinapak ko siya.

"Ulul!"

At humagalpak silang tatlo  kakatawa.

Tinalikuran ko silang tatlo na humahagalpak padin sa kakatawa at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Di kalakihan ang bahay namin. Kumpara sa bahay ng mga kaibigan ko e parang kusina lang nila ito, at parang CR lang nila ang kwarto ko.

Hinubad ko ang mga damit ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Sa bawat buhos ng tubig sa katawan ko ay gumagaan ang pakiramdam ko. Naiisip ko ang nangyari kanina, kung paano ako nag maka awa sa kanya para bumalik lang siya sakin. Kahit na nasa harap ng boyfriend niya ay nag mamakaawa pa din ako sa kanya. Ganyan ako ka desperado na bumalik si Trina sakin.

Natatawa ako sa sarili ko. Ang gago ko. Bat ba kasi pinanganak akong mahirap. Ewan ko lang kung may mag kakagusto pa sakin dahil wala akong pera at simple lang ang buhay ko. Well, may mag kakagusto din siguro kaso Hindi mag tatagal ay mag hahanap din ng mayaman. Lagi naman eh, kung Saan may pera ay kumakapit agad ang mga babae. Lagi namang pera ang basehan nila. Sa una na c-carried away pa sila sa nararamdaman nila para sayo. Kalaunan ay mag hahanap din sila kung Saan giginhawa ang buhay nila.

Napa buntong hininga nalang ako at pinikit ang mga mata ko. Dinadama ko ang bawat dampi ng tubig na pumapatak sa aking katawan.

Pag katapos Kong maligo ay nag bihis agad ako ng White V-neck T-shirt at Jersey Shorts at nag lagay ng konting hair wax para mapanatili ang ayos ng buhok ko.

Pag ka labas ko sa aking kwarto ay na abutan kong may kausap si Anthony sa cellphone niya, sina Niko at Aeron naman ay nag kukwentuhan at tumatawa pag katapos.

Nahagip ako ng mga mata ni Niko at tumigil siya sa pakikipag usap Kay Aeron at umayos ng Upo.

Tumikhim si Anthony at nilagay ang Cellphone niya sa kanyang bulsa.

Tumigil na din sa kaka daldal si Aeron at bumaling sakin.

Tahimik lang kaming lahat, di pa din umaalis ang mga mata nilang tatlo sakin.

"So..." Basag ni Aeron sa katahimikan.

"Nakapag usap na kayo ni Trina" diretsong tanong ni Niko.

Nag kibit balikat lang ako at kinuha ang isang bote ng beer na naka patong sa ibabaw ng lamesa namin.n
Ayoko Munang pag usapan ang nangyari kanina. Sariwa pa kasi sa isipan ko kung paano ako mag paka tanga at mag maka awa sa harap nina Trina at nang boyfriend niya.

Inubos ko ang laman ng bote ng beer na hawak ko at inilapag ang walang laman na bote sa mesa.

"I think nakapag usap na sila" ani Anthony at Kumuha din ng beer at uminom.

"And base sa galaw ni Zion ay Hindi maganda ang naging resulta ng pag uusap nila" ani Niko habang umiiling.

Nakikinig lang ako sa usapan nilang tatlo. And obviously ako ang topic nila.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ito. Bumungad sakin ang wallpaper ng cellphone ko. Kaming dalawa ni Trina, nangyari ito last month sa isang field trip kung Saan lahat ng Grade 12 ay kasama.

Naka akbay ako sa kanya at naka ngiti kaming dalawa sa harap ng camera. Masaya pa kaming dalawa dito bago siya inagaw ng gagong Dylan na yun sakin.

Iniisip ko kung paano siya ngumiti... Kung paano ko siya pangitiin. Nakakalungkot isipin na ang mga ngiti niyang ganyan ay Hindi na ako ang dahilan. Nakakalungkot... Nakakapang hinayang... Ma m-miss ko kung paano siya ngumiti, tumawa, kiligin, at ma m-miss ko ang mga oras na mag kasama kaming dalawa... Masaya... At... Parang langit sa pakiramdam.

Luckily naranasan ko ang lahat ng masasayang bagay na kasama siya. And I'm so lucky dahil sa bawat oras at araw na lumilipas ay Hindi ako nag kulang ng pag mamahal sa kanya.

Nag kulang lang ako sa material na bagay, ngunit Hindi ako nag kulang sa pag mamahal sa kanya.

Yes I'm lucky enough to have her... Yet, she's unlucky to loose me... Unlucky enough dahil Hindi siya kayang mahalin ni Dylan the way I did to her...

I love you Trina...

And...

Thank you...

Nag-mahal, Nasaktan, RepeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon