Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm sa aking cellphone , naghuhudyat na oras na para ako ay bumangon. Nang tignan ko kung anong oras ilang oras nalamang at magsisimula na ang first subject namin. Kailangan ko pang maka attend sa flag ceremony, ayokong makatanggap ng parusa sapagkat first day of school pa naman.6:30 AM.
Nagmamadali akong bumangon at dumiritso na sa banyo upang makaligo na. Ilang oras rin ang tinagal ko sa cr. Dali dali ko ring isinuot ang aming required uniform, doon ko lang napagtanto na bagay pala talaga sa akin ang uniform na 'to. Above the knee ang skirt namin na may kulay na maroon plane maroon, habang ang polo naman namin ay color white at maroon collar, na mayroon ring maroon necktie. Samahan na rin ng knee socks at isang pares ng black na sapatos may maliit lang na inch ng heels.
Inaayos ko na ang aking sarili, naglagay lang ako ng polbo at liptint habang naka ponytail naman aking mahabang buhok. Bago ako bumaba , chineck ko muna kung ok na ba ang mga gamit ko para sa pasukan.
Nang matapos ko ng ma check ang aking mga gamit napagdesisyunan ko nang bumaba upang makapag almusal, ayoko kasing pumunta sa school na wala man lang kalaman laman ang aking sikmura. Sakto naman sa pagbaba ko ay nakapaghanda na si yaya ng aking makakain sa almusal, sigurado akong wala na sina mommy at daddy dito ngayon kasi maaga silang pumapasok.
'Good morning yaya' bati ko sa aking yaya.
'Magandang umaga rin zeil, maagang pumasok sina mommy at daddy mo, may iniwan silang pera para sa'yo' sabi ni yaya selya.
'Salamat yaya.' Sagot ko sakanya.
'Oh sya, kumain ka na at ng makapasok ka baka mahuli ka pa'sabi ni yaya.
Ilang taon na ring naninilbihan si yaya selya dito sa amin. Kinuha siya nina mommy at daddy noong 3 years old ako bilang maging personal yaya ko. Nang unti unti na akong lumaki, mas naging busy sina mommy at daddy sa business nila kaya si yaya selya ang nakakasama ko minsan.
Nang matapos na akong kumain dali dali akong nag toothbrush. Ng matapos na akong mag toothbrush saktong 7:10 na ng umaga, 7:15 pa naman ang flag ceremony sa aming paaralan, nakalagay kasi sa aming schedule ang oras ng flag ceremony at sa mga subjects namin. 7:30 ang first subject namin, kaya hindi na ako makaabot pa sa flag ceremony ilang minuto nalamng kasi at magsisimula na ang flag ceremony.
Walking distance lang naman ang school namin galing dito sa bahay,pero mas prefer ko ang sumakay nalamang ng tricycle. Ayoko kasing magpahatid sa aming driver since malapit lang naman. Saktong 7:16 ng makarating ako doon,unang tapak ko pa lang sa gate ng school kinakabahan na ako. Grade 12 na ako ngayon, bakit ba ako kakabahan? Siguro kasi hindi pa ako immune sa mga titig ng iilang studyante lalong lalo na ang mga new students dito. Keber.
Hinanap ko aking mga naging classmates noong nasa grade 11 pa lamang kami. Nakita ko agad si shema, ang aking bestfriend. Kaibigan ko si shema since elementary at hanggang ngayon. Kumaway ako kay shema sabay tawag sa pangalan niya. Mabuti naman at nakita niya agad ako.
'Oh, zeil mabuti naman at nakita kita at nakita mo ako. Alam mo bang haggard na haggard na talaga ako sa kakahanap sa mga ka batch natin noong isang taon. Hayst.' Pagrereklamo ni shema. Ang aga aga reklamo agad.
'Ako nga rin eh, hinahanap ko rin sila. Saka hindi parin talaga ako sanay sa mga titig ng ibang students dito eh. Ngayon lang ba talaga nila na realize na may maganda silang nakita dito sa ating paaralan? My ghad.' Sabi ko. Totoo rin naman kasi eh, hindi parin talaga ako sanay. Yung nga titig nila na mapanghusga juicekoo nagsisitayuan ang mga kuto sa buhok ko. Joke lang nemen, wala akong alagang maninisipsip ng dugo sa ulo ko. Agad namang kumunot ang noo ng aking napaka supportive na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Pinagtapo pero hindi Itinadhana (On-Going)
Teen FictionSalamat sa magagandang alaala aking Mahal.