Napagpasyahan ko na dito nalamang sa aming classroom hintayin sina shema at troy. May usapan kasi kami kanina bago ako umalis na dapat ay sabay kaming mag recess which is nakagawian na namin sa mga past years namin noon.Habang naghihintay ako, hinanap ko ang aking earphones sa bag at ng mahanap ko ito ay inensert ko ito sa earphone hole sa cellphone ko at nakinig ng music. Napagpsyahan ko rin na magbasa nalamang ng wattpad habang nakikinig ng music.
Habang ako ay nagbabasa ay may pumatak na isang maliit na butil ng tubig sa screen ng aking cellphone. Nakapagtataka lang sapagkat wala namang ulang, at wala rin tulo ang classroom na ito sapagkat ito ay bago. Doon ko lang na realize na kanina pa pala ako umiiyak?
Why? Sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil lang to sa binabasa ko na story sa wattpad which is ang 'HE'S INTO HER' kung saan nagpapadala ng voice call si baby deib kay maxpein, ito na yata ang masakit na part na nabasa ko eh. Kasabay ng aking pagbasa ay ang pag play ng music ni james arthur na 'Say You won't Let go'.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay, bigla bigla nalamang tumunog ang school bell. Tinignan ko ang aking relo kung anong oras na, 9:30 AM na pala. Kaya pala nag ring sapagkat ito ay naghuhudyat na Recess time na. Agad kong niligpit ang aking earphones sa bag, gayundin ang aking cellphone. Lalabas nalang ako upang sunduin sina troy at shema sa kabilang room.
Sakto namang sa paglabas ko ay nandoon na pala sina troy at shema sa pintuan ng aming room.
'Oh troy at shema, nandito na pala kayo. Akala ko pa naman ay magpapagod pa akong sunduin kayo para magkasabay sabay tayo ngayong first day of school recess.' Sabi ko habang may dalang tawa. Bigla naman akong napahinto sa pagtawa ng mapagtanto at makita ang mga ekspresyong mukha nina troy at shema.
Seryoso at nakakunot ang kanilang mga mukha na para bang nagtataka. Hindi kaya.... hindi kaya halata nilang umiiyak ako kanina? Pa'no na yan?
'Zeil, umiyak ka ba?' Tadaaaaaa! Halata nga, ang dapat ko nalamang gawin ay sagutin ang tanong ni shema in a philosopy way este philosopo style.
'Sa pagkakaalala ko shema ay umiiyak ako noon. Sino ba naman ang taong hindi naranasan ang umiyak diba?' Sagot ko sa kanya. Biglang tumaas ang left eyebrows niya hahaha.
'Zeil, i'm not joking here.' Seryosong sabi ni shema. 'What i am trying to say is that, umiyak ka ba kanina habang wala kami? That is my point here.' Sorry na po.! I'm trying to be a joker here shema. Shemssss! Hahahaha
'H-ha ? Eh hindi nuh! Bakit naman ako iiyak? Tanga lang ang peg ko kung ganoon'. Sabi ko sa kanya.
'By, be honest. Umiyak ka ba?' Aweee nagsalita na ang prinsepe ko. Ouh na po.
'Hmmm. Ouh, pero kanina lang yun nuh'. Sabi ko sa kanila habang may halong pagaalinlangan sa aking ngiti.
'At ano naman ang rason ng pag iyak mo?' Tanong ni shema.
'Nagbabasa kasi ako kanina ng wa....' hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sapagkat tinapos ito ni shema.
'Wattpad, at naiyak ako sa part kung saan may sad moments. Eh kasi naman eh nakakaiyak yun.' Biglang huminto si shema. 'Memorize na memorize ko na ang sasabihin mo. Magiging dahilan mo na naman ang wattpad.' Sabi ni shema.
'Yieeeeksss memorize mo na talaga ang sasabihin ko shema? Wow!' Sabi ko na kunwari ay manghang mangha ako. Hahaha gaga talaga si ako eh. 'O sya, tatayo lang ba tayo dito? O hihintayin na mamaya nalamang tayo mag rerecess pag nag ring na ang bell for 3rd subject?'. Sabi ko sa kanila.
'Tara na.' Sabi ni troy.
Dumiritso kami sa likod ng school library kung saan may nagtitinda ng iba't ibang pagkain. Kumbaga dirty canteen ang tawag dito. Malayo na kasi kung sa school canteen talaga kami bibili. Hayssstt.
Naghiwa hiwalay kaming tatlo upang makahanap ng aming bibilhin. Napagpasyahan kong bumili ng 2 toron at isang bote ng sparkle. Habang si troy naman ay bumili ng 5 lumpia at isang bote ng sparkle, si shema naman ay bumili ng isang stick ng bananaque ,isang mani at isang bote ng tubig.
Nang mabili na naman ang mga gusto naming kainin ay agad kaming bumalik sa room namin at doon kinain ang aming snacks. Nagtatawanan lamang kami habang kumakain. Ilang minuto ang nagdaan at biglang tumunog ang bell ,hudyat na tapos na ang recess at 3rd subject na.
Nagpaalam na sina troy at shema sa akin at agad naman akong tumango bilang pagsagot ko ng 'ok'.
Ng makaalis na sina shema at troy ay agad akong nakaramdam ng lungkot. Lungkot na para bang gusto kong umiyak pero ito ay pinipigilan ko.
Lumapit ako kay kuya Ron. Naging classmate namin siya noong grade 11 palamang kami at ngayon ay nabelong siya sa section kung saan kami nabelong ni cirb.
'Hi kuya!' Masiglang bati ko sa kanya.
'Oh! Zeil, hello' sagot ni kuya habang nakingiti.
'Kamusta ka na? Long time no see' sabi ko kay kuya ron. Madaling maging kaibigan si kuya. Kuya ang tawag namin sa kanya sapagkat malapit na siyang mag 19 habang 17 palamang kami.
'Ok lang naman. Kayo?' Tanong ni kuya.
'Ok lang din naman.' Sagot ko sa kanya.
Nagtagal ang usapan namin ni kuya ron hanggang sa mapunta ang usapan namin kay shema. May gusto kasi si kuya ron kay shema noon pa noong grade 11 kami. Nagtagal ang uspan namin hanggang sa mag ring ang bell.
11:30 na pala, which means uwian na. Nagpaalaam ako kay kuya para puntahan sina shema at troy sabay kaming uuwi ngayon. Sakto namang sa paglabas ko ay siyang pagpunta nina troy sa room namin.
'Ano? Uwi na tayo?' Tanong ni shema.
'Tara.' Sagot ko.
'Tara na'. Sagot naman ni troy.
Habang naglalakad kami sa hallway papuntang gate ay may napansin ako , ang dami agad nagbago sa paaralan na to ah. At madami na rin ang mga students kumpara noon.
Nang marating namin ang gate ay nagpaalam na ako kay troy sapagkat sabay lang kami ni shema.
'Bye by. E chat mo nalang ako pag nakauwi kana.' Sabi ko kanya.
'Ok by. E chat mo rin ako pagnakauwi ka na' sabi ni troy at umalis.
Bigla namang pumara si shema ng tricycle at afad sinabi ang destinasyon ng kanya kanyang bahay namin ni shema.
Unang naihatid si shema at ang last ay ako. Nang makarating na kami sa tapat ng gate ng aming bahay ay agad akong nagbayad ng aming pamasahe ni shema. Ouh ako ang nagbayad sa aming dalawa.
Nang makarating na ako sa loob ng bahay ay nakahanda na ang aking tanghalian. Agad akong nag chat kay troy.
Agad kong inopen ang messenger at klinick ang chat box namin ni troy.
Me: baby nasa bahay na ako. Kain muna ako, kumain ka na rin. :)
Seen...
Troy is typing....
Troy: ok baby.
Nang matapos kong e chat si troy ay agad akong dumirito sa hapagkainan at agad akong kumain.
Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpaalam kay yaya na matutulog muna ako sa kwarto. Gusto kong magpahinga.
Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong humiga. Hindi na ako nag abalang magbihis at agad agag ay natulog ako.
Gusto kong magpahinga. Nakakapagod ang araw na to eh.
BINABASA MO ANG
Pinagtapo pero hindi Itinadhana (On-Going)
Teen FictionSalamat sa magagandang alaala aking Mahal.