Nagising ako ng maaga , 5:19 am pa pala. Ang aga nga. Haisst.dBakit nga ba ako nagising ng ganitong oras? Simple lang naman, nagising ako sa isang panaginip na kailanman ay natatakot akong mangyari sa realidad. Napansin ko ring ilang beses na akong nagkakaroon ng panaginip at ang worst pa ay parang nag cocontinue ang mga pangyayari. May guts ako na parang magkakatotoo ang lahat na ito.
Inumpisahan ko nang tumayo upang magtungo sa banyo. Habang naglalakad ako patungo sa banyo ay may nakita akong kalat ng maliliit na beeds ng isang bracelet sa sahig ng aking kwarto. Yumuko ako at kinuha ang isa sa ito at nang matignan ko ito ng mabuti ay saka ko lang napagtanto na ito ay ang parte sa bracelet na bigay sa akin ni troy noong nag 2 years kami as a couple. Nakapagtataka lang at bigla itong nasira ni hindi ko man lang ito ginalaw o kahit sinuot man lang. Sa pagkakaalam ko ay minsan ko lang ito ginamit.
Hindi na ako nag dalawang isip at agad kong pinulot ang ibang parte. At minadali itong nilagay sa isang empty jar na nasa side table ko. Pagkatapos ko itong ligpitin ay agad akong pumunta sa banyo at sinimulan ang pagligo.
Ilang minuto rin ang tinagal ko sa banyo. Agad naman akong lumabas rito upang makapagbihis na ng uniporme namin. Nang matapos na akong magbihis ay agad ko ng inayos ang aking sarili. At nagtango na sa kusina upang mag almusal.
'Good morning , yaya' saad ko sa kay yaya selya na halatang naghahanda pa ng aking makakain.
'Magandang umaga rin ija, ang aga yata ng gising mo?' Tanong ni yaya sa akin.
'Gusto ko lang pong pumasok ng maaga yaya, na late po kasi ako kahapon.' Pagsisinungaling ko kay yaya.
Actually hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko sa school ng ganito ka aga. 6:09 palang eh. Pero ok na rin yun. Mas better na nga eh kung maaga ako roon.
'Kumain ka na ija , wag mong kalimutan uminom ng gamot mo baka ako pa ang malintikan kina ma'am at sir.' Sabi ni yaya.
'Ok po yaya. ' sagot ko.
Hindi ko binilisan ang pagkain sapagkat maaga pa naman. Mas mabuti na rin ang dahan kesa sa magmadali.
6:24 AM.
Nang matapos kong kumain ay agad akong nag tungo sa banyo na malapit dito sa kusina upang makapagtoothbrush. Agad naman ay natapos ako.
Nang matapos akong mag toothbrush ay agad ko nanfg kinuha ang aking mga gamit at nagpaalam kay yaya.
'Yaya pasok na po ako' sabi ko.
'Hindi ka ba magpapahatid sa driver niyo? ' tanong ni yaya sa akin.
'Hindi na po ya. ' sabi ko.
'Ganun ba,o sya mag iingat ka sa pagpasok ija.' Sabi naman ni yaya.
Tumango nalamng ako at pinagpatuloy ang paglakad patungo sa gate namin. Napili kong maglakad kesa sumakay, maaga pa rin naman.
Saktong 7:08 ako nakarating sa school namin. Kitang kita ko na rin na maraming studyante ang naghahanda para sa flag ceremony. Hindi na ako dumiritso sa aming room sapagkat nakita ko rin ang iba kong classmates na nasa line na para sa paghahanda.
Saktong 7:15 nagsimuka ang falg ceremony at natapos ito ng 7:28. Dumiritso agad ako sa room namin, upang makaupo agad.
Nang makarating ako sa room ay nadatnan ko agad si kuya ron na naglalaro ng cellphone niya.
'Kuya' pagtatawag ko, pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
'Kuya, wuie' ikalawang pagtawag ko sa kanya,
'Hoy!' Sa ikatlong pagtawag ko sa kanya ay saka rin siya tumingin sa akin na para bang nabigla sa presensya ko.
'Oh zeil! Ikaw pala, kanina ka pa ba diyan?' Tanong niya. Omaygadd.
'Wow ha! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo kuya tapos sasabihin mo yan sakin? Unbelievebable.' Hindi makapamiwalang sabi ko.
'Sorry. Naka focus kasi ako sa ka chat ko na taga ibang lugar.' Sabi ni kuya, magsasalita pa sana ako ng may biglang pumasok. Isang lalaki na may katangkaran ang height, medyo nasa 20's na ata siya, maputi at masasabi ko na maliit ang pangagatawan niya.
'Good morning everyone.' Sabi nung lalaki.
'Good morning ' yan lang ang nasagot namin sa kanya sapagkat hindi namin alam kong ano ba siya sapagakt naka civilian attire lamang siya.
'I am, Sir Tonio Calabiris, and i will be your adviser.' Ohh siya pala, parang hindi ko gusto to.
Teka. We have a new adviser? Bakit hindi kami na inform!
BINABASA MO ANG
Pinagtapo pero hindi Itinadhana (On-Going)
Teen FictionSalamat sa magagandang alaala aking Mahal.