The Hopeless Romantic

12 0 0
                                    

Isang simpleng babae lamang si Andrea - hindi kagandahan pero hindi rin kapangitan.  Kahit na ganoon ang kanyang hitsura, nangangarap siya sa isang lalaking lubos na magmamahal sa kanya.

"Andrea!" tawag sa kanya ni Joshua. Napangiti siya sa boses nito. Grade 12 pa lang kasi siya pero crush na crush na niya ang lalaki - matangkad, gwapo, matipuno ang katawan, matalino, masipag - tila nasa kanya na ang lahat. 

"Uy! Kumusta na?" tanong nito.  

"Pwede favor?"

"Ano iyon?"

"Papatulong kasi sana ako..." may pabitin-effect pa ang pagkakasabi ni Joshua.

"Saan? Projects ba iyan? Assignments? Ano?" tanong niya sa lalaki. Hindi man siya kagandahan pero masasabi mo na isa siya sa pinakamatalino sa buong batch nila sa kanilang eskwelahan.

"Hindi... gusto ko kasing manligaw," sabi ng lalaki na tila nahihiya pa. Bumilis ang tibok ng puso niya. Napangiti siya ng wala sa oras. Naramdaman niyang umiinit ang mukha niya at alam niyang namumula ang mukha niya.

"H-ha?"

"Tulungan mo naman akong manligaw kay Michaella," diretsuhang sabinito. 

"A-ano? K-kay Mikay?" Tila biglang bumagsak ang ulap na kinalalagyan. Parang may biglang kulog siyang narinig at umulan sa kaloob-looban niya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Na-disappoint siya, akala niya may mangyayari na rin sa lovelife niya - wala pa rin pala.

Si Michaella ang kaibigan niyang ubod ng ganda. Siya ang laging ipinanlalaban sa bawat pageant na inilalahok sa kanilang paaralan. Mabait ito at sikat na sikat sa kanilang paaralan, marami rin itong kakilala at kaibigan, pero kahit na sikat ito; si Michaella ang itinuturing niyang bestfriend niya dahil ito lamang ang naging kaibigan niya na nakakausap niyang tunay.

"P-pag-iisipan ko muna, Joshua, ha? Kailangan ko na kasing magfocus sa s-studies ko, feeling ko kasi m-mahirap yung exam," sabi niya dito at nagmamadaling umalis dahil alam niyang kapag hindi pa siya umalis ay makikita nito ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. Alam niyang na-disappoint niya si Joshua dahil sa ginawa niya.

Dumiretso siya sa comfort room ng kanilang building. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin at hindi na napigilan ang luhang tumulo sa kanyang mata. "Ang sakit pala ng rejection, grabe," isip niya.

Nang mahimasmasan na ay naghilamos siya ng kanyang mukha. "Okay lang yan, Andrea, mag-aral ka na lang," pagmomotivate niya sa kanyang sarili.

Habang naglalakad siya sa hallway ay nakasalubong niya si Michaella. Tinawag niya ito dahil parang hindi naman siya napansin ng kaibigan.

"A-ano. Sabay tayong maglunch mamaya, pwede?" tanong niya rito. 

"Ay, Andrea, may kasama na kasi akong mamayang lunch e, some other time na lang, okay?" sagot nito

Wala na siyang ibang nagawa kundi pumayag. Wala naman siyang magagawa tungkol dito. Mukhang kailangan nanaman niyang kumain mag-isa.

Dumaan ang oras at hindi na niya muna pinansin ang rejections na natanggap niya sa araw na iyon. Kumbaga, regular occurence na iyon kaya hindi na siya nagulat.

Hindi siya tinantanan ni Joshua ng mga sumunod na araw. At sa bawat na pagtanggi niya sa pagtulong dito ay nasasaktan siyang makita ang disappointed na mukha nito. Hindi na niya alam kung ano ang desisyon na dapat gawin - kung sino ba ang dapat uunahin; sarili niya o si Joshua? Kung pangsariling kaligayahan ang iisipin niya at hindi tutulungan si Joshua ay tiyak na masasaktan ito at malulungkot. Pero kung si Joshua naman ang iisipin niya at tutulungan ito; paano naman ang kaligayahan niya? Alam niyang sobrang sobrang kapighatian ang mararanasan niya kapag nakita niyang magkasama ang dalawa - ang lalaking gusto niya at ang kanyang itinuturing na bestfriend.

Hopeless Romantic ✓Where stories live. Discover now