Chapter 2: Si Mr.Walang Modo

100 9 8
                                    

"Sino yung kausap mo Drea?" tanong ni kuya Clarence sa akin habang nakatayo sa door at nagngunguya ng gum.

"Oo nga, boyfriend mo? " sabi naman ni kuya Matthias

"boyfriend? imposible. amazona yan eh.." sabi naman ni kuya Clarence habang tumatawa at nag apir sila ni kuya Matthias.

hay nako! the pain of being the only girl. -_-

"kuya naman oh!" sabi ko tapos nag pout ako at nag kunot noo.

"biro lang naman." sabi ni kuya Matthias na halatang pinipigilan ang tawa.

"oo nga! kahit kailan, pikon ka talaga." sabi ni kuya Clarence tapos ginulo yung buhok ko.

"eh kuya! tulungan niyo naman ako oh." sabi ko tapos kumain na kami ng lunch at kwinento ko ang lahat ng nangyari. pero dahil mababait sila, tinawanan nila ako ng todo-todo.

"oh ano? sasamahan niyo ako mamaya o hindi? ." sabi ko na medyo naiirita na rin ang tono ng boses ko

" oh sige! sasamahan ka nalang namin pero-............ anong susuotin mo mamaya?" sabi ni kuya Matthias at nag isip-isip rin ako.

" at marunong ka bang mag make-up?" sabi naman ni kuya Clarence habang nakataas yung isang kilay niya.

"kuuuyyyyyyaaaa!!!!! paano na ito? anong gagawin ko? baka mapahiya lang ako dun. hotel yun ng mga mayayaman diba? ." yun nalang ang sinabi ko.

"Si kuya Matthias na lang ang sasama sayo kasi may night shift pa ako pero tatawagin ko na lang si Shelavie para tulungan ka niya sa pag ayos mo." sabi ni kuya Clarence na pinagmamalaki talaga ang girlfriend niya tapos nag dial siya sa cellphone niya at papupuntahin niya dito si ate Shelavie.

"oh sige! ako na lang ang sasama sayo mamaya pero for the mean time, mag palamig ka kaya muna ng ulo."  sabi ni kuya Matthias at nag tayo na para hugasan ang mga pinggan.

kaya nanood na lang ako ng mga DVD na binili ko at nagbabakasakaling lumamig ang ulo ko habang hinihintay ko si ate Shelavie. naka dalawang movie din ako hanggang sa dumating rin si ate Shelavie. 

"uy, Drea! kamusta na?" sabi ni ate Shelavie na tuwang tuwa na makita ako.

"hay nako ate Shelavie." sabi ko tapos kwinento ko yung mga nangyari.

"hay nako! wag kang mag alala! akong bahala sayo and Im sure na magsisisi siya na ganoon ang first impression niya sayo." sabi niya matapos kong ikwento ang lahat tapos umakyat na kami sa taas dahil ipapa fit niya daw ang mga damit na dala niya para sa akin.

sampung damit rin ang dinala ni ate lav sa akin.

yung lav, short for "sheLAVie".

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon