"JOM!" - sabay katok sa pinto ng CR ng boys.
"Oo na. Lalabas na ko! Alis ka muna. Hahahaha." - si Jom na nang-aasar parin.
Mangiyak-ngiyak na ko dito sa kahahabol sa kanya tapos hindi niya parin maibigay saken. Aanhin niya naman yung picture ko na yun? Eh ang panget ko nga dun eh! Oh! ;(((
Ilang minuto na kong naghihintay dito kay Jom. Sabi niya kanina pa na lalabas na siya, hanggang ngayon hindi parin lumalabas. Amputek! ;(((
"WAAAAAAAAAH!" -si Jom sabay takbo sa classroom nila Ejay.
"JOOOOOOOOOOOOOOM! AMIN NA KASE! IIYAK NAKO DITO OH! JOM NAMAN EH! NAKAKAHIYA.;((" -Ako
Alam niyo yung feeling na, naaasar kana talaga yung galit na galit kana tas sa sobrang inis parang gusto mo nalang umiyak. Yun yung nararamdaman ko ngayon eh! Nakakahiya kase talaga eh. >.<
Sa sobrang inis ko, hindi ko na hinabol si Jom at bumalik nalang sa classroom at yumuko sa armchair ko.
Maya-maya may kumalabit saken...
"Oy! Wag ka nang magalit. Naibigay ko na dun kay Ejay mo yung picture mo." -Jom
PUTANG INA NAMAN OH! >.< Hiyang hiya na ko sa sarili ko. Sa mga classmates ni Ejay tsaka syempre kay Ejay mismo. Baka ano naman sabihin nun saken. Baka akalain nya na gustong-gusto ko siya. Kahit naman kase gusto ko sya, hindi niya naman dapat malaman. Idol lang naman eh. Ano masama dun?
"Yung totoo kase Jom. Wag ka magbiro ng ganyan. Balik mo na saken." - nagmamakaawa kong sabi kay Jom ;(
"Dun na nga sabi. Kahit puntahan mo pa dun."-sabi ni Jom na nang-aasar pa din kahit alam niya naiiyak nako sa sobrang hiya.
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Jom yun, tumakbo ako agad sa room nila Ejay. 3rd year na kase sya.
Sa harap ng 3rd year room,
"Sino to pre? Makikipagfriend daw oh!"- kaklase ni Ejay sabay turo sa likod nung picture ko.
"Ewan ko nga. Hindi ko kilala yan. Baka 1st year. Amin na nga!" - Ejay sabay kuha sa picture ko, nilukot at tinapon sa basurahan. </3
Parang bigla kong naramdaman na nahulog sa aking ang langit pati na din lupa sa nakita ko! Alam mo yun? ;"((( Yung feeling na wala akong nagawa para hindi niya matuloy yung ginawa nyang paglukot sa litrato ko. </3
Nasasaktan ako! Alam kong hindi niya alam na ako ang may ari nung picture na yon. Kaso ang sakit sakit sakit sakit sakit talaga. Feeling ko parang nakipagbreak lang saken ang first love ko sa ginawa niya. :((((((
Agad kong pinuntahan ang basurahan at hinanap ang picture ko. At nabasa ko nga ang nakasulat sa likod nito : "Can we be friends? Eto # ko 09*********"
Sa pagkakaalam ko walang nakasulat dito. At ang alam ko ring gumawa nito, walang iba kundi si Jom. :(((((
Masakit! Yan lang ang masasabi ko ngayon. Ang tamlay tamlay ko. First day na first day ng high school life ko, ganito agad? Lord! Whyyyyy? Deserve ko ba talaga to? Hindi ko man alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Ejay pero ang alam ko, napahiya na ako sa kanya. Sobrang napahiya. Hindi ko naman ginusto yun ah?
--------------------------------------------------
Ouch! :'((
@shigelladysentery
BINABASA MO ANG
Give Me A Chance (On-Going)
Novela JuvenilA story about young love and a girl who's willing to take all the risks and accept all the criticisms from those people who doesn't understand her and the way she feels about a guy who's not willing to give her a chance to explain her side. . This...