A E N A ' s :
Hanggang ngayon hindi ko parin talaga maisip kung sino yung babaeng tumawag sakin kanina. Nandito ako ngayon sa kwarto, hinihintay ko si Czai. Hindi ko pa nasasabi sakanya kasi hindi ko pa sya nakakausap. Pag pasok ko kasi dito, wala sya. San kaya yun pumunta? Hindi kaya hinanap nya ko? Aish. Baka galit yun sakin kasi na-walk out ako kanina. Tsk. Asan na kaya sya? Gabi na ah.
Bumaba ako saka tumambay sa salas. Dito ko nalang sya hihintayin..
Wala pang ilang minuto ay dumating na si Czai. Halos madurog ako sa pagkakayakap nya sakin.
"B-baby t-teka anong problema? Saka san kaba galing?" Sabi ko habang hirap na magsalita sa higpit ng pagkakayakap nya sakin. Bumitaw sya at tinignan ako, "Baby kala ko umalis kana. Kala ko iniwan mo na ko. San kaba nagpunta ha? Nagalala ako sayo eh. Hinanap kita sa labas hindi kita makita. Baby sorry. Sorry kung nasigawan kita. Baby sorry." Sabi nya nang medyo maluha luha pa ang mata nya. I touched his cheeks. "Baby, hindi ako aalis okay? Naiinis lang ako sa sarili ko kasi hindi kita matulungan. Kasi feeling ko pabigat lang ako sayo. Baby sorry din. Sorry kung pinagalala kita. Hindi kita iiwan. Never. Kay? Tama na baby. I love you." I said then I kissed him. "I love you more baby, I really do." He said between our kisses.
Pagkatapos naming kumaen, pumunta na kami sa taas para magpahinga. Tutal gabi narin naman. Hanggang ngayon binabagabag parin ako ng tumawag sakin. Gusto kong sabihin kay Czai, pero ayokong mag-alala kaming dalawa at masira yung bakasyon namin. Gusto kong mag-enjoy kami parehas.
Pag pasok namin sa kwarto, "Baby may problema ba? Tulala ka kanina pa." Napabalikwas naman ako sa sinabi nya.
"H-huh? Wala baby, pagod lang siguro. Tulog na tayo?" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya at inaya akong humiga na. Humiga ako sa tabi nya at hinalikan nya ang noo ko.
"Sleep well baby, goodnight. I love you." Pinikit ko ang mga mata ko.
"Goodnight din. I love you too baby."
**
UNKNOWN POV :
"Nasa Batangas po sila. May kasama po syang lalaki. Base sa pagi-imbistiga ko, Czai daw po ang pangalan nung lalaki." Sabi nung isang lalaki sa kanyang tinatawag na "Amo"
Ngumisi ang amo nya. "Ganun ba? Bukas puntahan mo sila. Magsama ka ng pwedeng tumulong sayo. Gusto kong takutin nyo silang dalawa. Kayo nang bahala kung ano ang gagawin nyo sakanila. Basta ang tatandaan nyo, wag nyo silang sasaktan. Ako na ang bahalang gumawa non sakanila. Galingan nyo ang trabaho nyo. Ito ang paunang bayad ko sayo. Makakaalis kana." Sabay abot nya ng sobre sa lalaki.
"Opo. Alis na ako." Sabi nung lalaki saka sya umalis.
Pumunta sya sa isang kwarto, kung saan naroroon ang isa nyang bihag.
"Wag mo silang sasaktan!!! Pakawalan mo ko dito!!!" Sigaw nung bihag nya na nakagapos pa sa upuan.
Napatawa naman sya. At lumapit sakanyang bihag at hinawakan ang mukha nito. "Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ko nababawi ang lahat ng dapat ay akin. Babawiin ko lahat, tandaan mo yan. Babawiin ko lahat!!"
Sigaw nya atsaka lumakad palabas, pero bago pa sya makalabas, sumigaw ang bihag nya, "Hindi ka magtatagumpay! Wala kang kwenta! Duwag ka! Hindi mo sila kayang harapin!"
Lumapit sya sa bihag nya at sa pagkakataong ito, pinatikim nya ito ng isang malutong na sampal. "Parehas lang tayo, kaya kapag nalaman nila ang tungkol dito, kasama ka sa makukulong at sisiguraduhin kong gagawin kong misirable ang buhay nilang dalawa, hindi sila magiging masaya!!! HINDING HINDI!!!" atsaka nya iniwan ang bihag nya..
--
NOTE : Sa mga nagtataka po kung bakit mabilis masyado ang mga pangyayare, sa totoo lang, tamad po kasi talaga ako magsulat ng mahahabang story. So, hindi ko po patatagalin tong story kasi baka tamarin akong mag-UD. Pero maganda po tong story promise. Salamat po sa pagbabasa ❤️
Babawi ako guyth 😊 Matagal akong hindi nakapag-UD kaya babawi ako pramith 😊 Walang bibitiw! Mas titindi pa ang mga eksena!
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW!!! ❤️
Feel free to message me @Missyara1997 on wattpad 💋
-MissyaraXoXo 👄
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Roommate [ON-HOLD]
RomanceNaranasan mo nabang ma-inlove? Malamang ang sagot mo ay Oo. Halos lahat naman siguro tayo ay naranasan nang mainlove. Pero iba iba ang simula at katapusan ng mga lovestory ng tao.May mga happy ending, may mga sad endings din. Ikaw? Paano nagsimula a...