Two days ng hindi nakikita ni Addison si Lucifer, ewan ba nya pero pakiramdam nya nalulungkot sya sa hindi pagpaparamdam sa kanya ng binata. Oo magkatabi lang sila ng room sa paaralan nila pero hindi parin nya ito nakikita nag aalala tuloy sya kung may sakit ba ito or may emergency lang sa bahay nila. Hindi sya sanay na walang kumukulit sa kanya araw araw na sanay na sya sa presensya ng binata.
“nakakainis talaga sya! Hindi man lang magpasabi na mawawala sya ng dalawang araw!”
Para na syang baliw sa loob ng kwarto nya. Sinusuntok nya ang unan nya dala ng frustration nag pagulong gulong na din sya sa kama nya para mawala sa isipan nya ang binata but still minuminuto nya itong naiisip. Naalala nya tuloy kung paano sila nagkakilala
Pauwi na sya ng hapon nayun at kapag minamalas ka nga naman nakalimutan nyang dalhin ang payong nya wala tuloy syang choice kundi hintayin na huminto ang ulan. Hindi naman sya makahanap ng tricycle dahil paunahan ang mga studyante sa pagsakay.
“naman ehh bat ngayon pa umulan!” pagmamaktol nya at pumadyak pa na parang batang naagawan ng tsokolate.
“miss okay ka lang?” Napalingon sya sa nagsalita at laking gulat na lang nya ng makita si Lucifer sa tabi nya ang kapitbahay nya.
Hindi naman nya alam ang isasagot nya bukod sa maypagkamahiyain sya ,isa pang dahilan ay ang lihim nyang pagtingin sa lalaking ito. Bigla na lang bumilos ang tibok ng puso nya ng punasan nya ang mukha nitong medyo nabasa gamit any panyo nya.
“wala kang payong noh?” Nakangiti nitong tanong sabay bulsa ng panyo nya
Umiling lang sya at yumuko. Namula naman sya sa tinuran ng binata. Kahit kalian talaga napakagentleman nya.
“sabay na tayo”
“ha? Hi-hindi na” Nauutal at umiiling nyang sagot
Bahagya namang lumungkot ang lalaki sa sagot nya. Hindi nya alam pero bakit parang ang kyut nya kapag naka pout ito.
“ito namang si Agatha oh minsan na nga lang mayaya tatanggihan pa”
Hindi nya tuloy alam kung matatawa sya oh makikilig sa inakto nito, Paano nya nalaman ang pangalan ko?
“kilala mo ako?” Gulat nyang tanong at itinuro pa nya ang sarili nya
“oo naman kapitbahay kita bakit naman hindi? Kaya tara na uwi na tayo baka lumakas pa ang ulan”
Wala na syang nagawa ng hawakan sya nito sa braso at inakbayan pa sya habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa payong. Kinikilig sya sa inakto ni Lucifer hindi nya lang pinahalata dahil baka malaman pa nitong may gusto sya sa kanya.Malabo naman kasing magkagusto ang binata sa kanya bukod sa nakapagwapo na lapitin pa ng mga babae asa pa syang magkakagusto ito sa kanya.
*
Malungkot syang pumasok ngayong umaga paano kasi wala ang bestfriend nya may sakit daw ito kaya ayun absent. Wala naman syang ibang kasama sa paaralan nila bukod sa kaibigan nya kaya naman talagang malungkot sya dahil wala syang kasabay na umuwi pati narin kumain sa tanghalian. Ang isa pang ikinalulungkot nya ay ang hindi muling pagpasok ni Lucifer tatlong araw na itong hindi nagpapakita sa kanya.
Malapit na sya sa room nila ng makarinig sya ng usapan sa classroom nila Lucifer. Hindi naman sya tsismosa pero ewan ba nya gusto nyang mapakinggan ang mga sinasabi nila.
“alam mo bang may kasamang babae si Lucifer kanina”
“ayy oo nga noh nakita ko yun nakasabay ko pa nga sila sa gate kanina ehh”
“sino kaya yun? Baka girlfriend nya?”
Hindi na nya kinaya ang mga narinig nya kaya naman patakbo syang pumasok sa room nila at ipinatong nya ang ulo nya sa mesa. Kaya pala hindi ito pumapasok dahil busy na ito sa ibang babae! Alam nya wala syang karapatang magalit dahil wala naman silang relasyon, pero para saan pa ang sinasabi nitong may gusto ito sa kanya. Nasaktan sya sa narinig nya! Pakiramdam nya linoloko lang sya ni Lucifer.
***
Lunch break na nila kaya naman mabilis syang pumunta sa canteen dahil talaga namang gutom na sya, Hindi pa kasi sya kumain ng agahan dahil late na syang nagising kaya sigurado syang mapapadami ang kain nya ngayon.
Pagkapasok pa lang nya ay si Lucifer na kaagad ang nakita nya, kasama nito ang babaeng sinasabi nila kanina. Kung kanina nasaktan sya sa narinig nya ngayon naman gusto nyang umiyak! Mas masakit pala kapag nakita ng dalawa mong mata na may kasamang ibang babae ang taong mahal mo!
Aalis na sana sya ngunit huli na dahil nakita na sya ng binata.
“Agatha!” sigaw nito at nakangiti pa ng sobrang lapad
Hindi nya alam kung anong isasagot nya gusto nyang tumakbo para iwasan ang binata pero hindi nya alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa nya. Aaminin nya na miss nya ito pero mas maganda siguro kung habang buhay na lang nyang hindi ito makita kaysa sa makita nya itong may kasamang iba. Ang sakit sakit na ng dibdib nya.
Bumalik sya sa realidad ng may aksidenteng nakatapon ng juice sa damit nya. Hindi nya alam ang gagawin kung tatakbo ba sya oh pupunasan ang damit nyang nabasa.
“Agatha okay ka lang?” hinawakan sya ni Lucifer sa magkabilang balikat nya. Kaagad naman nyang tinaboy ang kamay nito at patakbong lumabas ng canteen. Pinunasan nya ang luha nyang tumulo at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo
“Agatha sandali lang!”
Hindi nya ito pinakinggan at ipinagpatuloy lang ang pagtakbo. Naiinis sya dito! Matapos nyang hindi magpakita ng dalawang araw may gana pa syang ngitian sya. Nakakainis ka Lucifer!
BINABASA MO ANG
FVCK BABE! IM DEAD SERIOUS! (COMPLETED)
Romancelove is unexplainable---that whatever happens you will do everything just to be with your love.