Last Chapter

2.9K 48 0
                                    

Two days. Dalawang araw bago lumipat sila Addison sa probinsya. Hanggang ngayon hindi parin nya nasasabi kay Lucifer na lilipat na sya ng papasukan, sigurado syang magagalit ang kanyang nobyo. Sino nga ba ang hindi magagalit kung iiwan mo ang iyong nobyo at pupunta ka sa malayong lugar? Wala syang lakas ng loob para sabihin ang bagay nayun. Nakaimpake na sila at bukas ng hating gabi ang alis nila.

“Agatha may problema ba?” nabalik sya sa katinuan ng hawakan ni Lucifer ang kanyang kaliwang pisngi. Narito sila ngayon sa bakanteng lote malapit sa subdivision nila, gusto nyang sulitin ang dalawang araw na makasama ang kanyang nobyo. Umiling iling lang sya bilang sagot at isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito. Inilagay naman ng binata ang kanyang kamay sa bewang nito at hinalikan ang kanyang ulo.

“Agatha kung may problema ka sabihin mo lang okay? Boyfriend mo ako kaya huwag kang mahihiyang mag open sa akin ng problema, naiintindihan mo ba?” paano nya sasabihin ang problema nya kung sya mismo ang problema nya? Paano nya hihiwalayan si Lucifer kung hindi nya kaya?

“Okay lang ako Lucifer huwag kang mag alala, uwi na tayo mag gagabi na rin” kaninang alas kwatro pa sila dito at mag aalas sais narin. Pag uwi pa lang nila galing sa skwelahan nila ay yinaya na nya si Lucifer na dumiretso dito. Ang plano nya sana ay ngayon nya sasabihin na luluwas sila ng probinsya bukas pero hindi nya ito masabi sabi. Ayaw nyang hiwalayan si Lucifer at ayaw nyang makitang nasasaktan ito.

Kaagad syang humiga sa kama nya pagkapasok nya sa kwarto nya. Umiyak sya at yinakap ang unan nya. Bakit ba ang hirap ng ganito? Ito na nga ba ang sinasabi nya kaya ayaw nyang magkanobyo, alam nyang dadaan at dadaan sila sa ganitong sitwasyon. Kung hindi nya sana sinagot si Lucifer noon edi sana hindi sya nahihirapan ngayon. Iniisip pa lang nya na hindi na nya makikita si Lucifer ay parang nabibiyak na ang puso nya. Patawarin mo ako Lucifer.

***

Kanina pa paikot ikot si Lucifer sa buong paaralan nila pero hindi nya makita si Addison. “Asan na ba si Agatha, hindi ko naman sya matawagan  at hindi naman ako sa bahay natulog” huminga sya ng malalim at sandaling umupo sa bakanteng upuan malapit sa puno. “Kung hindi sana ako natulog sa bahay nila Taehyung edi sana kasabay ko syang pumasok ngayon”

Yung kaibigan nya kasi nag pumilit na samahan sya sa bahay nila na matulog dahil wala syang kasama, hindi narin sya umuwi sa bahay nila kaninang umaga dahil dinala na nya yung school uniform nya at mga gamit sa paaralan nila. Nag tanong sya sa mga kaklase nito pero sabi nila absent daw si Addison.

Nagsimula na syang kabahan ng hindi parin pumasok ang kanyang nobya nung bandang hapon. Hindi parin nya ito makontak hanggang ngayon. Napapaisip tuloy sya kung may nililihim ba sa kanya si Addison oh kaya ay may problema ito. Nung magkasama sila kahapon pakiramdam nya yun na ang huling araw na magkasama sila. Ang lungkot din ng nobya nya kaya talaga namang nag effort sya kahapon para lang mapangiti ito.

Nagulat sya ng biglang tumunog ang cellphone nya. Kaagad nyang kinuha ito mula sa bulsa nya at ngumiti ng sobrang lapad ng makita ang pangalan ng taong kanina pa nya hinahanap sa screen nito.

Lucifer, magkita tayo sa bakanteng lote mamaya. Hihintayin kita

“Bakit naman ang tipid nya mag text, si Agatha talaga” nireplyn nya ito na pupunta sya pagkatapos ng klase nila. Nagtatampo sya kung bakit ganun ang pagtrato nito sa kanya, minsan kasi napaka sweet nito sa kanya kahit sa text lang kaya naman nagtataka sya kung bakit ganun yung tinext nya. Kinakabahan sya, pakiramdam nya may hindi magandang mangyayari.

Pagkatapos ng klase nila ay kaagad syang dumiretso sa bakanteng lote. Excited na syang makita si Addison, isang araw pa lang nya itong hindi nakikita pero namimiss na nya kaagad ito. Pakanta kanta pa sya habang naglalakad. “Bakit kaya nya ako pinapapunta sa bakanteng lote? May sorpresa kaya sya?” tanong nya sa sarili nya. Kung madami lang siguro ang taong nakakasabay nya sa pag uwi sigurado syang mapagkakamalam nila itong baliw.

FVCK BABE! IM DEAD SERIOUS! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon