(9)

2.3K 49 0
                                    

“Masaya ka yata ngayon nak ah” nakangiting tanong ng ina ni Addison na ngayon ay naghahain ng kakainin nila para sa agahan. Napatingin naman ng may malaking ngiti ang dalaga sa kanyang ina.

“Opo nay, si Lucifer kasi ehh” natatawang sabi nito.

“Oh bakit inano kani Lucifer?” may halong pagaalalang tanong naman ng kanyang ina

“Nay wala po” sagot naman nito at yinakap ang kanyang ina mula sa likod nito “ang saya ko lang po kasi nakahanap ako ng lalaking kagaya ni itay, yung palagi kayong inaalagaan at hindi pinapaiyak” 

“ikaw ba anak ehh seryoso sayo si Lucifer?” sagot naman nito at hinarap ang kanyang anak

“nay seryoso po sa akin si Lucifer”

“siguraduhin nyo lang anak ahh, hindi kita pinagbabawalang mag nobyo pero tandaan mo, kapag sinaktan ka ni Lucifer ako ang makakaharap nya, at lagi mong tandaan anak titibay ang relasyon ng mag nobyo’t nobya kung may tiwala sila sa isa’t isa at walang tinatagong lihim sa isa’t isa, at syempre kailangan lagi nyong sinasabi na mahal na mahal nyo ang isa’t isa” mahabang sabi nito at inayos ang buhok ng kanyang anak. Ayos lang naman sa kanya si Lucifer para sa anak nya. Alam nyang hindi papabayan ng binata ang anak nya. Ang sa kanya lang naman ay dapat pagtuunan nila ng mabuti ang kanilang pag-aaral dahil ilang buwan na lang ay magtatapos na sila sa highschool.

“opo nay alam ko po yan, wala ka bang tiwala sa anak mo?” pinasimangot pa nito ang kanyang mukha.

“ikaw talagang bata ka! May pasimangot simangot ka pang nalalaman” kunwaring galit na sabi ng inay nito. Alam naman nyang nagpapalambing lang ang anak nya. Syempre may tiwala sya dito pinagsasabihan nya lamang ang kanyang anak sa dapat nitong gawin.

“Nay naman ehh niloloko lang kita, I love you po” sagot naman ng dalaga at muling yinakap ang kanyang ina.

“hala sige tawagin mo na ang kuya mo at kumain na tayo baka mahuli pa kayo sa klase nyo mamaya”

“opo nay” sagot naman nito at tumakbo papunta sa kwarto ng kanyang kuya.

***

“Agatha!” Napahinto sa paglalakad si Addison at napatingin sa tumawag sa pangalan nya.

“Lucy!” Ganting bati naman nya at linapitan si Lucifer na ngayon ay sobrang lapad ang ngiti. Halatang maganda ang gising nito.

“Good Morning Agatha”

“Good Morning Lucy” sagot naman nya at hinalikan sa pisngi ang kanyang nobyo. Namula naman ang pisngi ng binata at mas lalong lumapad ang ngiti nito. Masaya sya dahil sa wakas sa kanya na ang babaeng pinapangarap nya.

“pasok na tayo?” tumango lang bilang sagot si Addison at isinukbit ang kamay nito sa braso ni Lucifer.  Walang katumbas ang kasiyahan ni Lucifer. Nung hindi pa sila palagi syang malungkot sa tuwing papasok sya sa umaga, sisigla lang sya kapag nakita na nya si Agatha. Pero ngayon bago sya matulog at gigising sa umaga hindi na maalis ang ngiti sa kanyang labi.

***

Pagkapasok pa lang nilang dalawa sa school nila ay pinagtitinginan na sila ng mga studyante. Hawak kamay silang pumasok at nagtatawanan pa sila. Hindi nila alintana ang mga taong nakatingin sila. Napuno ng bulungan ang paligid nila kasabay nun ang pagkaramdam ng hiya ni Agatha. Hindi talaga sya komportable sa tuwing pinagtitinginan sya ng mga tao lalo pa ngayon at kasama nya si Lucifer.

“Agatha bakit?” malambing nitong tanong sa nobya at hinaplos pa ang pisngi nito. Ngumiti naman ng pilit si Agatha at hinaplos din ang pisngi ng kanyang nobyo.

“Wala Lucifer, tara na malalate na tayo” maglalakad na sana sya ng hilain sya ni Lucifer at yinakap ito ng mahigpit. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng kanyang nobyo. Bumilis ang tibok ng puso nya at uminit ang mukha nya. Ayos lang naman sa kanya kung yakapin sya ni Lucifer ehh ayaw nya lang pag madaming tao, nahihiya sya.

“Lucifer bitawan mo ako, ang daming nakatingin sa atin” mahinang sabi nito at tinago ang mukha nya sa dibdib ng binata.

“sabihin mo muna kung bakit bigla ka na lang lumungkot”

“ang dami kasing nakatingin sa atin nahihiya ako”

Tumawa naman ng mahina ang binata at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Agatha. “hindi ka pa ba nasasanay Agatha? Ganito din naman nung nililigawan pa kita ahh, huwag mong silang intindihin ang importante mahal kita at mahal mo ako, huwag mo silang pakialaman hindi sila ang makakasira sa realasyon natin okay?”

Tumango naman bilang sagot ang dalaga at pinunasan ang tumulong luha nya. Hindi nya aakalain na maririnig nya ang mga salitang yun kay Lucifer sa harap pa ng maraming tao. Lucifer never fails to make her happy. Hindi sya nagkamali ng lalaking pinili na mamahalin.

“huwag ka ng umiyak sige ka papangit ka nyan” tumawa silang dalawa sa sinabi ng binata, hinalikan nya ang noo ng nobya at pinunasan ang luha nito. “pinagtitinginan nila tayo kasi gwapo ako at maganda ka, tignan mo tayo talaga ang nakatadhana sa isa’t isa”

“alam mo Lucifer lumalaki nanaman yang ulo mo, tara na nga late na tayo”

Hindi na lang sumagot ang binata at hinawakan nya ang kamay ng nobya. Parang sasabog ang puso nya sa sobrang tuwa. Pinapangako nya na mag aaral syang mabuti para sa kinabukasan nila ni Agatha. Tratratuhin nya itong parang isang kayamanan. Hinding hindi nya sasaktan ang dalaga at habang buhay na mamahalin ito. Kahit ano man ang dumating na pagsubok sa nuhay nila kakayanin nya hindi nya bibitawan ang kamay nito kahit na gaano pa kahirap ang haharapin nilang pagsubok sa relasyon nila.

FVCK BABE! IM DEAD SERIOUS! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon