Naglakad ako ng mabilis palabas ng school. Kulang nalang ay takbuhin ko, baka habulin ako ni Erin pero wala namang humabol sakin. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Baka iniisip nila na mag-nanakaw ako. Sumakay ako ng jeep, hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong kasiguraduhan, makalayo lang dun sa school.
Medyo malayo-layo din ang nilakad ko kaya hingal na hingal ako. Medyo umiinit na sa Manila kaya siguro mabilis na din akong mapagod. Iniabot ko ang bayad ko sa driver. Tinanong nya kung saan ako baba, ang sabi ko naman, dyan lang. Wala akong ibang-pupuntahan. Wala akong ibang kamag-anak na nasa Manila. Ayaw ko naman umuwi sa Cavite, wala ako sa mood mag-paliwanag kila nanay at tatay kung bakit ako nandon. Ang gusto ko lang ay mapag-isa.
Naka-tulala lang ako sa may malapit sa pinto ng jeep. Nag-iisip kung anong susunod kong gagawin. Kung babalik pa ba ako sa pag-tuturo? Itutuloy ko pa ba ang pagma-masters ko kung hindi naman ako babalik sa pag-tuturo? Mamimiss ko ang mga estudyante ko. Mamimiss ko din ang pag-tuturo. Pero pano?
Nangingilid ang luha saking mga mata, agad ko naman iyong pinunas ng kamay ko. Ayaw kong makita ako ng mga tao na umiiyak mag-isa. Pero wala akong paki-alam sa kanila. Gusto kong lumayo.
Tumigil ang jeep sa may tapat ng isang building at marami doong batang nakatambay. Humihit-hit sila ng rugby. Tigi-tigisa sila ng supot na hawak-hawak nila at iniiga ng kemikal ang mga utak nila.
Wala ba silang mga magulang? Bakit sila nasa kalsada? Dapat nasa eskwelahan sila at nag-aaral. Ang daming bagay na pumasok sa isip ko. Isa iyon sa mga kahinaan ko. Ang mag-isip ng malalim.
Halos kalahating oras akong nakasakay sa jeep. Hindi naman ako tinitignan ng driver kasi maraming pasahero na bumababa at sumasakay. Kaya noong nakita ko na dadaan kami sa isang mall ay pumara na ako sa harap nito. Tatambay muna ako, nagpapatay ng oras. Pag-uwi naman sa bahay, matutulog lang ako.
Gumaan ang pakiramdam ko nang maka-pasok ako sa malamig na lugar. Gusto ko sa mga malalamig na lugar. Naiirita ako pag mainit. Madali akong pag-pawisan tsaka lumalabas ang mga pimples ko pag-mainit ang panahon.
Lumulutang pa rin ang isipan ko sa mga nangyari. Si Ramirez. Si Erin. Lahat sila. Pero wala akong paki-alam sa mga sinasabi nh ibang tao sakin.
Kaya naupo muna ako sa isang bench. Hindi pa naman ako nagugutom at maaga pa naman. Wala pang masyadong tao sa loob ng mall. Tulad ng nasa loob ng jeep, nakatulala lang ako din ako dun. Walang ano mang reaksyon ang mukha ko. Malamig sa loob ng mall. Kasing lamig ng pakiramdam ko.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko. May free wifi sa loob ng mall kaya makakapag-open ako ng Facebook. Puro events lang ang natanggap ko na notifications. Wala man lang personal message na nanganagmusta kung buhay pa ba ako. Tulad ng dati, scroll down lang at scanning ang ginagawa ko.
Inilabas ko din ang earphones ko sa loob ng bag ko. Kinabit ko 'yun sa phone ko para makinig ng music. Halos lahat ng kanta sa playlist ko ay indie at pang-sawi ang tema. Simula kasi nang hindi ko na sya kausap, hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Hindi man naging kami, pero ang lakas ng impact nya sakin. Halos dalawang taon din kami mag-kausap, magka-chat sa messenger, minsan natawag sya sakin, tapos bigla syang nawala. Para akong zombie nang mangyari yun. Hanggang ngayon. Sobrang manhid ko na.
"Sana" ng UDD ang saktong nag-play sa playlist ko. Pinagtitripan ako ng tadhana, pero wala sakin yun. Sanay naman akong pag-laruan. Tinuloy ko parin ang pagi-scan sa news feed ko habang nakikinig ng music. Ang sasaya ng mga friends ko. Halos lahat sila, may sarili nang pamilya. Nakakapag-travel, engaged at kung anu-ano pa. Napapabuntong hininga nalang ako. Sana masaya din ako tulad nila.
Nakita ko ang isa nyang post. Nasa Palawan sila. Kasama ang mga kaibigan nya. Masaya silang dalawa. Si Hendrix at yung girl. Poker-faced but hurting inside. Wala akong nagawa. Hindi ko pa nga talaga kaya. Kaya kinlose ko ang Facebook ko. At lahat ay bumabalik sakin. Lahat ng sakit at pangungulila. Miss ko na naman si Hendrix.
BINABASA MO ANG
Calling Midnight
General Fiction(Tagalog-english) After she resigned from being an educator, Nash's path change when she applied in Emerald Enterprise, an international BPO company. Not knowing she would find Hendrix, the man she have met in social media and fell in love with. The...