CHAPTER 4 - Attitude Test

8 0 0
                                    

Hindi muna ako umuwi ng bahay. Inayos ko ang resumé ko para ipasa sa EE. Inedit ko sa com-shop yung iba. Binago ko din yung working experience ko. 6 months lang ang pinasok ko sa school tapos force resignation agad. Hindi man lang ako binigyan ng isa pang pagkakataon ni Ramirez para itama ko kung ano mang pag-kakamali ko.

Hindi ko tinignan ang wall ko sa Facebook. Wala rin naman mag-babago, masasaktan ako lalo, lalo na't sa palagay ko ay active na active at laging online si Hendrix. Malamang, hindi ko mapipigilan ang sarili ko na kamustahin sya. Kailangn kong mag-focus kung anong kelangan ko. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera na magtatawid sa pang-araw-araw kong gastusin. Wala akong panahon para makaramdam ng kahit ano mang pag-ibig o sakit ngayon. Delete. Erase. Bura.

Sinend ko sa email ng HR ng EE yung resumé ko. Nagbabakasakaling tumawag o magtext sila sakin. Hindi rin pwedeng aasa lang ako sa EE, kailangan ding mag-walk-in ako sa paga-apply. Marami namang call center dito sa Quezon city.

Madalim na nang nakatapos ako sa computer shop. Nakinig lang ako ng music pampalipas ng oras. Halos dalawang oras din ako tumambay dun. Nagke-crave na naman ako sa kimchi. Wala nga pala akong imbak na kimchi sa bahay kaya dumaan ako sa isang korean store na malapit sa tinitirahan ko. Bumili na din ako ng nori. Sa totoo lang, mas marami ang nagagastos ko sa pag-kain kesa sa mga damit at make-up. Minsan lang ako bumili ng mga yun pero kung pag-kain lang ang pag-uusapan, tyak nasa front row ako. Wala din akong naiipon kasi puro kain ang inaatupag ko.

Minsan nagagalit sakin ang nanay ko kasi puro t-shirt at maong lang sinusuot ko, hindi daw ako bumuli ng dress o blouse para man lang mag-mukhang babae ako. Mas nauuna kasi ang gutom ko kesa sa luho ko. Bumibili din ako ng mga bagong dress, hindi ko naman sinusuot. Nakatago lang sa cabinet at drawer ko. 

Pagkabili ko nang kimchi ay narinig ko na naman yung pamilyar na boses na narinig ko rin sa fastfood restaurant kahapon. At sa pagkakataong ito, narinig ko ito sa labas. Maraming nakatambay sa labas ng korean store. Maingay sa labas pero nangingibabaw sa isip ko ang boses nya. Lalaki ang boses. Matatas sa english. Sinuyod ko lang ng tingin ang tambayan nila pero hindi ko masyadong makita kasi medyo madilim ang paligid. Bigla akong nalungkot at tinamaan ng pagod. Bakit ko pag-aaksayahan ng oras para mag-hanap kung sino o kanino yung boses na 'yun. Kailangan kong mag-pahinga dahil marami pa akong aapplyan bukas. Naka-ready na din ang resumé ko para ipa-print nalang bukas. At nag-lakad na nga ako sa pauwi sa bahay ko. Hindi ko alam kung bakit ko na-tripan na mag-lakad kung napapagod na ako at nagugutom, habang hawak ko ang isang maliit na tupperware ng malamig na kimchi. Kung sa bagay, medyo malapit naman ang bahay ko at para makatipid na din ako sa pamasahe.

Dumating ako sa bahay, nag-saing muna ako sa rice cooker saka ako nag-palit ng pambahay na damit. Nilagay ko muna sa ref ang kimchi ko. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing, chinarge ko ang cellphone ko sa may lababo. Binuksan ko din ang T.V. para malibang ang isip ko.  Walang ibang magandang palabas kaya balita nalang ang pinanuod ko. 

Lumilipad ang isip ko sa mga nangyari sakin nagyong araw. Parang ang tagal ng mga pangyayari at pilit kong hinahanapan ng bright side ang lahat, dahil sa ganong paraan ko lang matatanggap ang lahat.

Dumagdag pa ang pag-kamiss ko kay Hendrix. May bright side ba ang pag-kamiss ko sa kanya? Nararamdaman ko lang ang pangungulila sa taong boses lang ang narinig ko mula phone, at naka-text lang. Pero sa lahat ng mga naging ka-chat ko noon, sya lang inentertain ko. Sya lang ang pinag-laanan ko ng oras. Sya lang ang minahal ko ng buong puso na sa sobrang pag-kasabik na kausapin sya, may kirot akong nadarama. Sa mga panahong ito, sya na naman ang iniisip ko. Kala ko naka-move on na ako. Kala ko kaya ko okay na, hindi pa pala.

Nakatulala na naman ako. Naiin-in na ang sinaing ko. Gutom na gutom ako at pagod, pati ang puso ko na nag-uumpisa na namang makaramdam. Akala ko ay tuluyan na akong namanhid sa mga nararamdaman ko. Nag-sandok ako ng kanin sa plato, kinuha yung tirang adobo sa ref pati yung kimchi na binili ko at nag-lagay ako sa platito at kumuha ng tubig. Naupo na ako sa mesa at nag-antanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Calling MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon