Lunes ng umaga. Naalimpungatan ako sa tahol ng aso ng kapitbahay ko. Naunahan kong mag-alarm ang cellphone ko. Hindi na naman ako nakatulog. Magdamag akong gising kasama ng aking mga iniisip.
Dahan-dahan akong umupo sa kama ko. Alam kong mahihilo ako kapag binigla ko ang katawan ko. Dun lang nag-alarm ang cellphone ko. Kinuha ko ang iyon sa may lamesita sa tabi ng kama ko. Pinatay ko ang alarm. Tulad ng dati, wala ibang notifications akong natatanggap bukod sa mga notifs sa Facebook ng kung anu-ano, message ng service provider at alarm. Matagal nang tahimik ang cellphone ko simula nang tumigil kami sa pag-uusap na dalawa. Wala na akong balita sa kanya.
Inihanda ko ang sarili ko kahit na pagod na pagod ako. Wala pa akong isang taon sa pagiging teacher pero pagod na pagod ang pakiramdam ko. Lalo na't may pinag-dadaanan ako. Kailangan kong ipakita sa mga bata na masaya ako.
Tulad ng nakagawian, ligo, bihis ng uniform, luto ng almusal, kain, sipilyo at naghahanda para sa pagpasok. Anim na buwan pa lang akong nagtuturo sa isang international school sa Quezon city. Taga Cavite talaga ako pero dito ako natanggap kaya nangungupahan ako sa paupahan ng tiyahin ko na nasa United Kingdom. Kailangan kong mamuhay na mag-isa dahil ito naman talaga ang gusto ko. Ang harapin ang mga pag-subok na ako lang ang mag-isa.
6:30 pa lang ng umaga pero madilim pa. Alas otso ang simula ng klase pero kailangan kong umalis ng maaga dahil ma-traffic na sa daan. Malamig din ang hangin na dala ng amihan. Namimiss ko tuloy ang Tagaytay.
Medyo malayo ang school sa inuupahan ko. Kailangan ko pang sumakay ng LRT, pwede naman akong mag-taxi kaso nagtitipid ako. Pag-katapos kong sumakay ng LRT, sa jeep naman ako sasakay para diretso sa harap ng school.
Medyo hilo pa ako kahit na kumain ako almusal. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana ngayong araw. Buti nalang at nakapag-ayos ako ng sarili ko para hindi nila halata ang pagod ko at ang pamumutla.
Hindi ako ganong ka-ganda, hindi din ako ganong ka-pangit. May mga impurities ako sa mukha at iilang pimples na gustong lumabas, minsan ay nabubulol ako sa pag-sasalita dahil sa braces ko, pero, simple lang ako na may pag-kaboyish ang kilos, makakapag-kamalan akong tomboy. At hindi ako mag-tataka na walang nag-kakagusto sakin dahil hindi ako marunong mag-ayos ng sarili ko. Pwera nalang kung may importanteng gala o lakad, dun lang ako mag-susuklay ng shoulder lenght ko na buhok, mag-lalagay ng lipstick at mag-aahit ng kilay para naman kahit may makasalubong ako, masabi naman nila na mukha akong tao.
"Good morning, Ma'am Nash!" Bati ni kuya guard sakin.
"Good morning din po, kuya!" Bati ko pabalik. "Kamusta ang new year?"
"Ayos lang naman po, maam. Kumpleto ang pamilya ko noong pasko at bagong taon. Sama-sama kami."
Nakakatuwang makarinig ng mga ganong bagay lalo na't bagong taon. Sana maganda din ang pasok ng taon sakin.
"That's great, kuya!" wala akong ibang naisagot kundi ganon lang. Ayokong usisain pa ako ni kuya guard.
"Sige po, dito na ko, happy new year!"
"Happy New year din po, maam!"
Wala pang masyadong tao o estudyante sa hallway. Siguro, nasa bakasyon pa ang iba. Dumiretso ako sa faculty room at nag time-in. Nadatnan ko si Maam Hazel na nagse-cellphone.
"Good morning and happy new year, Maam Nash!"
Masayang bati nya sakin. Inilapag ko sa table ang bag-pack ko at binuksan para kunin ang phone at class record ko.
BINABASA MO ANG
Calling Midnight
Genel Kurgu(Tagalog-english) After she resigned from being an educator, Nash's path change when she applied in Emerald Enterprise, an international BPO company. Not knowing she would find Hendrix, the man she have met in social media and fell in love with. The...