Hinaing Quince

962 42 23
                                    

Dahil sa ginawa ko sa kanya noo, MAS NAGING MALUPIT si mama sa akin..

Lagi niya ako hinahampas ng walis sa paa sa umaga.

Napakasakit talaga, parang lahat ng lakas mo hinigop ng pwersang iyon..

Lagi nalang akong nakadapa sa sahig pagkatapos niya akong hamapasin..

Tumatagal ng sampung mnuto para makatayo ako.

Ginagawa niya ito para mahirapan ako sa paggawa ng mga trabaho ko sa bahay.

Pero kahit ganoon ang ginagawa niya, hindi na ako umiiyak..

NGUMINGITI na ako.

Nakikita ko naman na nabwibwisit siya sa pagngiti ko kaya mas nilalakasan niya yung paghampas niya sa akin..

Tindi ng galit niya, pero wala eh.

May nagbigay sakin ng LAKAS.

Kada gabi nagpapasalamat ako sa nagbigay sakin ng DAHILAN para mabuhay at makatagal sa napakasalimuot na impyernong ito.

Basta matutulog na ako, hinahalikan ko talaga ang ROSARYO.

---

Isang araw pinapasok ako ni inay sa bahay.

"Tapos naman ako sa mga trabaho ko ha?"sabi ko sa sarili ko.

Pinaupo niya ako sa upuan ng hapagkainan "nila".

Hindi ako kasali sa pamilya,diba?

Nagtataka talaga ako sa pagpapapasok sa akin sa bahay.

Bakit kaya?

Baka may kung anong laro nanaman si nanay para sa akin.

KAILANGAN, kailangan kong maging alerto.

Dapat akong mag-ingat.

Baka mas malala pa itong gagawin niya kumpara noon.

Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ni mama, at NAKANGITI siya.

NAKAKAKILABOT.

Tama nga ang hinala ko,may gagawin siyang masama sa akin.

Ngumingiti lang kasi iyan kapag may masama siyang plano.

Nung huli ko siyang nakitang nakangiti, ito ay noong pinagsamantalahan nila ako ng aking kuya Kyle.

Naging matalas ang isip at mata ko sa bawat kilos niya.

Maya-maya, pumasok siya sa kusina.

May kutob akong gagamitin niya ang kahinaan ko ngayon.

Huwag naman sana.

HUWAG ANG PAGKAIN.

Magpapakamatay talaga ako kapalit ng isang kutsarang kanin.

Naibalik ang aking isipan ng nalanghap ko ang napakabangong aroma na nagmumula sa KUSINA.

Parang nakikita ko yung usok ng bango?

Hindi ko namalayan na nabasa na ang aking kalsonsilyo..

SA LAWAY KO.

Agad-agad kong pinunasan ang bibig ko, baka mahalata pa ni mama.

Para akong nahuli sa patibong.

Ako yung tigre, Siya yung HALIMAW.

Ngayon, isa lang ang nasa isip ko..

Hinaing ng isang Bata ™ [Complete]Where stories live. Discover now