Hinaing Dieciocho

774 30 2
                                    

Papasok na sana ako ng may kumalabit sa akin.

Matanda.

May mga bagaheng mga dala.

May suot na ngiti..

"PAPA?" sabi ko.

Bakit andito si tatay?

Hindi ba nag-away sila ni Inay?

Binitiwan niya ang kanyang mga dalang maleta at dali-daling niyakap ako.

"Anak, magkakasama na tayo muli."

Ang sinabi niyang iyon ang nagbigay sakn ng lakas para ngumiti.

Isang ngiting PURO.

TOTOO.

MASAYA.

Hindi nagtagal ay niyakap ko rin siya.

Kay tagal tagal ko ng hiniling sa Diyos ang araw na ito.

Iyong mabubuo na ang pamilya ko.

Dahil dito nagsimula ang lahat ng problema..

At alam ko, na dahil bumalik na si tatay...

MAGIGING MASAYA NA ULIT ANG BUHAY KO..

Nag-usap sa loob ng kwarto sila mama at papa.

Kitang-kita rito sa labas ang kanilang silweta, magkayap.

Kay ganda pagmasdan ang tanawing ito.

Nakakabigay-saya sa aking puso.

Sana, tuloy-tuloy na ito..

Sana nga.

---

Nagising nalang ako nang may malalaking bisig na nakayakap sa akin.

Si Tatay.

Magkatabi kami na natulog, iyon ang kahilingan niya ni inay na walang atubiling sumang-ayon.

Pero may kakaiba akong naramdaman sa titig ni inay sa akin..

Pero hindi ko nalang ito pinansin.


Sa halip, ninamnam ko nalang ang oras na kasama ang aking pinakamamahal na itay..

Pagkagising ko, Nakahanda na ang almusal..

Ang lahat ng mga gamit sa loob ng bahay ay bagong linis.

"Si mama ba ang may gawa nito?" sabi ko sa sarili ko

Iniwan ko muna si itay na natutulog sa kama, hahanapin ko muna si nanay.

At pagdating ko sa kusina, may nakita akong isang malinis at napakagandang pigura ng isang babae.

Nagluluto siya sa kaserola, nakaipit ang buhok at suot-suot ang pulang delantal.

Si inay.

Parang nakita ko na ito, ah..

Oo nga, alam ko na kung saan ko na ito nakita..

NOON.

Nung maayos pa ang pamilya namin..

Nagsisimula na talgang maayos ang pamilya nila..

NAMIN.

Isang malaking boses sa likuran ang gumulat sa akin!

Si itay pala.

Nilingon ko naman siya,at hagalpak na tawa ang nakikita ko.

Pero sa halip na mainis, eh tumawa nalang din ako.

Masaya at mapayapa kaming kumain ng almusal, kasama ang mga kapatid ko..

Kahit itlog lang at hotdog ang nakahain , parang mas masarap pa ito kesa sa mga mamahaling pagkain sa mga restawrant.

Kasi damang dama ko ang PUSO sa kinain ko..

Sana panghabang-buhay na ito..

Pero sino ba naman ako para humiling ng HABANG-BUHAY?

------

Hinaing ng isang Bata ™ [Complete]Where stories live. Discover now